𝕮𝖆𝖕𝖎𝖙𝖔𝖑𝖔 VI ♚ A Fountain of Stars

114 9 51
                                    





⋄⋄⋄❖⋄⋄𖠁𖢨𖠁⋄⋄❖⋄⋄⋄

Anastasia weeps, her words of love and loss pouring out. And he takes it all in, believes it. He always does. They all loved him, after all. Every one of them.

But his heart isn't theirs to claim. It belongs somewhere else. To someone else.

⋄⋄⋄❖⋄⋄𖠁𖢨𖠁⋄⋄❖⋄⋄⋄



"Oh, hayan ka na naman," asar ni Eula Betancourt sa'kin nang lampasan ko siya sa may patio. Maga-alas siyete na't ang haba pa ng lalakarin ko patungo sa Casa del Aguila para sa night shift ko, pero heto't nagpapapansin na naman siya.

"Ang putla-putla na naman ng hitsura mo. May ibinigay na nga ako sa'yong bagong lipstick."

Napatigil ako sa paglalakad, pinarolyo ang mga mata, bago siya hinarap.

"Binibini, kitamo't halos mukha na nga lang akong nakapambahay. Bakit pa ako kailangang mag-lipstick?" Sure enough, I'm just in a plain rose-colored jacket paired with dark denim pants—H&M, fifty percent off.

As a night-shift Guardia Noble, wearing a uniform isn't exactly mandatory.

"Maaaring may dumating na importanteng bisita sa Casa kahit na dis-oras ng gabi," argumento niya.

Siyempre, that still makes zero sense, pero ayoko nang makipagtalo. Nakakapagod na rin.

I give her a tight-lipped smile as I fish the lipstick out of my shoulder bag, my eyes locked on hers the entire time. Naglagay ako ng lipstick. At dahil nga mas prayoridad ko na asarin siya pabalik, hindi na ako kumuha ng salamin. Ipinahid ko pa rin ito, wala akong pakialam kung lumampas-lampas.

"There you go. Masaya ka na ba, Binibini?" I snap the lipstick lid shut, like I'm sheathing a sword.

Nahuli kong lumunok siya bagaman nanatili ang matapang na mukha. She crosses her arms and tilts her chin up, like she's trying to convince herself that she's taller than me.

"Balang-araw, Aldana, maiintindihan mo rin kung para saan 'tong ginagawa ko. Balang-araw, pasasalamatan mo ako."

I never stop smirking. "Talaga? Alam mo bang ang daming masasamang kemikal sa lipstick? Kapag nagka-kanser ako balang-araw, Binibining Betancourt, pasasalamatan talaga kita."

Kumibot ang mga labi niya na parang nagpigil ng tawa, at gayon din naman ako. But honestly, I don't even know why we're bothering to keep a straight face. Especially her. Madalas, halata naman kasing nagsusungit-sungitan lang siya gayong ang bait-bait niya't maalaga sa ibang Aguila.

Siguro nga kasi, bago lang ako?

Anyway, whatever Eula's deal is, I don't care.

I pout and spin on my heel, heading straight for the Casa.

When I get there, the meninas are the first ones I see. Rose is here again, being a regular on the night shift. Inaayos niya ang uupuan ko sa may main hallway nang lapitan ko siya.

"Magandang gabi, Binibining Ganda!" masigla niyang bati. Ganda? "Mukha po kayong isang marikit na bulaklak dahil sa ganda ng kulay ng inyong lipstick!"

Madre mia. Someday, I'll get used to this kind of flattery—yup. Someday.

"Magandang gabi rin sa'yo, Rose. Siya nga pala, hindi mo na kailangang maglagay ng upuan diyan. Mananatili ako sa loob ng silid-tulugan ng prinsipe ngayong gabi."

After saying that, I catch a series of odd things happening in Rose's expression—eyes widening, a quick tuck of her hair, cheeks flushing red. Clearly, she's thinking something else, so I quickly correct myself.

The Pearl Princess (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon