C-I

98 2 0
                                    

CHAPTER 1:
SPADE UNIVERSITY

"Ako'y sayo, ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na...

Napahinto ako ng marinig ko ang napakalamig na boses na iyon. Rinig na rinig ko ang pagbalot ng payapang katahimikan ng magsimula na siyang kumanta sa harap.

"The crowd is fully loaded." rinig kong sambit ni Lio.

Nilibot ko ang paningin ko at kita kong punong-puno ng mga estudyante ang gym, bagay na hindi ko na ipinagtaka dahil tradisyon na ito ng Spade University simula pa noon. Napalingon ako kay Walter ng kalabitin niya ako. Nakita kong nag-aabang na ang Dean sa amin para samahan kami sa backstage.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng guitara sa likod ko at nagsimulang maglakad muli. Kasabay ko si Walter sa tabi ko habang nauunang maglakad sila Lio at Kian. Habang naglalakad kami papunta sa backstage mas lalong nagiging klaro sa pandinig ko ang napakalamig niyang boses.

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan,
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Ayokong mabuhay ng malungkot,
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina't tayo'y humiga...

"Ngayon ko lang siya nakitang kumanta." sambit ni Walter.

"It's my first time too, seeing him performing as the vocalist tonight." Lio added.

Nandito na kami sa backstage. Hindi ko mapigilang sulyapan siya. Nakapikit siya habang kumakanta kasabay ng paggalaw ng mga daliri niya sa string ng gitarang nakasukbit sa kanya.

He's wearing a black leather jacket tucked with black V-neck shirt inside and black maong pants with a pair of black leather boots. He looks so manly in any angle. Ang mga mata niya ay nakapikit habang nangingibabaw ang malamig niyang boses.

Hindi ko mapigilang pagmasdan siyang mabuti habang kumakanta. Mula sa kanyang makapal na kilay na natatabingan ng kanyang buhok hanggang sa malumanay niyang mga mata na nakapikit. Sa mahaba at katamtaman niyang pilikmata, sa matangos niyang ilong at manipis na mapulang mga labi idagdag pa ang perpektong hubog ng kanyang mga panga na lalong nagpadepina sa kakisigang taglay niya.

"The girls really love them so much huh? Or should I say him?"

Napatingin ako kay Lio ng bigla siyang magsalita sa tabi ko. Bumaling rin ako sa harapan at nakita ko nga ang dagat ng mga babaeng estudyanteng humahanga sa kanila. Mapababae man o lalaki ay humahanga sa banda nila.

Tahimik kong pinagmasdan ang buong paligid. Dinig na dinig ko ang pagsabay kumanta ng mga tao sa kanya. Ang mga tili ng mga babae at iba pa ay hindi nakaligtas sa aking tenga.

"GO LUMINOUS SPADE!!!"

"ANG GWAPO MO KANE!!!"

"ANG HOT MO REID!!!!!"

Mga ilan sa tilian na naririnig ko sa dagat ng mga estudyanteng nanonood. Hanggang sa matapos siyang kumanta ay hindi parin magkamayaw ang mga tilian at sigawan ng lahat.

"Thank you, everyone." maikli at malamig niyang saad sa baritonong boses. Kasunod nuon ang hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao sa paligid.

"WE LOVE YOU, LUMINOUS SPADE!!! LUMINOUS SPADE. LUMINOUS SPADE. LUMINOUS SPADE." chant ng mga tao.

The Tomboy's DownfallWhere stories live. Discover now