C-III

5 0 0
                                    

CHAPTER 3
The First Step

I WAKE UP from my reverie when I heard different kinds of loud voices echoing around my ears. I didn't open my eyes for a minute to analyze everything. Even though my eyes are still close, I'm not an idiot to visualize in my mind what's going on. Alam kong nasa isang underground arena ako ngayon base sa mga naririnig kong malalakas na sigawan at dagundong kung saan.

"Open your eyes kitten. Your audience are already waiting for you!" I heard someone whispered on my left ear.

Mas lalong umalingaw-ngaw ang malalakas na sigawan pagkatapos kong marinig ang bulong ng kung sino man sa kaliwang bahagi ng tenga ko. Bahagya akong gumalaw at naramdaman ko agad ang marahang pagsigid ng sakit sa likod ng batok ko. Marahan kong iminulat ang mata ko habang patuloy na nakikiramdam at inaanalisa ang paligid.

Inalala ko ang nangyari kanina bago ko maramdaman ang malakas na hampas sa batok ko na nagpawala ng ulirat ko. Unang pumasok sa isip ko ang ekspresyon nilang tatlo lalo na si Lio ng makapasok ako sa itim na pintuan paalis sa hall, alam kong nakita niya kung paano hinampas ang batok ko kanina bago sumara iyon.

Bahagya akong nasilaw ng tuluyan ko ng maimulat ng maayos ang mga mata ko. Inayos ko ang salamin ko ng may tumama agad na ilaw sa kabuuan ko na nagmumula sa kung saan.

"AT LAST, OUR BRAVE VOLUNTEER HAS FINALLY AWAKE!!!"

Napako ang tingin ko sa harapan ng marinig ko ang sigaw na iyon. Bumungad sa'kin ang isang matangkad at maskuladong lalaki na nakatayo sa mismong harap ko na may layo lang ng ilang dipa sa akin. Nasisiguro kong siya ang sumigaw.

Dumagungdong pa lalo ang mga sigawan ng dahan-dahan akong mag-umpisang tumayo mula sa pagkakasadlak at pagkakasandal sa mga grills na bumabakod sa octagon ring na kinalalagyan ko. Hindi parin naaalis ang nakatutok sa'king ilaw na nagmumula sa kung saan. Nang makatayo ako ng tuluyan tsaka ko lang tuluyang napagmasdang mabuti kung nasaan nga talaga ako.

Tama nga ang hinala ko, nasa isang underground arena ako at nakatayo ako rito ngayon sa mismong octagon kung saan ginaganap ang madugong laban nang dalawang taong magkatunggali. Napamura ako sa naisip. Hindi pa man may ideya na agad ako kung bakit ako nandito ngayon.

"BOO!!! LET THAT F*CKING FIGHT BEGIN!!!" narinig kong malakas na sigaw ng kung sino man sa labas ng octagon ring na kinatatayuan ko.

Sinasabi ko na nga ba.

Wala pa mang ilang segundo ng biglang mamatay lahat ng ilaw. Rinig na rinig ko pa rin ang sigawan ng lahat habang ako ay nanatili pa ring nakatayo habang patuloy na nakikiramdam sa paligid sa kabila ng dilim na bumabalot dito. Hindi rin nagtagal ng nagsimulang bumukas uli ang mga ilaw at sa pagkakataong ito mas lalo kong napagmasdang maigi ang lahat.

Nawala na ang nakakasilaw na liwanag na nakatapat kanina sa kabuuan ko at tanging mga ilaw sa itaas ng arena nalang ang nagsisilbing liwanag. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong nasa bandang baba ng octagon na sumisigaw habang nakatingin sa direksyon ko.

"I heard that you're famous and mysterious tomboy in this university. Is it true, little kitten?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Tomboy's DownfallWhere stories live. Discover now