2

18 4 2
                                    

Napakunot ng noo si Magnus matapos mabasa ang lettera na inabot ni Elliot sa kanya. Kasalukuyang tumatambay sila sa opisina niya. Pilyong ngumingiti ang kaibigan habang panay akyat-baba ng kilay nito sa kanya. Umasim ang mukha niya at padamog na initsa ang papel at envelope na kulay pink sa table niya.

Wala namang espesyal ang mensahe ng babaeng iyon. Gaya ng dati, inaakit lang siya ni Juliette. Kailan ba matutunan nito na pabayaan siya at wag na siyang guluhin pa habambuhay? Higit pa sa stalker ang trip nito. Mula pagkabata'y nagiging favorite hobby na nito. Saka wala namang espesyal sa kanya para ma-attract ito. Lahat nga ng pantu-turn off ay ginawa niya na.

"Akala niya siguro madadala niya ako sa love letter niya. May pa marka pa siya ng labi niya. Iisipin ko pa lang ang mukha ni Julie parang masusuka na 'ko,"diretsahang tapat niya. Kinuha ang fountain pen at pinatuloy ang pagsulat.

Napalis ang ngiti sa labi ni Elliot. Nakade-kwatrong upo ito sa harapan niya. Kumibit-balikat at pinukulan siya ng naiinis na tingin.

"You're too harsh, dude. Since 10 years old pa tayo, may pa declaration of love pa siya sa'yo. Naalala mo ba yong pledge of loyalty niya? One week niya yon ginawa, pinagpuyatan niya yon imbes na gawin niya ang science project. Okay lang sa kanya na bumagsak siya sa academics, basta in siya sa puso mo,"mahabang kwento nito. Nakaangat pa ang ulo na tila proud na proud na inaalala ang kahapon.

Para sa kanya isang bangungot ang bawat kaganapan na kasama si Julie. Buntot ng buntot sa kanya at wala ibang ginawa kundi ang mag-confess ng pag-ibig nito para sa kanya.

Ilang confession na ba ang ginawa nito? Hindi niya maalala.

"Maniniwala pa ba ako sa pag-ibig niya. Mukhang baliw na siya sa ginagawa niya,"bwelta niya. Hininto ang pagsusulat. Tumingin sa labas para makahanap ng tsyansang huwag pag-usapan si Juliette.

"Swerte ka may nababaliw ng pag-ibig sa'yo,"hirit nito.

Nilingon niya para gawaran ng nakakalasong tingin. Magsasalita pa sana siya pero tumayo ito.

"I need to go, I still have a meeting,"sabi nito.

Pa-dismissive niyang kinaway ang kamay. "Fine. See you tonight. Dating gawi,okay?"

Tumigil ito saglit. "Juliette will be here this saturday. Don't forget to congratulate her in her promotion."

Sinapo niya ang noo. "Bakit hindi na lang siya tumira ng France habambuhay,"mangiyak-ngiyak niyang sabi. Sumisikip ang puso niya sa tuwing uuwi ito galing ibang bansa tapos dideretso sa bahay niya para guluhin siya. Isang dahilan kaya hindi siya kumuha ng penthouse. Lalo silang magiging magkalapit kung maliit ang bahay.

"Don't be like that, bro. Sinasalubong ka niya palagi. Dapat ikaw naman ang magsasalubong sa kanya,"anito bago pinihit ang pinto.

Galit siyang umungol. Na-fu-fustrate ng di oras. Magiging magulo naman ang buhay niya sa pagdating nito.

Matapos siyang iniwang mag-isa ni Elliot, binalik niya ang atensyon sa sulat ng dalaga. Binasa niya ng maigi. Nguniwi siya. Tinupi at nilagay sa kahon sa loob ng kanyang drawer. Nandoon rin ang ibang sulat na pinadala nito.

Si Juliette lang ang mahilig mag-sulat in traditional way kahit hindi na uso ang pagsusulat sa panahon ngayon. Para siguro ma-convey nito ng husto ang nararamdaman.

Pinatong niya ang baba sa kamay na nakatukod sa lamesa. Pinapangako niyang huwag magpaapekto sa lahat na gagawin ni Juliette sa hinaharap. Kung pwedeng iwasan, iiwasan niya.

Kinuha niya ang cellphone. Tinipa ang numero ng kanyang ka-fling ngayon. Kailangan niya ng distraction.

Nagmamaneho siya nang sasakyan, wala siya sa sarili dahil ito ang araw na darating si Juliette.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Owning MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon