SOREN ASHER LEWIS
It's been a few months since we decided to exclusively date each other.
I can say that she's full of surprises.
Minsan maganda mood nya, minsan naman clingy sya. Pero may moments din sya na di ko maintindihan.
Sometimes pa nga napaka unreasonable nya kapag may something na ikinagagalit sya na hindi ko alam.
Akala nya siguro may lahi kaming psychic at kaya ko basahin kung anong iniisip nya? Kasi I literally have to figure out kung ano ba nagawa ko sa kanya to make her mad.
Pero syempre, dahil sya lang naman ang nag iisang tao na gusto ko makasama, tinanggap ko sya kung ano sya.
I don't think I'll ever try to find someone else. Dahil siguradong sigurado na ako kay Alberta. She's a great person aside sa pagiging selosa nya. At isa pa, she's the best mom a child could ask for.
Eto ako ngayon sa office nya, pinasunod nya kasi ako dito for some reason.
Syempre, she's the boss and my Queen kaya susundin ko lahat ng sinasabi nya.
Actually, di ko nga alam kung bakit nya ako pinapunta dito.
I remember I was doing something kasi nag sub sya sa isa naming prof na absent and may activity na pinagawa sa amin.
I have other seatmates aside from my two besties. Nagtanong lang naman sya kung paano ko ginawa yung activity.
After that, na-gets nya naman siguro and nag focus na rin sya sa ginagawa nya.
Eh natapos ko naman agad yung activity, so I decided to study na lang.
I was quite focused with my task. Basta na lang tinapik ako sa balikat ni George tapos sabay turo nya sa harap.
Nakita ko na lang na masama nang nakatingin si ma'am sa akin.
I was even wearing my AirPods kaya di ko masyado naririnig yung ingay sa paligid ko.
Nakita kong nag umpisa syang mag salita pero akala ko nag bibigay lang sya ng additional instructions or maybe ineexplain nya yung activity sa blockmates ko so I just shrugged my shoulders and pinag patuloy ko na lang yung pag babasa ko.
Pero nagkamali ako.
Nagulat na lang ako biglang may humablot ng AirPods ko at tinapon na lang 'yon sa kung saan.
Now, I'm not really good at confrontations. Talagang kumabog yung puso ko in a bad way.
Pag tingala ko, si ma'am pala.
Namumula na nga pisngi nya. Mukhang inis na inis na sya.
"You!" dinuro duro pa ako ni ma'am.
"Come with me to my office, NOW!" sabay talikod sa akin at padabog syang lumabas sa room namin at binagsak nya pa yung pag sara ng pinto.
Lalo tuloy akong kinabahan.
Napalunok muna ako ng laway ko bago ako tumayo. Ramdam na ramdam ko pangangatog ng tuhod ko.
Nakakahiya na rin yung tinginan ng mga blockmates ko. Para kasi akong nakapatay ng tao sa tingin nila.
Akala ko nga mag co-collapse ako eh.
Buti na lang nakalakad pa ako.
I tried ko calm myself with the breathing exercises na tinuro sa akin nung therapist ko sa US.
Ilang minuto rin yung nilakad ko dahil ingat na ingat ako bawat hakbang kasi feel ko bibigay na yung tuhod ko sa sobrang pangangatog.
I knocked on her door gently.
YOU ARE READING
Cupid's Misfire
Romance(The Professor Series #1) Alberta Constantine Melendez Cojuangco & Soren Asher Morillo Lewis