"The death of Hiraya Cordova aka the 21st century princess broke the heart of the nation" pagsisimulang ulat ng reporter, kasunod nito ay ipinakita ang wasak at umuusok pang sasakyan.
"Sa likod ko ay ang sasakyan kung saan huling nakitang lulan si Ms. Cordova, bago sya sinugod sa malapit na ospital kung saan ilang minuto pa lamang ay in-anunsyo na aya ay DEAD ON ARRIVAL" huminto sa pagsasalita ang babaeng reporter, she looked so emotional, as well as all the people around her started to cry.
"Hiraya Cordova, o mas kilala nating Hiraya o Raya Cordova-Alcazar, used to be the former wife of the well known Billionaire Business Tycoon-Actor Henry Gabriel Alcazar, before their divorce a year ago. She is loved by many for her genuine unique personality, natural helpful-kind character, and how she fought for herself and her kids laban sa bilyonaryong ex-husband at ang mistress nitong si Camille Ventura. Ang tanong ng marami, may kinalaman kaya ang pinaglalabang custody rights ni Ms. Cordova sa aksidenteng kumitil ng buhay nya ngayong araw na ito?"
Mabilis ang naging pagbangon ni Hiraya sa kanyang higaan, hawak-hawak ang puso nya ay sunod-sunod ang paghabol nya sa hininga nya. Tumutulo din ang pawis nya kahit napakalamig ng kwarto nya dahil sa aircon.
"I died, I died" paulit ulit nya itong sinasabi. "He killed me, he killed me"
Nagulat sya ng may mabilis na pumasok sa kwarto nya pagkatapos ng dalawang katok.
"Hiraya, bumangon ka na dyan, anong oras na, ilang beses ng nagpabalik balik ang yaya mo to wake you up, alam mo namang importanteng araw ito" her mom told her habang hawak nito ang doorknob.
"Po?" she asked. Tila kumunot ang noo nya, napakabatang tingnan ng ina nya sa paningin nya, parang bumata ito ng sampung taon.
"Don't tell me you forgot? You're meeting your fiance today, pupunta ngayong araw dito si Henry to officially meet you" Nanlaki ang mata nya.
"What?! A-ano pong sinasabi nyo to meet? Ma, sinabi ko sa inyo diba, all throughout our marriage, he just wanted me out of his life para sa babae nya, sya ang dahilan kung-
Kusa syang napahinto ng mapatingin sya sa kalendaryo sa dingding nya. Malaking nakasulat doon, ang numerong 2024.
"2024?" nasambit iyon ni Hiraya.
"Hija, what's happening to you? Anong sinasabi mong marriage, ikakasal palang kayo ni Henry-
"Ikakasal? Ikakasal pa lang kami?" tanong nya sa ina, her heart is pumping very loud.
"Yes, and why are you staring at the calendar ba?"
"Anong taon ngayon ma?"
"2024, what's wrong ba hija?" tanong muli ng ina.
Bumagsak ang balikat ni Hiraya, imposibleng mangyari, napaka imposible.
"Anyway, prepare yourself, paaakyatin ko na ang yaya mo to help you pick your clothes para sa lunch mamaya, okay?" nagtaka si Reina, sa inaasal ng anak, dahil nanatiling tulala ito pero nagkibit balikat na lamang sya bago umalis sa kwarto na ito.
"I'm alive" yun ang sinabi ni Hiraya sa sarili, hinawakan nya ang sarili at kinurot kurot. "Pinaprank nyo ba ko?" tumayo sya at tiningnan nya ang paligid to see if there is any camera, pero wala syang nakita.
Lumapit sya sa sa side table nya at nanlaki ang mata nya ng makita ang old phone nya, dahan-dahan nya iyong inabot at pagkabukas nito ay sumalubong sa kanya ang date na August 28, 2024.
Mabilis nyang naibagsak ang phone nya, tila mawawalan sya ng balanse, muli nyang tiningna ang buong paligid bago bumagsak sa kalendaryo ang mata nya.
"Sht" she cursed. "Imposible, pero-" nahawakan nya ang labi bago nag-isip.
"Henry killed me, disguising it as a car crash on the year 2032, pinatay nya ako para kay Camille, he needed to make sure na wala ako sa landas nila, and now I am back in the year 2024. 8 years before my death" she bit her lip as excitement engulfed her.
"I-I can still change things, I will be able to change things, I will make sure to live a long life this time, hindi ko hahayaang magwagi kayong dalawa" napatingin sya sa labas ng bintana ng marinig nya ang paghinto ng kotse.
Lumapit sya rito para silipin, she immediately remembered the same car, ito ang kotse na may lulan kay Henry. Napahawak sya sa kurtina, as she said these words.
"I died, all because I loved you" lumunok sya. "This time, I will not let that happen, I will not let you kill me, Henry"
-----
Start Date: September 3, 2024 - 7:00 AM
BINABASA MO ANG
All Because I Loved You
RomanceHiraya Clementine Cordova, died on the year 2032 because of a car accident, a lot of people admired her dahil sabi nga nila relatable sya at totoong napakabait. Nung mamaalam si Hiraya ay sinisi at pinagbibintangan ng mga tao na ang may pakana daw n...