Chapter Twelve

17 0 0
                                    


Agad naman akong nag-type ng irereply. Ngunit bago ko pa maisend ang sagot ko ay bigla namang tumawag through video call si Calleb. Agad naman akong nataranta. Lalo na at ito ang unang beses na mag-uusap kami sa facetime.

“What?,” I hope I don't sound annoyed, because I am not.

“Busy? Tell me if I need to end the call,” It looked like he was sitting on a chair, wearing his sweater and reading glasses where I could see the reflection of his laptop screen.

He was probably in front of his study table. Nasa tabi ng laptop niya siguro ang phone niya. “Hindi naman, ayos lang. Why did you call? pa-reply pa lang ako sa message mo.”

Naupo naman ako nang maayos. Hindi ko rin ipinapakita ang buong mukha ko sa screen.

I am not wearing any make-up so I felt conscious about my face. “I felt too excited about our project. Gusto ko na agad pag-usapan.”

He chuckled. Nagtagal naman ang tingin niya sa akin mula sa screen. “Don't you feel comfortable with this call? you can just turn off your camera or maybe we can just talk about this tomorrow.”

“Ayos lang ba if i-off ko 'yung camera? I don't feel comfortable showing my face without make-up.” Napansin ko naman ang titig niya na biglang pumungay na para bang napuno ng pag-aalala. “Of course, it's fine.”

“Pasensya na,” Inioff ko naman agad 'yung camera. “Maureen, you don't have to apologize about it.”

I saw him smiled a little. He was now looking at his laptop. “I want to start making sketches for the project so I can show it to you as soon as possible.”

“Right now?” I asked. Agad naman akong tumayo at lumapit sa study table ko.

Isinandal ko rin sa mga libro 'yung phone ko at iniharap din sa akin. Binuksan ko na rin ang laptop ko. “I want to do some sketches too.”

He chuckled. Natahimik naman kami at naging abala na sa mga laptop namin. Bigla ko naman agad naisip 'yung itsura ng bar kung saan ako nagtatrabaho. Iyon ang isa sa nakuhanan ko ng ideas para sa interior. Pero isa lang ang floor noon at para naman dito sa ginagawa ko ay mayroong dalawa. Napalingon naman ako kay Calleb at natawa ako nang makitang magkasalubong pa ang mga kilay niya.

“I finished a sketch, do you want to see it?” I asked while smiling and feeling so proud of what I just did.

It looked so cute. “Patingin,”

Hindi pa rin ako komportable buksan ang camera, naisip ko naman na isend na lang sa kaniya through e-mail. “I-send ko na sa e-mail mo ngayon,”

Binanggit niya na lang ang e-mail niya, naisend ko na rin naman agad 'yung file. I looked at his reaction, his eyes widened before he smiled. “Look at my drawing, I think we had the same ideas.”

He sounded so suprised and very excited. Hinarap niya na lang sa camera ang laptop niya. Nagulat ako nang makita ang sketch na gawa niya. Medyo pamilyar din lalo na para din itong 'yung bar kung saan ako nagtatrabaho ngunit mas modern nga lamang ang design at iba din ang color palette na ginamit. Ayun nga lamang ay mas nagtagal ang tingin ko sa inilagay niyang pangalan ng bar.

“Bawat Daan?” I smiled at the idea that he was probably thinking of the song with that title. He shrugged before putting his laptop down.

“It was a beautiful song, and your version of it is my favorite.” I could feel the heat on my cheeks. I am definitely blushing.

Good thing I didn't have my camera open. “Ikaw talaga, paano kung manghingi si prof ng explanation about the name of the bar?”

“I can and I will explain it,” Napailing na lang ako. Masyado talaga siyang confident na para bang nung una pa lang ay sigurado na siya na ito na ang magiging process ng project namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bawat DaanWhere stories live. Discover now