"Bakit hindi mo na lang ituloy ang plano mong mag-take ng units?"
Wala pa rin ang atensyon ko sa kaniya dahil abala ako sa ginagawa. Ang dami pang pending orders na hindi ko pa tapos ayusin. E, sa susunod na araw na ang delivery ng mga iyon, kaya dapat ay matapos ko na ngayong araw. Para hindi ako laging natatambakan. Ayaw ko rin namang may makalimutan akong orders. Hindi ko gugustuhin mawalan ng customers, 'no. Sino ba ang may gusto no'n?
Inayos ko na ang lahat ng ide-deliver ngayong araw. Naka-separate na ang mga iyon depende sa location ng buyer. Hindi ko naman makakayang magreklamo sa dami ng orders, dahil iyon ang mismong nagbibigay sa akin ng pera.
Sa panahon ngayon, hindi na basta-basta ang pera, 'no. Sirang sira na iyang money can't buy happiness na iyan. Kung wala akong pera, hindi ako magiging masaya!
"Dalawang semester lang naman iyon, Chrys. Pagkatapos ay puwede ka nang mag-take ng exam. Sigurado namang pasado ka agad ro'n, kung sakali," patuloy ni Linda kahit halatang wala akong pakialam sa sinasabi niya.
Nilagyan ko na ng sticker ang ilan para ibibigay ko na lang sa delivery boy mamaya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinimulan nang ilagay sa kahon ang lahat ng package. Hinayaan ko lamang si Linda na nakaupo sa sahig.
"Chrysantha, makinig ka nga sa akin," bakas na ang iritasyon sa boses ng kasama ko.
I sighed heavily. "Linda, busy ako. Mamaya na iyan," tanging agap ko.
"Makikinig ka lang naman. Ang dami mong arte."
Tumayo rin siya at tumulong sa paglalagay ng mga package sa kahon. Alam ko namang hindi niya pa rin ako titigilan kaya hinayaan ko na lamang ulit siya. Lagi naman akong walang takas sa kaniya, e.
"Seryoso ako, Chrys. Ako na muna ang gagastos. Dalawang semester lang iyon. Sayang naman!" pilit niya ulit.
Kinamot ko ang ulo ko. "Linda, hindi na nga muna. Wala akong oras para riyan."
Nangunot agad ang noo niya. Umiwas na lamang ako ng tingin, dahil tatanggi pa rin ako sa kahit ano pang pilit na gagawin niya.
"Sinasabi ko nga sa iyo, 'di ba? Paglaanan mo na lang muna ng oras 'to. Nandito naman ako. Ako na ang bahala sa shop, basta mag-aral ka."
Hindi ako sumagot.
"Gusto mo rin naman maging teacher, hindi ba? Bakit hindi mo na ituloy ngayon? Kukuha ka lang ng units tapos dalawang semester lang. Puwede ka nang mag-board exam agad."
Itinigil ko ang ginagawa ko.
"Hindi gano'n ka-simple 'to, Linda. Kahit mag-aral ako, maging teacher ako, hindi ko pa rin mababayaran lahat ng utang na natitira. Sabihin nating nag-aral ako, pero ubos naman ang oras ko."
Bumuntong-hininga ako.
"Oras ang kalaban ko rito, Linda. Kung hindi ako kikilos agad, madadagdagan lang ang interes ng utang ko."
She stared at me. Halatang ayaw niya sa pananaw ko. Naiintindihan ko naman ang punto niya, pero gaya ng sinabi ko...oras ang kalaban ko. Kailangan kong magmadali. Wala na akong oras para mag-aral at para kumita galing sa propesyon ko. Bago pa ako kumita ro'n ay paniguradong may panibagong utang na naman akong kailangan bayaran. Halos hindi na rin ako makakaipon.
"Basta... Kung magbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin. Ako na ang gagastos para sa tuition mo. Hindi ko rin naman pababayaan ang shop, kaya kung sakali man...hindi mo kailangan isipin nang isipin ang magiging benta," saad niya.
Hindi na niya ako kinulit pagkatapos no'n. Pero sigurado akong sa susunod na araw ay may panibago na naman siyang ilalaban sa akin para gawin ko ang gusto niya. Gusto ko rin naman... Hindi ko naman sinasabing ayaw ko. Plano ko rin naman ang mag-take ng units, pero hindi ako kailanman nagplano kung kailan.
YOU ARE READING
Broken Chrysanths
RomanceMonet Series #1 Euanne Chrysantha Zendejas lives her life like no other. But reality snaps, she realized...it's all in her head. Hindi pala laging masaya ang mabuhay. At kung maging masaya ka man ay para bang laging may pumipigil sa 'yo. Do we need...