-49-

116 5 0
                                    

..

Daniel


"Buntis? Papaanong nangyari iyon, Doc? Lalaki ang anak ko." Naguguluhang tanong ni Tatay sa Doctor na maging ang lahat sa amin ay nagtataka rin maliban syempre kay Doc na nakangiti.

Hindi rin ako makapag salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil grabe ang epekto sa akin nito, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako at nangangamba, papaano? Bakit ako nabuntis?

"Gaya ho nang sabi ko Mister, espesyal po ang anak niyo. Kung hindi niyo ho alam ay may kakayahan ding magbuntis ang lalaki pero kakaunting porsyento lamang po ng populasyon ng lalaki sa buong mundo ang may kondisyon na ganito. It's rare case for us." Sagot ng Doctor kay Tatay.

"Ibig sabihin, magkaka-apo na ako?" Mahinang tanong ni Nanay na tinanguhan naman ng Doctor.

"Yes, Misis. Congratulations! Kung may mga katanungan pa kayo ay pwede niyo na lang ako puntahan sa office ko, may mga pasyente pa ako ngayong pupuntahan kaya kung inyong mamarapatin, aalis na ako." Pagpapaalam ng Doctor na kaagad namang tinugunan ng mga magulang ko at nila Zayche.

"Maraming salamat po, Doc." Saad nila at nginitian naman sila ng Doctor pabalik.


Pagkaalis ng Doctor ay kaagad silang naglapitan sa akin. Mga nakatitig na parang nagtatanong. Umiwas ako ng tingin dahil mukhang kahit ako ay nagtatanong din kung papaano nangyari iyon.

"Kaya pala iba ang itsura mo nung mga nakaraang araw, buntis ka na pala." Sambit ni Zayche kaya sa kaniya ako napatingin.

Hindi ko alam kung anong meron pero naguguluhan ako sa emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. Naghahalo ang sakit at saya sa kaniya kaya para hindi ko na masyadong isipin ay tumingin na lang ako sa iba.

Lumunok ako at nagsalita, "Hindi ko rin alam kung anong nangyari, kung papaano nabuo to. Baka nagkakamali lang si Doc... Baka namali sila ng test." Naguguluhan kong saad, nakagat ko na rin ang labi ko, masyadong maraming bagay ang pumapasok sa isip ko.

"Anak, huminahon ka. Bawal ka raw ma-stress, Daniel." Pagpapakalma sa akin ni Nanay kaya bahagya akong natawa.

"H-ha? Haha kalmado ako, nay." Sambit ko at nag aalangang tumingin kay Tatay, "Tay, kung buntis nga ako? Paano lalabas to? P-paano siya lalabas? Sa pwerta ko b-ba? Kaso kapag nangyari yon mawawasak ako—o paano kung sa ano ko? Natatakot ako!" Hinihingal kong sabi at nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay ni Tatay na agad namang dumalo sa akin.

"Hushh kalma lang, anak. Maraming paraan paano iyan lalabas, okay? Nasa modern generation na tayo kaya huwag kang mag alala, okay? Nandito lang kami para sayo." Pagpapakalma sa akin ni tatay.

Nanginginig naman ang labi kong tumingin sa kanila. Ang nangingilid kong luha sa mata ay unti unting bumagsak kasabay ng pagkawala ng kaba at pangamba ko. Hinayaan ko na lang ang sariling umiyak dahil wala akong magagawa sa ngayon kundi ang iiyak ang takot at pangambang nararamdaman ko.

..

"May gusto ka bang kainin o inumin? Sabihin mo lang at ibibili ka namin." Pagtatanong ni nanay sa akin.

Nakangiti naman akong umiling, "Wala po, hindi pa naman po ako nagugutom." Sagot ko na tinanguan naman nito.

"Zayche, hijo, aalis lang kami saglit para bayaran ang hospital bills dito at pagkatapos ay kukuha lang kami ng gamit ni Daniel. Kung may kailangan kayo at tawagan mo na lang kami." Pagkausap ni tatay kay Zayche na nakaupo sa tabi ng kama ko.

Ngumiti naman si Zayche, "Makakaasa po kayo tito." Anito.

Pagkatapos noon ay nagpaalam muli sa akin sila nanay at sabay silang umalis ng hospital room. Kaming dalawa na lang ni Zayche ang natira rito dahil kani-kanina ay umalis na rin si Chloe dahil may trabaho pa raw ito, sasabihin na lang din daw niya kung bakit wala si Zayche at kung bakit ito hindi makakapasok.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon