Part II

11 0 0
                                    

Hindi ko nadatnan si Austin pagbalik ko sa kwarto nya kaya nataranta ako at nung palabas na sana ako para hanapin sya ay bigla na lang bumukas ang pinto ng cr kaya napalingon ako at nakita ko si Austin. Halos maiyak ako nung mga sandaling iyon at agad ko syang niyakap ng mahigpit. Hindi ko talaga kakayanin na tuluyan syang mawala sa buhay ko.








"Ahm...ano bang...problema mo?"

"Akala ko nawala ka na..."

"Ano? Bakit mo naman naisip na mawawala ako? Teka...why does it feels like déjà vu?"









Napabitaw ako bigla kay Austin dahil sa sinabi nyang yun. Tama, nangyari na nga rin 'to noon sa amin.









"Natatandaan mo?"

"Ang alin? Ano bang nangyayari sayo?"









Niyakap ko ulit sya ng mahigpit.









"I can't bear to lose you, Love."

"Ahm...aray, yung...kamay ko..."

"Ahm, sorry. Masakit ba? I'll call a nurse."

"No need. Pwede bang kumalma ka muna?"









Bigla namang nagring ang phone ko.









"Hello Ma. Ahm...si Austin po? Ah, sige po. Ahm, gusto ka daw makausap ng Mama ko."

"Ha? Ahm... hello..."









Bigla nyang inilayo ang phone sa tainga nya dahil sa pagsigaw ni Mama sa kabilang linya. Sobra syang natuwa nung marinig ang boses ni Austin kaya umiral na naman yung pagiging hysterical nya. Matapos nyang kausapin si Mama ay napatingin sya sa wallpaper ng phone ko.









"Ahm...sila ang mga anak natin."

"Triplets?"

"Oo. Alam mo sobrang saya mo nung araw na nalaman mong triplets ang pinagbubuntis ko. Pinagyabang mo nga agad yun sa mga kaibigan mo."

"Ahm..."









Halos hindi makapagsalita si Austin at hindi rin maalis ang tingin nya sa picture ng mga anak namin. Kinuha ko sa kanya ang phone at pinapanood ko sa kanya lahat ng mga nairecord kong milestones ng mga baby namin.









"Here...that was their first smile. Natyempuhan ko lang yan habang natutulog sila. Sobrang cute nila di ba? Si Bryan, he's our first born alam mo sa kanilang tatlo sya talaga yung pinaka behave. Hindi nya 'ko masyadong pinapahirapan, kuyang kuya talaga sya. Si Bryce naman ang sumunod, sya naman yung pinaka clingy sa kanilang tatlo. Gusto nya palagi akong nasa tabi nya at si Brylie naman ang baby girl at bunso natin sya yung pinakamakulit sa kanila. She loves to smile and grabs anything na makita nya."









Seryosong pinapanood at tinitingnan ni Austin ang mga videos at pictures ng mga baby namin hanggang sa makita nya yung picture nung buntis pa lang ako. Sa litrato na yun ay nakahalik sya sa tiyan ko habang nakangiti naman ako. Doon na ako nagsimulang maiyak. Naalala ko yung mga sandaling yun na masaya lang kaming dalawa and how excited we were to finally meet our babies.









"Love, wala ka ba talagang natatandaan kahit konti sa mga pictures na yan? We were so happy, how come you end up like this? Bakit sa dami ng mga alaalang pwede mong makalimutan, kami pa ng mga anak mo yung hindi mo maalala?"

Love Game  (Book 2)Where stories live. Discover now