Akala ko ba CRUSH lang, ba't may kasamang LUHA? [ONE SHOT]

5.3K 190 144
                                    

Unang one shot ko po ito. At sana po ay magustuhan niyo. :D

This is dedicated to Ishy (HoneymarshmeLLow). I hope you enjoy reading this story.

Vote and comment if you like. Pero mas heart warming po ang mga comments. :D

_MrsLuffy

********

Pag crush, CRUSH LANG.

Wala dapat pusong involved.

-anonymous

*********

Alam niyo ba yung feeling na, crush mo na nga lang, nabroken hearted ka pa?

Ang saklap ng buhay ko. Wala na nga akong lovelife tapos kahit crushlife na lang sawi pa ako.

Kainin na lang sana ako ng lupa.

Baka pag nangyari yun, mapansin niya man lang ako. Pero sigurado naman akong hindi ako mapapansin nun e. Yung mahal niya lang kasi ang laging pinapansin niya. 

Kahit anong gawin ko, parang hindi niya ako makita. Kahit anong papansin ko lagi na lang naiichapwera. Halos lahat naman ginawa ko na para mapansin niya ako e, kaso wa-epek lahat. 

Nakakapagod din pala yung lagi ka na lang binabalewala.

Ginawa ko naman lahat para hindi mahulog sakanya eh. Sabi ko sa sarili ko na paghanga lang tong nararamdaman ko. Pero bakit ganon?

Nasasaktan pa rin ako.

Paghanga lang ba talaga to? Hindi ko na rin alam eh. 

"Hoy Yumi! Nagsi-senti ka na naman diyan! Hindi bagay sayo maging emo no." Bigla akong napatingin dun sa tumawag sa pangalan ko. 

Nakalimutan ko pala magpakilala. Pasensya na, nadala lang ng pagdadrama ko. 

Ako nga pala si Nayumi Beatriz Ho. Pero madalas na tawag sakin ay Yumi, ang awkward naman kung whole name diba?

Half-Chinese ako pero 100% Filipino at heart.

I'm in my third year of highschool and the Vice-Pres ng Student Council, na may sekretong pagtingin sa President ng SC na si James Edward Sison.

Ahead siya sakin ng isang taon pero first year pa lang ako, kilala ko na siya.

Paano?

Flashback...

First day of school kasi non, at since freshman pa lang ako, hindi ko alam ang pasikot sikot ng campus. Ilang minuto na ang nakalipas matapos mag ring ang school bell at hindi ko pa rin makuha-kuha ang classroom ko. First day na first day late ako.

Nililibot ko ngayon ang isang building at tinitingnan kung dito yung classroom ng mga freshmen. Saktong napadaan ako sa isang classroom na sobrang ingay at mukhang wala silang teacher.

Tumingin ako sa loob pero mukhang hindi ito ang classroom na hinahanap ko. May nakalagay kasi sa white board na Year 2-A which means classroom to ng second year.

"Excuse me Miss, may kailangan ka ba?" 

"Ay petchay!" bigla kong nasabi nang may lalaking biglang sumulpot sa bintana. Sumisilip kasi ako sa loob ng classroom,  diba?

"Pasensya na Miss, wala akong petchay e. Ano bang gagawin mo sa petchay?" Natatawang sabi nung lalaki.Leche naman, masyado siyang seryoso, expression ko lang naman yung petchay e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala ko ba CRUSH lang, ba't may kasamang LUHA? [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon