7.

95 5 2
                                    

"Teh, ba't mukha kang sabog?" bungad ni sol sa'kin. Bakit kasi padalos-dalos ako ng desisyon? Panindigan ko na lang siguro. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinalikan ko siya kagabi. It feels surreal.


"'te mio, anong nangyari kay ate sere?" tanong ni sol kay mio. I need to talk to jalen. Lunch break na, for sure nasa hoopio siya.


"Mauuna na ako, need mag-review para sa modern arch e" palusot ko. Kita kong nag-aalinlangan sila pero tumango na lang.

Pagkarating kong hoopio, hindi nga ako nagkakamali. Naroon siya, tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Tahimik kong pinitas ang isang bulaklak na nakatanim sa gilid at nagtungo sa kaniya.


"Jalen" tawag ko sa kaniya, nilingon niya ako at sinenyasan na maupo. Inabot ko sa kaniya ang pinitas kong bulaklak na tinanggap niya naman at nilagay sa gilid niya.


"I'm sorry —" panimula ko.


"Don't be" malamig na tugon niya.


"Patapusin mo naman ako robles, hilig hilig mamutol ng sasabihin e" kairita.


"I'm sorry if I made things complicated. Nabigla ba kita?"


"No, not at all but are you really serious about what you said kagabi?" tanong niya't ibinaling ang tingin sa akin. 'Wag, nanghihina ako sa mga tingin mo.


"I really am, I know we just met a month ago but there's something about you. Parang nakita na kita dati pero hindi ko lang maalala kung saan. When I saw you nung first day of school, I know there's something na hindi ko alam kung ano and then I found myself thinking about you all the time" seryosong sabi ko. Nakikinig lang siya at hindi inalis ang tingin sa akin kaya ako na ang nag-adjust. Tumingin ako sa paligid at napangiti, totoo nga ang sabi nila, it feels good if you're letting out your feelings.


"Nung araw na tinanong kita kung naniniwala ka sa love at first sight, naghahanap na ako ng kasagutan nun. Napaisip ako kung ano nga bang nararamdaman ko sa'yo. Then you said na baka admiration lang or attachment so ang akala ko, wala lang talaga lahat" natawa ako ng mahina sa naisip. Masiyado talaga mapaglaro ang tadhana.



"Nung sinundan mo ako rito, gulong-gulo na talaga ako nun, hindi ko na alam gagawin o iisipin ko" ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kaniya. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin, nakakapanghina.



"Naisip kong iwasan ka kasi parang hindi ko kayang mahulog sa'yo. I'm too coward to fall for you jal but after a talk with my father—" nagbago ang expression niya. Nagsalubong ang kilay niya dahilan upang mapatigil ako sa pagsasalita.




"Your father?" tanong niya.



"Yes" agad namang sagot ko. Tumango siya, senyales na magpatuloy ako sa pagk-kuwento.



"When I talked to him, I realized that being a coward only show how weak I am. I don't want to be my father jalen, that's why I decided to court you, let me show how much I admire you jalen, let me" iniwas niya ang tingin niya sa'kin at huminga ng malalim.




"I don't want to hurt you sere" ang tigas tigas mo jalen, ang hirap mong paamuhin.



"Just let me, it's my choice"



"I can't promise to reciprocate your feelings towards me sere, kaya pipigilan na kita ngayon"



"3 months" i can't think of any solution.



"What?" predicted ko na 'to.



"3 months, let's act like a real couple then i'll move on" in the next 3 months, lilipat na naman kami, papatapusin muna ang 2nd semester and then ready to go.



"You're really out of your mind sevilleja, kung ano-anong pumapasok sa utak mo", i know.



"It's a yes or yes jalen"



"No"



"Yes"



"No, that's final" madiing sagot niya. Akala niya naman siguro magpapatalo ako.




"Yes, when I said it's yes, it's a yes" binalingan niya ako ng tingin at marahas na tinitigan. Dedma na lang.




"What do you want ba sere?"




"Sinabi ko na ang gusto ko jal"





"Fine, whatever sevilleja, I don't want to argue with you" yes, napapayag ko siya.






"Starting tomorrow jalen" kinuha ko ang isang pirasong papel at sinulat ang address ko.




"Incase you want to hatid me sa school tomorrow" ngiting sabi ko sa kaniya. Tinarayan niya lang ako. I kissed her cheek before leaving.



Let's do this.






A/N: Ayoko na, bare with me na lang.

Opposite attracts - Series 1 (Jhocey)Where stories live. Discover now