I look at Ford when he threw his jacket at pinagsusuntok si Miguel na nakahiga na sa lapag.
"Ford stop! Tama na!" Lumapit ako kay Ford at hinawakan siya sa braso. Hingal na hingal siya habang nakatitig ng masama kay Miguel na bugbog sarado ang mukha.
"Hey, are you okay? May masakit ba?" I look at Ford and shake my head.
I can't believe what just happened. Tinignan ko si Miguel at nakitang nagdudugo ang buong mukha niya.
Without thinking twice lumuhod ako para alalayan siyang tumayo. Nilagay ko ang balikat niya sa braso ko at nagsimulang maglakad.
"Shannan-"
"Ford please! Hindi kana dapat nangialam. Thank you but please I can handle this myself." I look at him one last time.
It's not like i'm not thankful for what he did. I appreciate it but my mind was completely out of blue. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kila tita ang nangyari.
Few days have passed at medyo nagtatampo padin sa'kin si mommy. I told them na misunderstanding lang ang nangyari at napagkamalan lang na ibang tao si Miguel.
Si tita Sandra ay umiyak nung unang nakita si Miguel pero noong in-explain ko sa kaniya ang nangyari ay kumalma naman siya. Daig pa niya si mommy na hanggang ngayon tinatanong padin ako kung ano talaga ang tunay na nangyari. Alam niya kasi pag nagsisinungaling ako sa hindi.
They wanted to press charges pero hindi naman nila alam kung sino ang gumawa no'n kay Miguel at ayoko rin sabihin dahil malamang 'yan kapag sinabi ko ay kailangan kona din i-explain ang tungkol sa'min ni Miguel.
Miguel still tried to reach me. He won't stop apologizing to me through messages pero i just left him on seen dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. What he did was completely out of blue.
Kinuha ko ang phone ko nang tumunog ito.
@samwer_
hey, heard what happened pls tell me you're okayyy
I sigh. Paano naman nalaman ni Sam?
I'm trying to keep it to myself as much as possible kasi alam kong pag may sinabihan ako ay imposibleng hindi 'to kumalat.
@samwer_
just so you're wondering pa'no ko nalaman. Tita kept on telling me about it kahit wala naman ako nung nangyari. Dw I didn't tell a damn so i-seen mo ako shannan bella.
I chuckled at nag-type ng reply. Sinabi kong okay lang ako. I didn't tell her the whole incident kasi baka sumugod 'yon kay Miguel at Ford.
"Bella, i'm literally gonna die out of curiosity! tell me na kasi" I rolled my eyes sa ka-oahan niya. Kanina pa niya ako kinukulit sa nangyari. Hindi ko lang ma-kwento dahil kasama namin ang ka-groupmate ko sa table. Sakto ay tumayo siya at pumunta sa cr.
"Sige na, sasabihin kona!" Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.
Galit na galit siya kay Miguel nang malaman niya ang ginawa sa'kin at sinabi pang tama lang daw na nabugbog siya ni Ford.
"Ikaw talaga! hindi tama 'yon. No one deserves violence." Ani ko at humigop sa drinks ko.
"I know, and no one deserves to be kissed like that without their consent Bella. He deserves that." Sam seriously said.
Alam ko naman na walang tama sa mga nangyari no'n pero I didn't expect it to happen.
Pagtapos namin kumain ay pumunta ako sa dean's office dahil pinapatawag daw ako. Hindi naman ako kinabahan dahil pasado naman ako sa finals at wala naman akong binagsak na kahit ano. Kumatok muna ako bago pumasok at bumati.