Chapter 1 Run
trigger warning : mild violence
TATLONG oras, tatlong oras na simula nung pumasok siya sa loob nung malaking casino hotel. Hanggang ngayon nandito pa rin kami sa underground parking lot at naghihintay na bumalik siya. Nakalimutan niya na yatang kinidnap niya ko? Tatlong oras na rin akong nag mamakaawa sa mga lalaking kanina pa mahigpit ang hawak sa'kin na pakawalan na ako. Pero masyado silang loyal sa amo nilang tatlong oras na kaming pinapabayaan dito.
At this point napagod na rin akong umiyak at magmakaawa sa kanila kasi kahit anong gawin ko they won't listen to me. I mean I get it, why would they? I'm not their boss anyway. But still, sa tatlong oras kong pag iyak sa harapan nila kahit kaunti ay wala akong nakitang awa sa mga mata nila.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan, making this two guys holding me frown and turn their heads towards me. Nakasandal na kasi ang ulo ko sa sandalan ng seat namin rito sa likod samantalang ang mga braso ko ay hawak hawak pa rin nila. Muka akong nagta-tantrums na bata. I look at them again, baka naman gumana na ito ngayon?
"Sige na kasi mga kuya, alam kong nakakaintindi kayo ng tagalog nadinig ko kayo kanina", Bumuntong hininga pa akong muli bago magpatuloy. "Promise hindi ko talaga kayo isusumbong sa mga police".
One of them snort, the guy who's holding my left arm.
"As if those guys can catch us", Pagyayabang nito. Naningkit ang mga mata ko at tinitignan siya kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin nang mapansin na nakatitig ako sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ibalik ang tingin ko sa driver ng sasakyan. He's looking at us thru the mirror kaya nakipag titigan ako pero agad din naman siyang nagbawi ng tingin.
"Wala na ba talagang may mabuting puso sa inyo!?", Pagmamaktol ko. Pagod na kasi akong pakiusapan sila, pagod na rin akong magmakaawa. Hindi ko rin gusto na maya't mayang bumabalik sa utak ko kung bakit ako napunta sa sitwasyon na 'to.
Halos malukot na nang husto ang muka ko dahil wala man lang sa kanila ang tinapunan ako ng tingin. Mga bato talaga itong mga taong kasama ko. Kahit magreklamo sa tagal ng paghihintay namin rito hindi nila magawa. Tao pa ba sila? Sa buong buhay 'ko ngayon lang ako naka-encounter ng mga taong may mahabang pasensya. And I'm also curious, are they behaving this good kasi malaki ang bigayan dito? gaano kaya kalaki ang sinusweldo nila? is it per day or monthly din ang pay?
"May I ask something?", Pagbabakasakali ko. Magtatanong na saka ako ulit ng putulin nila ang sinasabi ko. "Gusto ko lang malaman—"
"No".
Gusto ko na lang ulit magwala, kaso hindi ako makasipa ng maayos at may malaking sugat ako sa tuhod buhat ng pagkakadapa ko kanina. Paniguradong tirik na ang araw sa labas dahil malapit nang mag 9:00 am, kita ko kasi ang oras doon sa harapan ng kotse.Wala pa rin akong maayos na tulog, kumakalam na rin ang sikmura ko. Pero wala rin naman akong magagawa dahil baka huling reklamo ko na ito sa mundo kapag nagtangka na naman akong tumakas.
Bigla namang may kumatok sa bintana ng kotse na sinasakyan namin at kitang kita ko kung paano magpanic ang mga tao sa loob ng kotse. Agad nilang binuksan ang bintana at pati na rin ang pinto. Leaning down, reveals the face of the man wearing a black button down shirt with two upper buttons opened. There's a wide grin on his lips and playfully looking at us. He got those hazel brown eyes na aakalain mong nakasuot siya ng contact lens pero kung tititigang mabuti it's all natural.
"The boss said babain ko na kayo rito. He's busy with his hoes, he advised na paunahin na kayo sa hotel", His voice is somewhat near a husky deep with playfulness on his tone that complements his whole playboy aura.
BINABASA MO ANG
Running From The Waves
RomanceIf person was a wild party, it would be Carscel. She loves loud places and dangerous adventures, she rarely gets intimidated but because of an unfortunate event that is triggered by her cheating boyfriend- she was forced to become a demure wife of a...