Assumption is no good after all

4K 36 14
                                    

 a/n: continuation (sabaw na sabaw ba?init kasi ee)

Wyn: (interrupts Sarah) Anong plano naman un?

Yassi: Oo nga nakakainis ka naman magkwento Lahbati e, pabitin..

Sarah: teka nga, hindi pa kasi tapos.. eeksena pa ako ee.. Eh di narinig ko nga un so ako naman…

Sarah: Anong sasabihin mo kay Ja Enzo?

Enzo: (nagulat) ah eh sarah bunch kanina ka pa ba dyan?

Sarah: Huwag mo kong ma-sarah bunch sarah bunch dyan, sagutin mo tanong ko.. At Ikaw Magalona bakit hindi ikaw ang magsabi at kailangan si Enzo pa… Ano ba yan ha??

Elmo: ah eh kasi…(stutter)

Sarah: Ah eh eh kasi hanggang ngayon pasmado ka pa din magsalita Magalona?

Enzo (nagpipigil ng tawa)

Sarah: Ikaw Enzo wag kang tumawa dyan,, Ano ba yan pinaguusapan nyo tungkol sa kaibigan ko ha??

Enzo: Sarah bunch kasi wala lang naman yun, napagusapan lang namin  yung tungkol kay Elli..

Elmo: Nope, actually Sarah we talked about my supposed to be proposal… That was 4 years ago,

 

(Elmo narrates everything to Sarah, at ung mga hindi narinig ni Julie nun nagwalk out siya)

 

Elmo: Bro, okay pa naman kami ni Julie sa level ng relationship namin.. Minsan sumagi na sa isip ko na ayoko pa ng kasal na yan, ayoko matali, at saka yung magkaanak.. I am still enjoying my life... pero si Julie Anne dahil sa dami na rin ng napagdaanan namin, andami beses na akala ko mawawala siya sakin, nabago niya ako at pananaw ko,  kaya nga andito ko para humingi ng tulong niyo kung pano ako magpropose...

Marc/Luke/Carlo/Sam: wwoooh! Magalona ang keso!

Elmo: (binato ng unan ang mga kaibigan) Siraulo! Isipin niyo naman, ilan taon na kami magkakilala ni Japs kahit na sabihin natin in a short span of time lang kami bf-gf relationship pero ang dami dami ng nangyari at ayoko naman magising isang araw na wala ako chance maging Mrs. Magalona siya dba at saka excited na din ako maging daddy noh?Sayang naman ang pagmamahal at mga paghihirap namin noon...

Marc: woooh!excited maging daddy???

Luke: Teka teka…

Elmo: oo bro! may nangyari samin sa cebu and I …

Marc: Pare! Siraulo ka na talaga.. Hindi ka safe?at hindi siya safe??

Sam: Malamang may mabubuo nga.. hahahah!

Carlo: Yun e kung walang may deprensya sa inyo!

All except Elmo: (tawanan)

Elmo: mga sira

(end of Elmo’s narration)

Sara: OMG! Ohmygod Magalona bakit hindi mo sinabi agad? Bakit ngayon lang! (pinagpapalo si Elmo sa braso)

Elmo: Arrraaay! Array!

Enzo: Sabi sayo pare wag mong biglain ayan bugbog sarado ka tuloy..

Sara: Sorry naman, (tumigl na sa paghampas hampas kay Elmo) grabe naman kasi Magalona.. Bakit naman kasi magpupulong kayo dun pa tapos ipaparinig mo pa sa kaibigan ko na assumera pa minsan minsan.. heheh

Elmo: Hindi ko din naman kasi alam na andun na siya saka malay ko bang maririnig nya ung usapan namin..

Sara: So whats ur plan now ha? Wala ka ba talagang balak sabihin kay Juls..

Elmo: Wag na, Hindi na maibabalik ang mga nangyari noon. I need to prove myself to Julie. Kahit sobrang sakit ng mga binitiwan nyang salita sakin tatanggapin ko yun para lang maging maayos kami…

Kaya please wag mo na lang sabihin sa kanya..

