Chapter Ten

15 0 0
                                    


Pagkatapos ng mga nangyari sa party ay hindi ko pa nakakausap sila auntie tungkol doon. Nasabi sa akin ni Marcky na alam na daw nila auntie na pupunta sa party ang kapatid ko pagkatanggap pa lang nila ng invitation. Hindi na ako nagtanong pa ng ibang details. Lalo na at patuloy pa rin ang pangungulit sa akin ni Marcky patungkol sa kung saan ako pumunta noong umalis ako doon.

"Gusto sana kita isama sa training mamaya after lunch kaso may class ka at ayaw mo pa rin ikwento 'yung pinuntahan mo," Marcky rolled his eyes.

Natawa lang din ako at nagmadali nang lumakad papasok ng building. Maaga pa naman kaya pumunta na muna ako sa pangalawang floor kung saan mayroong mga table para maupo.

Mayroon daw kasing ipapasa si Marcky kaya mas maaga kami pumasok ngayon, ayos lang naman sa akin. Plano ko rin naman magbasa muna bago pumasok, naalala ko kasi na may long quiz kami mamaya.

Inilabas ko na ang mga papel na naglalaman ng mga babasahin ko pero habang inaayos ang mga gamit ko sa lamesa ay napaangat ang tingin ko nang makarinig ng ingay na papalapit sa akin. Nakita ko si Calleb at Jhon kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Napalingon din si Calleb sa gawi ko at nang magtama ang tingin namin ay napahinto siya at ngumiti. I waved my hand and smiled. Mayroon naman siyang ibinulong kila Jhon bago naunang maglakad ang mga ito. He waved at his friends before walking towards me.

"Maaga yata kayong pumasok?" Iyon agad ang naging tanong ko nang maupo siya sa upuan sa harap ko.

"Maaga talaga 'yung pasok ng mga kaibigan ko, inaya nila kami ni Jhon mag-breakfast." Ngiti niya. "Mamaya pa naman start ng class natin 'di ba? ang aga mo naman,"

"Mayroon daw kasi ipapasa si Marcky, gusto ko rin naman pumasok nang maaga para magreview kaya ayun sumabay na rin ako." I chuckled.

"Hindi ka ba sasama doon sa mga kaibigan mo?" Nagtaka ako dahil inilabas niya ang isang libro sa bag niya at nagsimulang magbasa.

"Didiretso daw sila ng library," Napatango lang ako at bigla ko namang naalala ang project namin. Gusto ko na din na sabihin sa kaniya 'yung ideas ko.

Naisip ko kasi bigla na pwede sigurong ang gawin namin ay 'yung nakikita naming magiging itsura ng office namin bilang architecture kung sakali man. After all, we're both an aspiring architect.

"About that," Napaangat agad ang tingin ko nang biglang magsalita si Calleb. Nandoon pa rin sa libro ang atensyon niya.

"Para nga pala sa project, should we start conceptualizing about the design?" Tumingin na rin naman siya sa akin kaya tumango ako.

"Pwede naman," I exhaled. "Pero alanganin na din ako doon sa una nating naisip eh, I feel like we could do and think of something that is more creative."

"What place could make you feel like you're home?" Nang marinig ko iyon ay agad akong napaisip.

I realized how easy it is for others to say that it is their house, but how about for me?

I could have just say that it is also our house to stop complicating things, but I also knew that some part of me would contradict it.

"Honestly, I still don't have other ideas." Natahimik na lang ulit kami at naghintay na lang ng oras.

Pagpasok namin sa room ay nandoon na rin si Jamaica. Nakaupo na si Jhon sa tabi niya kaya naupo na rin kami ni Calleb. Agad napag-usapan 'yung project pagdating ni prof. Hindi rin naman written 'yung progress report at sinabi na lang namin na inaayos na namin ang design namin.

Next meeting na lang din daw ang quiz at mabilis din natapos ang discussion kaya pumunta na kami agad ni Jamaica sa cafeteria. Busy din ang mga friends nila Calleb kaya sa amin na lang daw sila sasabay mag-lunch.

Bawat DaanWhere stories live. Discover now