(Sobs).... "Ma..T.T... galit nanaman po si papa akin... araw araw syang galit saakin .. sawa na po ako Ma... Matagal ko na pong pinagsisihan yung nangyare Ma"
Si Mama ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko... hanggang ngayon kahit patay na sya. Oo alam kong di naman nya ako naririnig pero nasanay na talaga ako na nagsasabi sa kanya dahil ikinagagaan ko ito ng pakiramdam . Eto ako ngayon sa harap ng puntod ni Mama habang umiiyak at hawak ang pisngi kong namumula na may bakas ng kamay ni Papa. Umuwi nanaman syang lasing at sinisi nanaman ako sa pagkamatay ni Mama.
Si Mama ay may sakit sa puso pero hindi yon ang dahilan ng pagkamatay nya. Dahil sa kagustuhan kong sumama sa lakad ng kaibigan ko,, kahit na binawalan ako ni Papa ay umalis parin ako,, bago paman ako umalis ng bahay ay nagkasagutan pa kami ni Papa Pag alis ko ng bahay ay agad akong sinundan ni Mama.... Takbo lang ako ng takbo kaya di ko napansin ang paparating na truck... Ang naisip ko nalang ay"ituloy mo ang pagtakbo Grace" Pero nanigas ako,, napako an paa ko sa kinatatayuan ko.
"Grace!!!"- isang boses ang narinig ko..... at agad na may tumulak saakin..... Si... Si.... Si Mama!! Sya ang nasagasaan imbis na ako..
Kasalukuyan akong umiiyak nang may narinig akong isang umiiyak na babae. Ang iyak nya ay puno ng pighati at kalungkutan. Humagulgol sya ng malakas kaya naisipan ko na mas malaki ang prob ema nya kaysa saakin. Kaya naman pinuntahan ko yung lugar kung saan nanggagaling yung iyak.
Hanggang sa mapunta ako sa isang madilim na iskenita na kung saan may nakita akong isang babaeng naka suot ng mahabang dress na puti. Isip ko ay tinakbuhan sya ng lalakeng pakakasalan nya dapat.At dahil di ko din naman sya kilala at mukang gusto nyang mapag isa ay naisip kong wag nalang syang pakielaman kaya tumalikod na ako ,, kasabay ng pagtalikod ko ay sinabi ko pa sa isip ko na " Sige ate ,, iiyak mo lang yan,,, marami pa namang lalake dyan sa tab-" aalis na sana ako nang magsalita ang babae.
Kaya napalingon ako... hindi ko makita ang mukha nya dahil naka talikod sya. At sa pag salita nya ay naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko at pagtayo ng balahibo ko.
Babae: Sige nanaman..
Ako: P.. Po?
Babae: Parang awa mo na ..
Ako: di.. K.. Ko po maintindihan ate..
Babae: parang awa mona tulungan mo ako,...
ako: Saan po ate? Sa paghahanap ng ibang lala-
Babae: TULUNGAN MO AKO!!!!
Nagulat nalang ako dahil sa isang kisap mata ay nasa harapan ko na sya at hawak hawak nya ako sa mga braso ko nang mahigpit..
Maliwanag ko na syang nakikita... ang buong mukha nya ... bagsak ang panga nya. Nakaluwa ang mga mata nya na itim ang paligid . At lumuluha na sya ng dugo at.. at unti unti syang..... unti unti syang nalalapnos ang balat.
Dahil sa gulat ko ay nasampal ko sya. Sabay Sabing.... "Next time nalang po >_<"- sabay takbo ng mabilis.. lumingon ako at nakita kong hinahabol nya ako..
Lalo akong natakot kaya binilisan ko pa lalo ang takbo ko... Ng biglang nadapa ako dahil may natisod akong paa,, Paa na puno ng sugat kaya napatinging ako sa may ari nito... nanlaki ang mata ko dahil may tama sya ng barel sa ulo ng tatlong beses..
Pagkatapos may biglang humawak sa kaliwa kong kamay kaya napatingin ako. Isang matandang babae na mataba ang may marka ng lubid sa leeg nya kaya ang nanlaki kong mata ay nanlaki pa lalo ..
At may humawak sa kanang kamay ko... dinahan dahan ko ang pagtingin dahil baka nakakatakot nanaman ang itsura nito at magulat pa lalo ako. Pero.
"Miss halika na bilis! tayo na!"- itinayo nya ako at tumakbo kame ng mabilis.
Nang makalayo na kame..
"Grabe.... gra... be... talaga..."- hingal na hingal at namamawis ako ng malamig ,,
"Miss ok ka lang???"- isang gwapong lalake ang nasa tabe ko.
"nakaka... takot.. sila"- hinihingal ko paring sagot sakanya. "sino sila?"
"mga kaluluwang humihingi ng tulong"-tumingin tingin muna sya sa paligid bago tumingin saakin.
"Bakit?"- tanong ko
"di mo ba alam ang tungkol sa siminteryong ito?
"Ahhm.... hindi? Basta alam ko libingan ito.."
"Syempre.. Siminteryo nga diba?"
"bakit ano ba kase yun?"
"Kilala itong Siminteryong to na pinaglilibingan ng mga patay na namatay sa kakaibang karanasan.."
"ha?"
"sa kakaibang way o paraan "
" tulad ng?"
"Tulad ng,, naaksidente, nagpakamatay, pinatay o ginahasa na pinatay pa..."
nanahimik kame ng konti
"takot ka ba sakanila?"
"Oo"-matipid kong sagot
"mas maganda kung di ka nalang pumunta dito,,,"
"Ha? Hindi pwede"
"Ay oo nga pala pinupuntahan mo Mama mo dito"
"Paano mo naman nalaman?"
K~a~s~e... napadaan ako nung isang araw narinig kitang tinawag mo syang Mama habang umiiyak ka,,"
"parang di naman kita nakita ah"
"eh~ busy ka sa pag iyak eh,, bakit ka ba umiiyak?"- pagkatanong nya ay naalala ko ang dahilan kaya yumuko ako dahil nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko,,.. "wag kang magalala di kana guguluhin ng mga yun.."-dagdag nya para di na ako magalala na takutin pa ulit nga mga yun,,
Ngumiti ako ng pilit " Pano mo naman nasabi?"
"basta ako ang bahala,, tiwala lang,,"
"teka anong oras na ba?"- pabulong kong tanong sa sarili ko,,
"May pupuntahan ka?"
"Oo eh,, si Papa kase baka umuwi na at baka hanapin nya ako,,"
"Ay may pupuntahan din pala ako,, I almost forgot,,"
"hm? Ah sige ,, thanks nga pala sa tulong mo kanina ^_^"
"No problem :)"
Then I smiled at him... tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pero lumingon ako sa di ko malamang dahilan,, basta nalang nag kusa ang ulo ko para lumingon.. Pero di ko na sya nakita,, biglang nawala sya,, di ko alam kung saan sya lumusot,,
"ang bilis naman nyang maglakad :/ "
Kaya nag patuloy na ako sa paglalakad... dahil baka umuwi na si Papa at pagalitan ulit nya ako,,
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys ^_^ !! First time ko pong maglagay ng story kaya pag pasensyahan nyo na po yung story,, Pls comment for some advise,, at kung may mali po paki sabi nalang saakin,, kung may mga misspelled paki sabi nalang din po,,
KAMSAHAMNIDA <3
~Kim Chycki
BINABASA MO ANG
A Promise
RandomSa buhay may mga bagay na akala mo para sayo pero hindi naman pala... May mga bagay na nasayo pero nawawala padin ito... Parang sa kaibigan. Akala mo hindi ka nila iiwan at pababayaan. Pero pag malayo lang sila sayo, magiging cold na sila sayo,, han...