Sara: Ooops! That I cannot promise ha.. You know naman hindi ako marunong magtago sa mga girlfriends ko dib a?

Enzo: Tsk tsk patay ka ngayon dyan pare..

Elmo: Bahala ka nga Lahbati, dati na sakin loyalty mo ah..

Sarah: Hay nako Magalona akala mo lang yun..

***Back to Reality

Maqui: Ohmy! Nabanggit na ni Elmo nun nasa ospital yun na may plan na siya pero I didn’t know na proposal pala yun..

Wyn: Nakoooo eh di kung natuloy pala yun, mas nauna pa sayo Maq sila Julie at Elmo..

Japs: (Bigla itong tumayo sa kinauupuan at dumeretso sa may washroom ng restaurant, hindi naman napansin agad ng mga kaibigan nya ito)

Yassi: Oops mukhang nakikinig siya (turo kay Julie na umalis)

Sara: Ano ba naman kayo, parang hindi nyo kilala yan.. Kunwari lang na hindi interesado..

Maqui: Taamaa.. Pagdating kay Magalona kahit gano kahina boses natin basta si Elmo paguusapan rinig na rinig niya, crystal clear…

Wyn: Hay nakoo.. kayo talaga sundan mo na muna kaya Maq si Ja..

Sarah: Sama na ako…

Sinundan ni Maqui at Sarah si Julie sa washroom…

***Julie’s side

Julie: (nakatitig sa mirror na nasa washroom) That’s what you get Julie Anne! Because of your assumptions! Because of your unending suspicions! Bakit ka ba kasi hindi nagtiwala kay Elmo! Bakit kasi hindi ko siya pinakinggan! Bakit kasi hindi ko siya hinayaan mag-explain! Bakit! (While shouting this, unti unting tumutulo ang luha ng dalaga, hanggang sa humagulgol na ito) Sinira ko lahat! Sinira ko ang pamilyang dapat matagal ng buo!

Habang umiiyak ang dalaga bigla pumasok ang dalawang kaibigan na si Maqui at Sara na kanina pa naririnig ang mga sentimiento ng dalaga, sabay hagod sa likod ng dalaga para patahanin…

Maqui: Juls, tama na hindi makakabuti sayo yan…

Sara: Oo nga, wag mong sisihin sarili mo.. Lahat ng nangyari may dahilan.. Siguro tadhana na rin nagplano na ganon.. Kasi gusto nitong maging matatag kayong dalawa ni Elmo…

Maqui: Oo nga, sinusubukan lang kayo kung talagang matatag kayo and it seems like na surpass nyo naman yun dahil kita mo pareho na kayong stable sa mga career nyo and youre both mature na sa mga bagay at desisyon especially pagdating sa anak nyo..

Julie: Dahil sakin, dahil sa pag-alis ko dahil sa hindi ko pakikinig at pagbibigay ng chance hindi nakasama ni Elli si Elmo, hindi nakasama ni Elmo si Elli at hindi ko nakasama si Elmo ng ilang taon… Masisisi nyo ba ako na ganito maging reaksyon ko, ilang beses nyang sinubukan na kausapin ako pero hindi ko siya hinayaan. Sinarado ko utak at puso ko dahil sa pag-aakalang hindi nya kayang panagutan ang anak ko at dahil sa paniniwala ko sa narinig ko… Hindi ko siya pinaniwalaan! Hindi ako nagtiwala kay Elmo na hindi ako iniwan kahit kailan.. pero ano, ako iniwan ko siya! (biglang napayakap si Julie kay Maqui, at wala pa din tigil ng pag-iyak ang dalaga)

Maq: Tamaa na… maitatama nyo pa naman lahat ee..  

Napatahan ng magkakaibigan si Julie at inihatid na lang ito ni Maqui sa kanila… 

Conflict of the Heart. (julielmo fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon