Liham

10 0 0
                                    


Dear hon,

Matagal na kitang hinihintay,gusto ko lang malaman mo na sabik na sabik na ako sa iyong pagbabalik.Alam mo ba tapos na ako sa kolehiyo sa kursong HRM.Umuwi ka na hon dahil sa pagbalik mo naghihintay sayo ang mga pagkain na paborito mo.Dalawang taon kitang hindi nasisilayan alam mo bang sobrang hirap? Hon,may sasabihin ako sayo sobrang mahalaga ngunit hindi sa ngayon sa pagbalik mo nalang.Natatandaan mo pa ba nung huli kitang nakita? Sabi mo sa akin na ako lang ang iyong mamahalin,ako lang ang iyong papakasalan at hindi ka na maghahanap pa ng iba.Sabi mo sa akin noon na gagawa ka ng sarili nating bahay at doon tayo titira.Madami tayong pangarap,madami tayong goals sa buhay at umaasa ako na sa balang araw tutuparin mo ito at muli kang babalik sa piling ko.Iloveyou hon.

-Maria georgia
Hon

Inilagay ko ito sa sobre at pumunta ako sa dati nilang bahay.

Naka sarado ang gate at wala paring tao sa loob hindi parin pala sila bumabalik.

Inilapag ko ang sobre sa harap ng pinto nila.

'Iha? anong ginagawa mo dito?'

May narinig akong boses na nagmula sa aking tabi.Hindi siya famillar pero bakit siya nandito? eto ay isang bakanteng bahay na.

'Wala po.' tipid kong sagot.

'Naghihintay karin ba?' karin? ibig sabihin may hinihintay rin siya dito?

'Pano niyo po alam?' tumingin ako sa kanya at ramdam ko ang pagdadalamhati niya.Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.Naghintay siguro siya ng napaka tagal.

'Dahil iisa lang tayo.'

Huh?

'May mga bagay na hindi talaga natin maiiintindihan.May mga bagay na lubos nating nauunawaan pero hindi natin matanggap.Umibig ako pero bigla siyang nawala.Naghintay ako ng napaka tagal na panahon,napaka-tagal iha.'

Hindi ko talaga siya magets.Ano ba ibig-sabihin niya?

'May ikekwento ako sayo.Tara doon tayo sa likod ng bahay.'

Hindi ako makatanggi kaya sumama nalang ako.Feeling ko matagal ko na siyang kilala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon