Prologue
Habang naglalakad ako pauwi sa boarding house, napansin ko ang isang sasakyan na nasusunog. Nabigla ako at nabitawan ang hawak kong pandesal at milo. Agad akong lumapit sa kotse at nakita ko na si Mrs. Piskot ang nasa loob. Hindi ko matanggal ang seatbelt niya, kasi naipit ang kamay niya sa ilalim ng upuan.
Hindi ko alam paano matanggal ang seatbelt niya. Nanginig ang mga kamay ko habang kinuha ko ang phone sa bulsa at tinawagan si Ayen.
“Oh Nad, napatawag ka?” tanong ni Ayen
“Tabangi ko bi!” sagot ko, nanginginig.
“Ano!? Tagalugin mo nalang please!”
“I mean kailangan ko tulong mo!”
“Gaga, ano nangyari ba?”
“Nandito ako malapit sa pandesal store, bilisan mo!”
“Ano ba kasi—”
“Basta pumunta ka nalang,”
Hindi ko hinintay ang sagot niya at agad kong pinatay ang phone ko. Mamaya’t may huminto na kotse sa harapan ng tindahan, pero sa unahan lang.
“Gaga, ano—What the hell!” sigaw ni Ayen nang makita ang lalaki na walang malay sa sasakyan.
“Gaga, ano ginawa mo sa kanya?” tanong ni Ayen, sabay turo sa lalaki na duguan.
“Nakita ko siya kanina habang bumibili ako ng pan, kaya nilapitan ko siya at nagulat lang ako sa nangyari,” sagot ko.
“Maraming dugo ang nawala sa kanya, dalhin natin siya sa ospital ngayon!” sabi ni Ayen, ngunit agad kong hinawakan siya sa braso.
“Wag!”
“Gaga ka ba?! Ano, hindi?! Buang ka ba, alangan naman hahayaan natin maubusan ng dugo yan?” tanong ni Ayen.
“Kapag dadalhin natin siya sa ospital, baka wanted siya o makulong,” sabi ko.
“Gaga ka ba?! Malamang isusumbong natin sa pulis. Nad, madamay pa tayo dito!” sigaw ni Ayen sa akin
“Ako nalang mag-aalaga sa kanya,” sabi ko.
YOU ARE READING
DARK SERIES #2: Zyron Quenza
RomansaDark Series #2: Zyron Quenza WARNING: SPG | R18 Si Zyron Quenza ay isang lalaki na kilala sa kanyang malamig at hindi magiliw na ugali. Ang kanyang matigas na panlabas ay isang maskara lamang para sa mas malambing na bahagi ng kanyang pagkatao, na...