CHAPTER 4: GROW UP

240 11 1
                                    

Third Person's POV

"Goodnight baby" Maraiah's Mom said.

"Sweet dreams" Her Dad said and
kissed her on her forehead.

"Goodnight Ma! Goodnight Pa!" Maraiah said.

In the middle of the night, Mikha was
awaken by a noise.

"Teka, si Maraiah ba yun?"

Mikha flew then she saw Maraiah having a nightmare.

"Maraiah, gising!"

Maraiah woke up already crying then
hugged Mikha

"Bakit? Anong nanyare?"

"I had a nightmare" she said while
crying.

"Panaginip lang yun, matulog kana ulit"

"Mama and Papa sleep with me when I have nightmares ate Mikha"

"Ganun ba? Sige tatabihan na kita. Matulog kana ha" Mikha sleepily agreed.

Mikha sat beside little Maraiah until she fell asleep.

She tried so hard to stay awake.

"Goodnight Ate Mikha" Maraiah said while smiling.

"Goodnight Maraiah" she answered.

Mikha's POV

Nakikita ko siya mula sa bintana ng kanyang kwarto habang umaalis. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kasama ang kanyang pamilya, sumakay sila ng kotse.

Sa tingin ko, papunta sila sa Canada.

Nang umalis siya, tiningnan ko ang kalendaryo. Binilugan ni Maraiah ng araw na babalik siya.

Nagamit ko na lahat ng bagay sa kwartong ito para hindi ako mainip. Hindi ko alam kung bakit, pero parang napalapit na ako sa batang iyon. Ilang taon na akong naninirahan dito pero ni minsan ay hindi ako nainip, maliban ngayon.

Dumating ang araw na nakabilog sa kalendaryo. Isang buwan na ang lumipas pero wala pa ring senyales ng batang babae.

Lumipas ang mahahabang taon ng pagkabagot. Napansin ko na ang kama ay napuno na ng alikabok at ang kalendaryong nagsasabing 20** ay naging 20** (12 taon na ang nakalipas).

Nasa ilalim ako ng kama, nagsusulat sa maruming sahig nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok. Kaya nagtago ako sa isang sulok.

Hindi si Maraiah yon, siguro ay isa itong tagalinis dahil nilinis niya ang kwarto at umalis agad pagkatapos.

Lumipas ang mga araw. Baka ibinenta na nila ang bahay na ito. Siguro may bago nang may-ari ng bahay. Baka hindi na babalik ang batang babae.

"Hay! Nakakainip na!" Sigaw ko ng biglang bumukas ang pinto

Dali dali akong nagtago sa ilalim ng kama at narinig kong may umupo sa ibabaw ng kama

"Kakapagod" boses ng babae

Nakita ko ang mga paa nya at masasabi ko na hindi sya bata, Sigurado akong hindi sya si Maraiah.

"I miss this place. Nothing changed"
Tumayo sya sa nilibot ang kwarto

Sumilip naman ako at nakita Kong nakatayo sya sa harap ng lamesa.

"They're still here. My childhood
memories" bulong nya

Nakatalikod sya, mahaba ang buhok nakapantalon at may suot na jacket.

Inalis nya ang jacket nya, at di sinasadyang nabato sa mukha ko.

UNRAVELED | MIKHAIAH Where stories live. Discover now