5

2.6K 10 0
                                        

Umuulan na.

Pambihira. Napakamalas niya ng araw na iyon. Walang magawa na gumilid si Suadela sa exit at pinanood ang ulan. Maraming estudyante ang naghihintay din don. Nagpapatila ng ulan.

"Ay, umuulan."

Kapansin-pansin ang bulungan at pandalas na paglingon ng mga estudyante sa likod niya. Pero hindi niya iyon pinansin.

Tapos na.

Iyon lang ang tinext niya kay Castor. Tipid at maiksi. Para madaling lusutan kung mabasa man ng girlfriend nito.

Then, a soft tap landed on her shoulder. When she looked back, a super friendly smile from a tall guy welcomed her.

Si Sen. Yung crush ni JB. Bigla nalang itong sumulpot sa kung saan habang nagprapraktis sila kanina. Bahagya pa ngang nagkagulo nang dumating ito dahil maraming kinilig dito.

Tinanguan lang niya ito. Feeling close masyado. Hindi naman sila personal na magkakilala. Malamang narinig lang nito yung pangalan niya sa katabi nitong impakto. Si Luan.

Kanina, matapos ang "warm-up daw" na siya lang naman ang gumawa. Nalaman din niya na hindi lang pala siya basta sasayaw dahil isa siya sa mga binigyan ni Luan ng solo act. Pagkatapos noon pinagstretching sila ng malupit at pinabalik sa kanya-kanyang grupo. Doon, tinuruan sila ng mga dance routine ng mga miyembro ng Knight Rhythm.

"Wala kang payong?"

Nang nilingon ulit niya ang dalawang lalaki sa likod, kapwa nakatingin ang mga ito sakanya. Mukhang para sakanya ang tanong na iyon ni Sen.

"Mhm," tipid niyang sagot at bahagyang lumayo sa mga ito. Pinagtitinginan at bulungan kasi ang mga ito. Mga gwapo eh.

"Asan na daw siya?"

"Parating na," si Sen habang nasa phone na hawak ang mga mata, "ayan na oh!" himig natatawang dagdag nito. Nakatingin sa likod ni Luan.

Ang kaninang mahinang bulungan ay mas lalong lumakas. Nacurious tuloy si Suadela kung sino ang bagong dating dahil mukhang mas marami iyong tagahanga kumpara kila Sen at Luan.

Subtlely, she casually looked back and was greeted by Silver Gray Pelaez's gray eyes.

What the... mabilis siyang nagbawi ng tingin! Bakit hindi niya naisip na tropa yung tatlo? Nakita niya nang magkasama ito at si Sen minsan. Si Luan naman. Well, birds of the same feather flock together. Maldito tapos impakto. Hindi nakakagulat.

"May payong ka, pre?"

"Wala."

"Ako meron kaya mauna na ko sa inyo." Luan took out his foldable umbrella from his bag.

"Sabay ako sayo." si Sen.

"Hindi tayo kasya dito."

Nailing siya sa ingay ng mga ito. Kung hindi lang siya nakaputing t-shirt malamang sinugod na niya ang ulan. Para makauwi na rin at makapagpahinga.

Someone tapped her shoulder again. When she looked back, there are three pairs of eyes looking at her now.

"Doon diba yung daan mo?" Sen's pointing the jeepney lane.

Tinanguan lang niya ito. Nakakunot-noo.

"Tamang-tama doon din ang daan ng tropa namin," he pushed Sil on her side and gave him Luan's umbrella, "sabay na kayo."

"Hoy, yung payong ko!"

"Hindi tayo kasya don diba? Hayaan mo na sakanila yun!" Hinead lock nito si Luan at sinugod nila ang ulan. Hindi nga lang sa ulan naligo si Sen. Pati na rin sa mura.

SUADELA | (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon