𝕮𝖆𝖕𝖎𝖙𝖔𝖑𝖔 I ♚ The Reluctant Guard

168 12 83
                                    











A couple of months before
𝓣𝓱𝓮 𝓦𝓮𝓭𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓸𝓯 𝓽𝓱𝓮 𝓒𝓮𝓷𝓽𝓾𝓻𝔂









Georgina

Whenever I think of Prince Juan Miguel, I would always imagine cracking that little crowned skull of his with a brutal roundhouse kick. Gusto kong sorpresahin ang aking sarili kung anuman ang pwede kong mahanap doon sa loob ng kanyang kapita-pitagang bungo.

Given his reputation for being such a smart guy, you'd think there'd be a brain in there. But who knows? Maybe I'll find a bottle of overpriced whiskey, a few artisanal cigarette butts, or some other kind of radioactive waste. Or maybe—a handful of used condoms from his sexcapades?

Either way, I spend a good chunk of my week daydreaming about the next place I'll land a punch or kick when I see him again. His perfectly sculpted face is the obvious first choice. Next in line? Definitely his balls. Para hindi na niya maparami ang kanyang mga kauri.

Padabog kong inilapag ang leather folder sa desk, sinadya kong ibagsak nang malakas para mapansin ako ng puntirya ko. Tulad ng inaasahan, napabalikwas siya, agad na iniikot ang inuupuang swivel chair para harapin ako—ang Jefe ng Maharlikang Guardia, si Calixto De Lara.

"Tiyo Calix," panimula ko, humahalukipkip, "bakit naman sa Casa del Aguila niyo ako itinalaga? Alam niyo na nga ang history sa pagitan namin ni Juan Miguel. Muntik na kaming magpatayan ng tarantadong hinayupak na hijo de puta'ng 'yon."

Ngumisi si Tiyo Calixto sabay tayo para abutin ang isang malaking sisidlan niya ng cigar sa ibabaw ng armoire. Pinanood ko muna siyang magsindi ng isa at bumalik sa umuuga-uga niyang swivel chair bago niya ako tuluyang sinagot.

"Hija, kung ako lamang ang may kapangyarihan, mananatili kang isang De Tierra. Mas bagay sa'yo ang humawak ng walis sa Intramuros dahil sa iyong bastos na pananalita," saway niya sa akin gamit ang makalumang pananagalog. "Kailan mo ba matatanto na ang pagtawag ng ganitong mga pangalan sa ating mahal na prinsipe ay maaaring maghatid sa'yo sa piitan?"

"So, hindi po kayo ang may gawa nito?" I say, shooting a glance at the folder that's now resting on top of many other folders on his small, cramped desk.

Umiling siya. "Ang mahal na reyna mismo ang nagtalaga sa'yo," aniya na itinuon pa sa direksyon ko ang umuusok na baga ng hinihithit niya. "Kaya kahit na gumulong ka pa riyan sa sahig at ngumawa, wala ka nang magagawa pa."

I rub my face, and then massage my tensed scalp next.

"Tiyo, ang nakapaloob po sa ipinila kong liham ay ang kagustuhan kong maging isang Tamarao, para mapagsilbihan ko mismo ang Inang Reyna. Kasi nga, doon may nagbukas na posisyon," paliwanag ko. "May namatay ba sa mga Aguila ni Juan Miguel na kailangang mapalitan?"

"Nanganak si Fanny, iyong isang babaeng Aguila ng prinsipe," paliwanag ni Tiyo habang binubuksan ang glass decanter ng brandy, tiyak na isasabay sa kanyang paninigarilyo. Napatingin tuloy ako sa bintana. Mataas pa ang araw sa himpapawid, pero heto na naman siya't balak iburo ang kanyang atay sa alak.

Maisumbong nga ito kay Gabriel mamaya.

"Habang naka-maternity leave ito, doon ka raw muna sa Casa del Aguila anang Inang Reyna," dagdag ni Tiyo Calixto.

I shake my head, letting out a sigh. A maternity leave means one whole year—yeah, right. I can even barely survive an hour with Juan Miguel. The last time we were stuck together in a room for that long, I lost a chunk of my hair, and he almost ended up with one less eye.

"Tiyo, kailangan kong makausap ang Inang Reyna."

Thin wisps of white smoke curl out of Tiyo Calixto's mouth as he chuckles at me. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Ipapamukha mo sa mismong reyna na namimili ka ng trabaho?"

The Pearl Princess (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon