Zynniah's POV:
"Wow, first place!" Vienna exclaimed. She's being sarcastic.
I won. again.
Malamang ay pagod na sila makitang ako na naman ang nangunguna sa listahan ng mga pumasa, well, ako naman palagi. I can't deny the fact that it fed my ego.
"Alam niyo, pagod na ako. Palagi nalang ganito," Fierra said. Making my eyebrow rise na siya namang inilingan niya.
"Gaga, hindi sa pagkapanalo mo. Ang sinasabi ko lang ay bakit kailangan pati tayo nag e-exam pa rin? I mean, ilang taon na tayo sa academy na 'to pero pati tayo required pa rin mag take ng entrance exam," she said.
Totoo naman. Twelve years ang aabutin bago kami makagraduate sa Academy na 'to at sa loob ng six years ay six times na rin kaming nag ta-take ng entrance exam. Ang pagkakaalam ko ay ang ibang Academy naman ay mga freshman lang ang nag ta-take ng entrance exam nila o 'di kaya 'yung mga bago o papasok palang sa Academy nila. Pero kami, six consecutive years na.
Sa loob ng twelve years panunuluyan namin dito sa Academy, limang ranks ang pwede naming maabot.
Omoua, ang pinakamababa, karaniwan sa kanila ay mga bago pa lamang at nagsisimula palang sa pag aaral at pag eensayo ng mga abilidad na meron sila.
Rhoe, pangalawa sa pinakamababa. Sa rank na 'to ay nag i-improve na ang mga Omoua at nahuhusay na ang mga kakayahan nila, ngunit hindi pa ito sapat. May ilang case na may mga hindi na nakakaalis na rank na 'to, marahil ay 'yon lang ang kaya ng kanilang mga abilidad.
Zhiotuae, malaki na ang agwat ng mga 'to sa mga Rhoe. Sila ang pumapagitna sa limang ranggo. Pero hindi dahil pangtalo lang sila sa limang ranggo ay mahihina na sila. I wouldn't dare to mess with them if i were you. They are enough to guard the whole Academy.
Gaimion, pangalawa sa pinakamataas. Sila ang mga napapadala sa labas ng Academy para magbantay. Nakakatanggap din sila ng mga side quest na galing sa committee kapag nagkakaroon ng nga hindi inaasahang problema.
At ang huli, ang Aueqo. Ang pinakamataas na ranggo. Lima lang kami. Kami ang naaatasang makipagtulungan sa iba pang Academy. Sa amin din nabibigay ang mahihirap na mission na hindi pwedeng ipagkatiwala sa mga Gaimion.
"The prophecy," River said. Joining in our conversation. Dahilan para mabalik ako sa huwisyo.
"What prophecy?" I asked. It caught my attention. Matagal ko na kasing naririnig ang usap-usapan na 'yan, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung ano ba talaga ang tinutukoy nila.
"You don't know?" Kunot-noong tanong sa akin ni River.
"Itatanong ko ba kung alam ko?" Sarkastiko kong sagot.
"Well, uh..." River cleared his throat.
"Yeah, the prophecy states that the Academy will eventually face its downfall," He explained.
"'Yun lang? Sinabi ba kung anong dahilan?" Fierra asked. Siguro ay nacurious na rin sa mga sinabi ni River.
"Hindi ko alam, 'yon lang ang narinig ko eh," Kamot batok na sagot ni River.
"Ano ba 'yan! kulang!" Pagrereklamo naman ni Vienna. Sinamaan naman ito ng tingin ni River.
"Edi ikaw dumiskarte at alamin mo! Palibhasa kasi chismosa ka!"
"Ulol! Kwento mo sa mama mong pagong,"
"Hoy—"
"Enough," Tumayo ako at tiningnan ang dalawa. Kung hindi si River at Fierra ang magkaaway, sila naman. Para akong may alagaing bata.
"Puwede ba? Maglayo kayong dalawa kung hindi niyo kayang—"
Naputol ang panenermon ko sa kanila ng biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ni Vienna. Dahil ako ang mas malapit sa pinto ako na ang nag bukas nito.
"Bakit hindi ka yata masayang makita ako rito?"
Salubong ni Gyselle, ate ko, nang buksan ko ang pinto.
"Out of all people, ikaw ang huli kong inaasahang makita rito," I said. She just smiled at pinch my cheeks. Pero totoo, hindi ko siya inaasahang makita. Hindi naman kami ganon ka-close at isa pa, nasa loob siya ng dorm ng Aueqo and as far as i can remember, she hates this place, with no particular reason. Basta ayaw niya lang.
"Ano makakain niyo rito?" She asked while checking Vienna's mini fridge. She grabbed a can of soda and looked at us.
"You're screwed," She said while looking at me, na siya namang kinakunot ng noo ko. Ako? Bakit ako?
"Wala akong ginawa—"
"Pero si River meron," She said. Nilingon ko naman si River na walang pake sa mga sinasabi ni Gyselle. Nakangiti pa ang mokong.
"Eavesdropping. The committee was holding a meeting when he was caught eavesdropping," there's a hint of sarcasm in her tone as she looked at River with a fake smile. Then she turned to me.
"And you, as the leader will be held accountable for what your member or members did."
__________
"This will be the last time, Ms. Valdez. Learn how to control your members."
Mrs. Bualtemura looked at me, you can clearly see the disappointment in her eyes. Mataas ang tingin ng mga tao sa amin, lalo na ng mga tao sa loob ng paaralang 'to. Kaya sa paningin ng mga nakatataas, we should be an example for the lower ranks and of course, we should act accordingly.
"As your punishment, you'll serve your remaining weeks before the classes start in the dungeon," dagdag niya pa habang nakatingin sa nga files na inaasikaso.
I couldn't careless. Isang linggo nalang naman bago magsimula ang klase. Pero there's something that keeps on bothering me simula pa noong pumasok ako sa office ni Mrs. Bualtemura.
"So that settles it. Kung wala—"
"One question," I cut her off.
She turn her eyes to me, binitawan niya rin ang mga files at tinuon sa akin ang kaniyang atensyon.
"Why is the committee so pressed about this eavesdropping issue?" I asked. Bumuntong hininga naman siya at sumandal sa upuan.
"Confidential, you don't need to know."
Tumayo ako sa upuan at naglakad papunta sa pinto, pero dahan dahan akong tumigil ng mahawakan ko na ang doorknob.
"Yeah, a prophecy that will affect our beloved Academy is indeed confidential," I said without looking at her. I can feel her intense gaze as if it were trying to pierce into my body.
"Sit back down."
I smiled. Gotcha.

BINABASA MO ANG
Vion Academy: The Serpent's Call
FantasyVion Academy is a home for Civions who have the ability that connects them with animals. They are the ones who can talk, understand, or even manipulate them. ____ Zynniah Loreign Valdez is a perfect girl, a top student with high grades, a pretty fa...