Pag uwi ko sa bahay nakita ko si Papa sa may sofa na natutulog kaya dederetso na sana ako sa kwarto ko nang biglang nagising si Papa..
"At saan ka nanaman galing ha?"- pasigaw na tanong ni Papa saakin habang bumabangon sa pagkakahiga nya,,
"Ah... Pa... sa... sa ano po Pa... Sa-" natatarantang sabi ko kay Papa,, pero hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita..
"Sa lakwatsa?? Di ka na nadala !,, dahil sayo namatay ang Mama mo!!"- pasigaw na sabi ni Papa saakin habang pinanlakihan pa nya ako ng mata..
"Pa di ko naman po ginusto yun eh,," pahayag ko kay Papa habang naluluha at nanginginig ang boses ko.
"Hindi ginusto?? Dahil sa kagustuhan mong lumakwatsa.. namatay ang Mama mo!"- sabi ni Papa habang pababa ng pababa ang boses nya at naka kuyon ang mga kamao nya " Namatay ang babaeng Mahal ko"
"Pa-"
"Sana talaga ikaw na lang.. ikaw nalang ang Namatay imbis ang Mama mo!!!- pasigaw at nanggigigil na sabi saakin ni Papa..
Pagka sigaw ni Papa ay tuloy tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko,, feeling ko ay nalaglag ang puso ko,, nanlambot kaagad ang buong katawan ko,,
Pumunta agad si Papa sa kwarto nya habang pagewang gewang na naglakad dahil sa kalasingan nya.. muntik na syang matumba kaya tinangka ko syang tulungan o alalayan, pero tinulak nya agad ako papalayo
Umiikot at pabalik balik sa utak ko ang mga sinabi ni Papa saakin,, pero bigla kong narinig si Papa na umiiyak ng malakas habang isinisigaw ang pangalan ni Mama,,
Pumasok nalang ko sa kwarto ko at umiyak din ako.. Naiinis ako sa sarili ko.. Naaawa ako kay Papa kahit may kaunting hinanakit sa kanya.. Naaawa ako kay Papa dahil sa buong
2 taon na wala i mama ay wala syang ginawa kundi maglasing sa umaga at umiyak tuwing gabi.
"Sorry Pa,, Sorry Ma"- tanging nasambit ko.. iyak lang ako ng iyak hanggang maka tulog ako.
I know I'm praying For much too much But could you send him The only Girl he loved I know you don't do it usually, But dear Lord he's dying To dance with my mother again
BINABASA MO ANG
A Promise
De TodoSa buhay may mga bagay na akala mo para sayo pero hindi naman pala... May mga bagay na nasayo pero nawawala padin ito... Parang sa kaibigan. Akala mo hindi ka nila iiwan at pababayaan. Pero pag malayo lang sila sayo, magiging cold na sila sayo,, han...