5.

89 5 1
                                    

I don't want to avoid you but I have to, i'm sorry.

Maaga akong nagising dahil paniguradong makakasabay ko na naman siya pumasok kung medyo magpapa-late ako. It's for my own sake though. Kinausap din ako ni mama pakauwi ko dahil magang maga ang mata ko.

"Sere? Kaya mo bang umuwi nang maaga mamaya?" tanong ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Bakit po ma?" pinapauwi lang naman ako nang maaga kapag may okasyon na dapat ihanda.

"May ipapakilala lang ako sa'yo nak, sorpresa na lang, basta umuwi ka nang maaga" mukhang masaya si mama kaya't um-oo na lang ako kahit ayaw ko. First time kong makita si mamang gano'n kasaya, sino ba naman ako para bawiin 'yon.

"Ma, alis na ako ma"







I'm here na. For sure magiging mahirap ang pag-iwas ko but I need to. I'm not gonna fall for her. I don't want. Robles, what did you do to me?

I will never fall for you robles, i swear.

"Serene" i know that voice, hindi ako lilingon. Walang lilingon.

"Serene" based on her voice, sinusundan niya ako. Act fool, act fool, kunwari walang narinig.

"Sevilleja" paktay.

"What?"

"I'm calling you earlier, hindi ka sumasagot"

"Let's get this thing done, what do you want jalen?" I saw an unfamiliar emotion flashing in her eyes. Sad? Disappointed? Curious? Idk, I don't care.

"Go to the library and bring this to Ms. Libeo" sabi niya't ipinasa sa akin ang apat na libro. Pisti ka talaga robles. Wala na akong nagawa kundi sumunod.







Nandito na ako sa library and pinapahintay sa akin si Ms. Libeo, hindi raw kasi puwedeng pumunta sa office niya kasi privacy raw, piskit na privacy. May class pa ako, late na ako.

"Hi there Ms. Sevilleja" tawag sa'kin ni Ms. Libeo na kararating lang. Salamat naman.

"Good morning po, here's the books po ma'am" sagot ko't tinuro ang mga nakapatong na libro sa mesa.

"Thank you" tumango ako't papaalis na sana nang tawagin ako nito. Ano ba 'yan, late na ako.

"Ms. Sevilleja, can you bring it to the president of journalism club, nasa representatives office siya right now" jusko ang daming utos, alam niya naman siguro na late ako 'di ba?

"Don't worry, you're excused sa class mo today, ikaw ang pinili ng representative na tumulong sa kaniya ngayon" sana mali ang iniisip ko. Tumango na lang ako at kinuha ang ilang papeles na ipinapabigay ni Ms. Libeo. Mahigit 1 month na rin ako rito kaya alam ko na ang mga pasikot-sikot. Ang bilis talaga ng oras, parang kahapon lang yung nangyari sa library, parang kahapon lang kasama ko pa si jal—

Hindi ko na siya iisipin. Hindi ko na siya iisipin. Hindi ko na siya iisipin.

Kumatok ako sa representative's office at pinagbuksan ako ng isang matangkad na lalaki.

"Hi, nandiyan ba yung president ng journalism club?" tanong ko sa lalaki.

"You must be serene, ilagay mo na lang sa table na 'yun and pumunta ka sa conference room" bakit ba ang daming utos ng mga tao na'to. Pumasok ako sa room at ipinatong ang mga papeles sa table na tinuro nung lalaki. Buti na lang hindi sa table ni Robles.

"Serene! samahan na kita papunta sa conference room" tawag nung matangkad na lalaki kanina. Nag-aalangan man, tumango na lang ako.

"I'm Gelo btw"

"Hindi ko naman siguro kailangang magpakilala noh?" napatawa siya ng mahina at nagsimula na kaming maglakad.

"You're from what department?" tanong niya

"Archi" maikling sagot ko.

"Future architect pala 'to e, psych naman ako" ang daldal naman nito. Hindi niya ba nahahalatang ayaw ko siyang kausap. Hindi ko mapigilang mapatawa sa mga kinekuwento niya hanggang sa makarating kaming conference room. Maganda naman pala siyang kausap.

"Sevilleja" kabado kong tiningnan ang kung sino mang tumawag sa'kin pero panigurado namang si jalen yun.

"Carry this" saad niya't pinasa sa'kin ang mga folder na hawak niya. Kunot noo ko siyang tiningnan pero parang wala lang sa kaniya, kapal.

"Ako na Sere" aagawin na sana ni gelo ang mga hawak kong folder pero umurong dahil sa takot kay robles.

"Let her mr. rivera, she's old enough para gawin mong bata" saad niya't tumalikod. Sumenyas na lang ako kay gelo na ayos lang.

Nakasunod lang ako sa likod ni robles at ni isang segundong tingin ay hindi niya ako tinapunan.

"Pakilagay na lang diyan and kunin mo yung mga papers na dala mo kanina" dumiretso ito sa swivel chair niya at sa kaniyang postura ay mahahalata mong pagod siya.

Nilapag ko ang mga papeles at hindi na alam ang gagawin.

"You can go now to class serene, wala naman na akong kailangan" nag-aalangan mang umalis, tumango na lang ako. Alangan namang titigan ko lang siya buong maghapon 'di ba?

Pwede naman.








4pm na. Ayaw ko pa sanang umalis pero naalaa ko yung bilin ni mama. Gusto ko pa sanang puntahan si jalen kasi hindi pa raw lumalabas ng office simula nung umalis ako.

"Ma?" katok ko sa pintuan namin. Bumukas ang pintuan at hindi kilalang tao ang bumungad sa akin.

Sino 'to? Ito ba yung ipapakilala ni mama.

Ngumiti ako sa taong iyon at pinalawak niya ang buka ng pintuan upang makapasok ako. Ngayon ko lang napansin na naka-semi formal ang suot ng lalaki. Yaman.

"Anak nandiyan ka na pala" saad ni mama habang papalabas ng kusina.

"Anak, ayokong mabigla ka kung sino siya pero siya ang papa mo" what? my father is dead. Tinakbuhan niya kami ni mama. Tumingin ako sa lalaki at nakita itong nakangiti.

"My daughter" nakangiting sabi nito. Tumakbo ako patungong kuwarto habang umiiyak. Parang bumalik lahat ng mga pinagsasabi ng mga tao sa'kin dati dahil sa papa ko. Wala akong papa. Patay ang papa ko.

"Anak, just give him a chance, listen his explanation 'nak" pakiusap ni mama sa labas ng kuwarto ko.

"No mom, when is he when I need him? When is he when I'm aching for a father's love, attention, and care?" umiiyak na saad ko. It's just, I can't take it na bigla bigla na lang siyang babalik.

"Anak? I know nagkulang ako bilang ama but give me a chance please" based on his voice, umiiyak na rin siya.




________________________________________

"What? Bakit ko siya iiwasan?"

"Anak, sa buong buhay mong wala ako, I already planned your future, trust me anak"

"Bakit kita pagkakatiwalaan?"

"Trust me anak"

"No, i'm not gonna avoid her"

"You're doing it because you don't want to grow your feelings for her anak, I know you"

"I'm not gonna avoid her." may diin na sabi ng babae



A/N: Kayo na bahala kung kaninong conversation 'yan (sino bang umiiwas para hindi na lumala yung feelings niya? 👀)

Opposite attracts - Series 1 (Jhocey)Where stories live. Discover now