Family bonding after how many years and tears.

5.8K 74 80
                                    

Natapos ang breakfast ng The Mags at San Jose, pagkatapos noon ay sinamahan ni Japs at ni Elli si Elmo sa training nito… 

Sa training..

Luke: Oi happy family ah.. (nakitang naglalakad papasok si Japs, at Elmo na karga si Elli)

Japs: tse! Aga aga lucas ha..

Carlo: Buti naman sumama ka na kay Elmo sa training niya..

Japs: Ano ba Carlo, malamang ngayon lang talaga kami makakasama kasi nasa US kami nun mga panahon na busy busyhan kayo sa training..

Elmo: Oi kayo talaga ung mag-ina ko agad kinukulit niyo..

Marc: Ikaw na proud sa mag-ina mo… hahah!

Macqui: Hay naku kung hindi lang dahil kay Japs hindi talaga ako manonood dito ee..

Japs: So hindi ka nanonood ng training nila Marc?

Boys; Hindi!

Japs: (tumawa) ang supportive mo naman fiance bessy..

Elli: Ninang  gorgeous! (humalik at umupo sa lap ni Macqui)

Luke: (kinurot sa psingi si Elli) ang cute cute cute mo talaga…

Elmo: Oi bro, masaktan naman anak ko..

Luke: Sorry naman ang cute lang kasi talaga ng anak mo..

Elmo: Babe, una na kami sa locker.. okay lang talaga kayo dito?

Japs: oo naman, andito naman si Macqui ee.. love you babe..

Elmo: Love you more (humalik sa lips)

All except julielmo: WOOO!!

Luke: Ano un?

Carlo: Back together???

Marc: Sweet!

Elmo: Mga sira! Tara na..(umalis na ang mga boys)

Macqui: Antaray! Madami kang dapat ikwento… (nakakandong pa din si Elli sa lap ni Macqui)

Japs: Uumpisahan ko na ba?

Macqui: Aba dapat lang!

JAps: Ah eh kasi…narealize ko na papahirapan ko pa ba sarili namin, masaya naman kami so bat hindi pa namin gawin official.. kaya ayun finally kami na ulit, and para na rin kay Elli…Saka nakita ko naman na gumagawa ng effort si Elmo ee.. Mahal ko pa din naman yung lampa na yun so go na diba...pakipot pa ba ako, e may little princess na nga kami..

Macqui: Masaya ka naman ba sa desisyon mo?

Japs: oo naman! Sobra… Hindi mapaliwanag ang kaligayahan ko saka nakatulong din siguro un may inaway ako na babae sa bar.. 

Macqui: Teka teka, anong bar? At kailan ka ng bar na hindi ako kasama?

Japs: Baliw.. Yun yung nagbar ang mga boys e si Elli kasi nagyaya na sunduin Papsie nya ayun..

Macqui: Si Elli lang ba talaga?

Japs: Well, honestly kasi..nun nakausap ko si Elmo sa phone nun nasa bar sila may narinig na ako mga boses ng babae, so alam mo yun naparanoid na ako na baka alam mo na…

Macqui: ahahah.. umiral pagiging selosa mo ganon?

Japs: Hindi naman, syempre ayoko lang mawala siya samin ni Elli.

Macqui: Sainyo ni Elli o ayaw mong mawala sayo.. Idadamay mo pa anak mo sa kalandian mo… hahah!

Japs: Sira ka talaga…

Conflict of the Heart. (julielmo fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon