Para maiwasan na mastress pa ng husto si Austin ay tiniis ko na munang hindi sya puntahan sa ospital. Hanggang ngayon kasi ay nagiguilty pa rin talaga ako sa nangyari. Nagfocus na lang muna ako sa mga anak namin. Ang sabi naman ni Audrey ay oobserbahan pa daw si Austin for three days at kapag ok na talaga lahat ay pwede na syang umuwi.
Hindi ko sya pinuntahan ng tatlong araw kahit pa sobrang miss na miss ko na sya. I just send him food within those days at nakikibalita na lang muna ako kay Daddy sa kalagayan nya. Yun kasi ang naisip kong paraan para hindi na sya masyadong magisip sa tuwing nakikita nya ako. Pakiramdam ko kasi ako talaga yung dahilan ng paghihirap nya.
Pinakiusapan ko na rin si Daddy na dun na muna si Austin sa kanya. Hindi man sya pabor sa desisyon ko ay wala na syang nagawa pa. Ang totoo natatakot ako na lumala pa ang kundisyon ni Austin kaya kahit mahirap, sa tingin ko ay mas makakabuti kung magkalayo na muna kami. I just hope na tama yung desisyon kong 'to.
"Welcome home, love. I really miss you."
I can't help but cry while watching him through the window. Sobrang hirap ng ganito pero wala akong magawa dahil ito ang mas makakabuti para sa kanya.
"Ma'am, hindi nyo po ba pupuntahan si sir?"
"Ahm...hindi po muna ngayon Manang. Naihanda nyo na po ba yung mga ingredients na pinapahanda ko?"
"Opo."
"Salamat Manang."
Ipinagluto ko si Austin ng lunch at pinakiusapan ko si Manang na dalhin yun sa kanya. Maya maya pa ay nakita kong lumabas ng kwarto namin si Manang na may dalang mga gamit.
"Manang where are you going?"
"Po? Ahm...may mga pinakuha lang pong gamit si Sir Nick."
"Gamit? Ahm...kulang pa ba yung mga damit na pinadala ko dun? Ahm.. sige po bumalik po agad kayo para makakain na rin kayo ng lunch."
Maya maya pa ay may biglang nagdoor bell sa labas.
"Natalie!"
"Hi!"
"Tuloy ka. Tamang tama ang dating mo kakatapos ko lang magluto. Let's have lunch!"
"Kamusta? Nandyan na ba si Austin?"
"Ah, oo."
"Are you really ok with this set up?"
"Ahm...I don't have a choice Nat."
"Of course you have! Alam mo hindi ko talaga maintindihan ang desisyon mong 'to. Nawala man ang alaala nya sayo magasawa pa rin kayo, you should be together."
"Nat..."
"You know what gusto ko na talaga syang puntahan dun at ipaalala sa kanya yung ipinangako nya sakin na aalagaan ka nya hindi yung ganito na pinapahirapan ka."
"Natalie, I'm okay. You don't have to do that. Isa pa hindi naman nya ginusto yung nangyari sa kanya e."
"Well you're right. I'm sorry, naiinis lang talaga 'ko sa mga nangyayari sa inyong dalawa ngayon. You're supposed to be happy lalo na ngayon na nandito na ang mga anak nyo. Speaking of your babies, nasan sila? I really miss them. I bought some new toys for them."
"Nasa taas kakatulog lang nila. Let's just eat first, mamaya lang magigising na ulit ang mga yun."
Mabuti na lang dumating si Natalie, kahit paano ay pansamantala kong nalimutan ang mga problema ko.
YOU ARE READING
Love Game (Book 2)
RomansaThe players's love story is now up to the next level. Will they continue to win or lose in the last stage of this love game?