One Sorry is Enough.

4K 34 1
                                    

Kinabukasan

Biglang bumaba ng hagdan si Julie, habang ang mga kapatid naman nito ay nasa hapag kainan na kumakain ng umagahan…

Julie: Ya! Pakibantayan naman po si Elli may aayusin lang po ako…Masarap pa po ang tulog dun sa kwarto ee..

Frank: Oi bebe girl hindi ka man lang ba muna babati ng good morning..

Lumapit at bumeso si Julie sa mga kapatid na si Frank, Red at JR

Julie: goodmorning mga brother kong pogi… okay na ba?

Red: Hay nakoo napilitan ka lang.. umupo ka na nga at kumain ka na..

Julie: Naku naku hindi na .. I am gonna have my breakfast outside ee..

Frank: Julie Anne may ka-date ka?

Julie: Kuya naman kakain lang ng breakfast sa labas may ka-date na? Hay naku, bye na ha… (tumakbo na palabas ang dalaga at inistart ang makina ng kotse, saka tuluyang umalis)

Sa isang coffee shop naman sa may Makati

Guy: Good morning..

Julie: Good morning din… Bakit bigla kang nagyaya magbreakfast?

Guy: I just want us to talk..

Julie: If this is about …. (pinutol ng lalaki ang dalaga sa pagsasalita)

Guy: I am going to forget everything youve said sa hospital kahit na masakit yon... I think I already explained my side..., please Julie pagbigyan mo naman ako na gampanan ang pagiging Ama ko..

**oo tama inimbitahan ni Elmo for breakfast si Julie para mapagusapan kung pano ang magiging setup nila sa anak, hindi alam ng binata na alam na ni Julie lahat ng tungkol sa proposal at sa plano nitong iprove ang kanyang sarili..

Julie: Hindi naman kita pagbabawalan na dalawin at hiramin si Elli, anak mo siya hindi ko naman na pwedeng itanggi yon at hindi ko na pwedeng itago…

Elmo: (hindi mawala ang tingin ng binata sa dalaga) Kahit na itinago mo sakin ang anak ko hindi ko magawang magalit sayo dahil napalaki mo naman siya ng maayos, oo masama loob ko dahil sa mahabang panahon ipinagkait mo siya sakin, pero sabi ko nga sayo babawi ako…

Julie: Oo na nga diba? Kung babawi ka sana umo-order na tayo para naman magkalaman na yung tiyan natin diba?(Sabay ngiti nito sa binata)

Elmo: (napakamot ulo)Ay oo nga noh, nawala sa isip ko…

Habang um-order si Elmo, hindi naman alam ni Julie kung pano niya sasabihin sa binata na alam na niya lahat, at hindi niya alam kung paano siya hihingi ng sorry…

Elmo: Okay mam, heres your order (biglang lapit ni Elmo dala ang mga inorder na pagkain-)

Julie: oi andami naman nyan for breakfast!

Elmo: Ano ka ba?Kulang pa nga yan na pambawi ko e..saka sino bang may sabi sayo na for breakfast lang yan? Kasama na dyan lunch, meryenda, dinner at midnight snack. (ngiti nito sa dalaga)

Julie: Moe.

Elmo: Ano ulit tinawag mo sakin?

Julie: Sabi ko Moe…

Elmo: (ngiting wagas) Ang tagal na nun last narinig ko sayo yan ah…Ang sarap lang pakinggan ibig sabihin ba nito hindi na masama loob mo sakin…

Julie: Moe, alam ko mali ako… alam ko na lahat.. I am sorry. (hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata na nakapatong sa may lamesa) Im sorry if hindi kita binigyan ng chance magexplain, I’m sorry kung naging duwag ako, Im sorry kung nag-doubt ako sayo, Im sorry kung hindi ako nagtiwala sayo, Im sorry kung iniwan kita, Im sorry kung mahabang panahon na nawalay ka samin ng anak mo… Moe, I’m (bigla naman inilapit ng binata ang isang daliri niya sa may labi ng dalaga, upang patigilan magsalita ito)

Elmo: One sorry is enough Julie… that’s all I need to hear, just one.

Julie: Moe… (tumulo na ang luhang matagal ng pinipigilan ng dalaga) You’ve never change you’re still the understanding Elmo…

Elmo: Because you’ve never change either, you’re still the same old Julie… Who seems strong enough but inside you’re weak… the same old you who pretends everything is ok but the truth is its not ok… .(hinahaplos ang mukha ng dalaga, pinunasan dahan dahan ang tumutulong luha sa pisngi ng dalaga)

Julie: (tumutulo pa rin ang luha) Simula bata pa lang tayo, I always keep on teasing you na lampa ka pero kahit ganon youre still there na willing sumaklolo sakin. Ilan beses ng sinasabi ko na macho ako but in the end mas macho ka pala sakin, kasi you’ve been strong Moe…

Elmo: Yeah lampa (natatawa)pero you know lampa talaga ako pagdating sayo..I am strong whenever youre near me, youre my source of strength , pero when youre not around ang lampa ko, im weak. . . Kaya tumahan ka na dyan ok? And just finish your food, madami dami pa yan oh (sabay turo sa mga pagkain sa lamesa nila)

Julie: (bigla naman itong napangiti sa turan ng binata) Salamat Moe ha…

Conflict of the Heart. (julielmo fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon