Pangako

10 0 0
                                    


Pangako.

Pinangako mo na kahit anong pagsubok at unos na pagdadaanan natin hindi ka bibitaw.Pinangako mo sakin na kahit anong problema hindi ka susuko.Mamahalin mo ko hanggang sa huling hininga mo at ipaparanas mo sakin kung gaano kasaya ang buhay.

Nasan na ang Pangako mo?

Tutuparin mo pa ba?

O aasa nalang ako sa wala?

Isang pangako na may taong umaasa,at ako yun.Umaasa ako na lahat ng pinangako mo ay tutuparin mo,pinangako mo sakin lahat ng gusto mong mangyari sating dalawa.

at pinangako mo na hihintayin mo ko sa dulo ng altar.

Nakasuot ako ng isang puting gown na pinangako mo sakin na ayun ang susuutin ko sa araw nating dalawa.Suot mo ang toxido na black at hinihintay mo ako.Naluluha ka dahil sa sobrang saya dahil ang pangarap natin ay natupad na.Unti-unti akong naglalakad palapit sayo,hanggang sa nasa harapan na kita at kinuha ako sa aking ama't ina.

Bakas sa iyong mga mata ang sobrang kasiyahan at ganun din ako.Sabay tayong humarap sa diyos ng walang alinlangan at pagdadalawang isip.

Sobrang saya ko.

Pero namulat ako sa katotohanan isa lang pala ito sa ipinangako mo.Akala ko totoo na,akala ko bumalik kana.

pero isa pala itong akala.

Naglakad ako at pumuntang hardin.

Nasan kana aking mahal?

Matagal na kitang hinihintay.Hindi pa ba sapat ang dalawang taon? Bumalik kana sa akin.

Tuparin mo ang iyong Pangako.

-@cruzporebs

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon