ALBERTA CONSTANTINE COJUANGO
Pag labas ni Soren sa office ko, sinubukan ko ulit pakalmahin yung sarili ko.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako naiinis sa kanya, last week pa nga eh.
Basta ang alam ko lang, noong nag g-grocery kami, may lumapit sa kanyang chaka na babae at may pina abot sa taas na shelf.
She was a little too friendly for my liking.
Pagkauwi nga namin noon ay hindi ko na pinansin si Soren at agad naman 'yon napansin ni Sev. Kinausap pa ako ng anak ko na wala naman daw ginawa yung dada nya kaya wag na daw ako magalit.
A week before nangyari yon, napansin ko na lagi masakit ulo ko. Pero hindi ko 'yon inintindi. Inisip ko lang na baka dahil sobrang init at medyo stressful din yung trabaho ko.
"Hoy, Tine, anong ginawa mo kay Soren?"
Di na ako nag taka kung kaninong boses 'yon dahil kilalang kilala ko na si Addy.
"Pinaalis ko." tipid na sagot ko. Wala parin kasi talaga ako sa mood.
"Eh bakit nagdudugo mga kamay nya?"
"Malay ko."
Nakita kong may tinawagan si Addy at ilang saglit lang, may kumatok sa pinto ko. Hindi na ako nag atubiling tumayo pa dahil si Addy na ang nag bukas ng pinto ko.
"Paki-linis naman po ito." sabay turo ni Addy sa may gilid.
Doon na lang ako nag taka kung bakit may dugo doon.
Tumayo ako bigla, pero napaupo rin ako dahil nakaramdam ako ng pagka hilo.
Naduduwal pa ako sa amoy ng pang spray na ginamit para malinis yung sahig sa opisina ko.
Tumakbo tuloy ako papunta sa CR ko dito sa opisina at doon na nag suka.
"My gosh, Tine! Are you okay?" tanong ni Addy habang hinahagod nya yung likod ko.
"Yes, I'm fine. Sobrang pagod ko lang yata."
I brushed my teeth and gargled some mouthwash at lumabas na ulit pabalik sa upuan ko.
"Can you call Soren para pabalikin sya dito? I have to talk to her."
Nakita kong umiling si Addy.
"She left, Tine. She asked me to call someone to clean off the broken vase and to tell Aiden to collect her stuff. Ano ba kasi nangyari sa inyo?"
Kaya nag kwento na ako kay Addy sa nangyari last week noong nandoon gami sa grocery.
"Tapos kanina, the girl near her had the audacity na lapitan si Soren. My god! Their faces are so close to each other na parang maghahalikan na sila sa harapan ko." inis na saad ko.
"Jusko naman, Tine. Mukha namang nag papatulong lang yung katabi nya. Tsaka yung sa grocery naman, mukha namang tumulong lang sya doon sa babae. Ano ba ang nangyayari sayo? Di ka naman ganyan ah?"
Di ko na rin maintindihan sarili ko.
"Bakit di ka magpa check up? Mukhang di maganda pakiramdam mo. Siguro sobrang stressed ka sa work? This is not you, Tine." alalang sabi nya sa akin.
YOU ARE READING
Cupid's Misfire
Romantiek(The Professor Series #1) Alberta Constantine Melendez Cojuangco & Soren Asher Morillo Lewis