Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[WARNING! MATURED CONTENT AHEAD!]
(Namhye's POV)
"Magiging okay ba siya?" tanong ni Mommy nang tumawag siya sa akin. Ngumiti ako.
"Oo naman, Mommy. Kailangan ni Clint 'to para lumakas pa siya. Hindi pwedeng lagi siyang nakaasa sa akin. He needs to surpass everything," sabi ko.
[Alam ko, Namhye. The problem is I’m going to miss my baby boy. Alam kong malakas ka, pero hindi ka pwedeng mangialam sa tadhana kahit alam mo na ang mangyayari. Hindi ka pwedeng mangialam.]
"Naiintindihan ko, Mommy. Alam ko naman, eh. For now, let's trust Clint. I know his journey will help him break the curse spell on him," sabi ko.
[Sana nga mawala na ang sumpa pagbalik niya.]
"Hmm, Mommy. I need to hang up now," I said.
[Okay, baby. Ingat ka. Love you.]
"Love you too, Mommy," I replied.
Binaba na ni Mommy ang tawag. Tumingin ako sa salamin. "Patunayan mo sa akin na isa kang Moon, Clint Alnyr. Ang isang Moon ay malakas, pero mag-ingat ka diyan. Kasama mo naman si Bluperrin. Don’t worry, I'll send someone to help you there."
"Ingat ka diyan, Clint," ngumiti ako at lumabas na ng CR. Sinuot ko ang mask.
"Good morning, CEO Nam!" bati nila.
Tumango lang ako at pumasok sa elevator ng kumpanya. Ako na ang CEO. Dad gave me this company. After all, it’s vacation. I need to help Daddy and Mommy… Hmmmmmm.
Pumasok na ako sa isang room.
"Good morning, CEO Nam!" bati sa akin. Tumayo sila at nag-yuko. Pagkaupo ko, tsaka lang sila umupo.
"Continue," saad ko.
And the meeting goes on.
(Alnyr's POV)
Naglalakad na ulit kami sa gubat. Todo protektado sila Kuya One sa akin. Napapanguso na lang ako dahil hindi nila ako pinapalaban.
"Bantayan niyo siya, Six! Five!" sabi ni Kuya Nine, at tumango sila Kuya Six na inilayo ako sa mga halimaw. Sumugod sila Kuya at walang nakakalapit sa akin na halimaw dahil hindi nila hinayaan na malapitan ako.
"Lil' bro, okay ka lang?" tanong ni Kuya Six.
"Nauuhaw na ako, Kuya. Gusto ko na ng dugo," sabi ko.
"Ikukuha kita," sabi niya.
"Kuya, dugo lang ng hayop okay na sa akin," sabi ko.
Kahit sabihin ko nang ako na ang kukuha, hehehe, sila na daw. Feeling ko tuloy prinsipe ako na may siyam na tagapagtanggol. Iba talaga pag super cute!
Si Kuya Five ang nagpoprotekta sa akin... Napapapikit-pikit na ako, nanghihina na ako sa uhaw. Kung nandito lang si Namhye, may lilitaw nang cup of blood sa akin... Uhaw na uhaw na ako.