2.

107 7 0
                                    

Serene

Hello it's me everyone, everytwo, everythree, your kikay girl Leigh Serene Aria Sevilleja, 22 years old from Nueva Vizcaya!

Nakangiti kong binuksan ang bintana at pinanood ang pag-angat ng araw.

First day of school.

Bagong school na naman papasukan ko ngayon. Ano pa bang bago? New school, new environment. Buti na lang may nakilala na ako nung enrollment.
Hindi na siguro ako mahihirapan ngayon.

"Serene? Your breakfast is ready na, bumaba ka na diyan" mom said habang kumakatok. Sumigaw na lang ako ng okay at dumiretso sa bathroom para maligo.




Welcome BNUMIANS.

'Yan ang una mong mababasa sa labas ng gate ng BNU. New school na naman.

I'm pursuing BS Architecture and now is my last year finally.

"Sorry miss" sabi ng nakasagi sa'kin habang tinutulungan akong pulutin ang mga requirments kong nagkalat sa sahig.

"Bulag ka ba, kita mong may tao" naiiritang sagot ko. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan.

"That's why i'm saying sorry diba" naiirita ring sagot niya. Siya pa talaga ang naiirita ha, galing naman.

"Whatever you say miss" sagot ko't kinuha sa kaniya ang mga requirements ko. Titingnan ko na sana ang mukha nito pero bigla itong tumakbo. Ang weird niya naman, ngayon lang siguro siya nakakita ng maganda.




Kanina pa ako naglilibot sa school pero hindi ko pa rin mahanap ang architecture building. 8 am ang start ng schedule ko, and guess what, 8:15 na. Kainis.

"Miss, nawawala ka ba?" saad ng kung sino sa likuran ko.

"Oo e, alam mo ba kung saan ang architecture building?"

"Sakto dun din punta ko" saad nito't nauna na maglakad.

Nagpakalayo-layo pa ako e kabilang building lang naman pala. Bakit kasi ang daming buildings dito?

"Anong ginagawa mo sa building na 'yun?" hindi mapigilang saad ko.

"Sira daw kasi yung mga cr dito sa architecture building"

Kuwento lang siya ng kuwento kaya't hindi ko namalayang nandito na pala kami.

"Nandito na pala yung mga transferees" saad ng professor naming kinulang sa buhok.

"Go, introduce yourselves" saad nito ng makapasok kami. Sa palipat-lipat namin ng tirahan, nasanay na ako na mga ganitong scenes. Nagpakilalang una yung kasama ko. Monroe Carter Vergara. Hindi naman siya nagtagal magpakilala kaya't sumunod na ako.

"Good morning everyone, I'm Leigh Sere—" naputol ang pagkakakilala ko dahil sa lakas ng bukas ng pinto.

She ruined my moment.

"I'm sorry i'm late ma'am" saad nito habang humihingal. Nag-bow rin siya ng paulit-ulit.

"It's okay miss Robles, take your seat now. I will let it slide for now" oh Robles. Tinaliman ko siya ng tingin dahil sinira niya ang momentum ng buhay ko as a first timer student sa BNU. Tumabi siya dun sa kasama ko papunta rito. Mukha pa nga siyang nagulat nang tawagin siya ni Cart.

"You can continue now miss"

"Leigh Serene Aria Sevilleja" nawalan na ako ng gana magpakilala. Nakakairita.

Napatingin naman sa'kin si Robles. Hinding hindi ko talaga kakalimutan ang pangalan niya. Siya ang pinakaunang nag-ruin ng day ko. Humanda ka Robles. I saw emotion flicker in her eyes.

Opposite attracts - Series 1 (Jhocey)Where stories live. Discover now