19

2K 24 2
                                        

"Sa RusTa daw."

"Nice, may pang IG post ako."

"Bilis, para makapili tayo ng pwesto."

Inayos ni Suadela ang duffel bag sa balikat at pinauna sa paglalakad ang mga freshies at ilang miyembro ng Knight Rhythm. Napangiwi siya. Bukod sa mahapding mga kalmot, masakit rin ang katawan niya. Luan was noticeably in a bad temper after his slight spat with Uno. Nakailang pasada din sila dahil kada may magkakamali ay inuulit nila mula simula.

As soon as everyone stepped out of the building, they headed to the right side except Suadela who took the opposite path. She would not join them.

Nakapagtext na rin siya kay Luan. Hindi niya lang alam kung nabasa na nito iyon.

Ilang hakbang pa lang ang layo niya sa building nang magvibrate ang phone niya. Sa pag-aakalang si Luan iyon, agad niya iyong tiningnan. 

It's Castor.

She casually opened the message anyway.

Let's talk.

Suadela didn't reply and put back her phone in her pocket but paused in surprise when she saw Castor approaching her. From the look of it, he has been waiting for her.

May mga pasa at sugat ito. Mga pagaling na pero sigurado siyang iba pa ang mga iyon sa huling nakita niya dito noong nakaraang linggo. Hindi na nakakagulat. Malamang si Gia ang may gawa noon.

Suadela sighed. Maybe it's about time to clear things up with him.

"Sa main tayo," she instructed, walking past by Castor without looking at him.

Castor's eyes lit up and naturally reached for Suadela's bag to carry it, but she only tightened her grip on it. Embarassed, he just followed her silently.

Pagdating sa main campus ng SU ay humantong sila sa isa sa mga bench sa quadrangle. May iilang estudyanteng nakatambay doon kaya dumistansya sila para makapag-usap ng pribado. 

Pagkaupo ay agad na tumabi si Castor kay Suadela na tahimik na nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad sa di kalayuan.

"I heard what had happened with you and Nea. Masakit pa ba?" marahang hinawi ni Castor ang buhok ni Suadela sa leeg na mabilis na tinapik ng dalaga.

"Mag-uusap tayo. Hindi mo ko kailangang hawakan."

Bumuntong hininga si Castor. "May nagsabi kay Gia ng tungkol sa nangyari sa rest room ng Trick Shot nung nalasing ka. Ang buong akala niya si Nea yun kaya sumugod siya dito."

Suadela nodded. So, it was really her. Then, she really deserved these scratches from Nea.

"Gia had an episode that day. It was so messy. It took days to calm her down." Castor sighed and mumbled, "Kaya ngayon lang ako."

"Ayusin mo na yung sa inyo ni Gia."

Maang na napatingin si Castor kay Suadela na nanatiling nasa harap pa rin ang paningin.

"O, kung si Nea naman ang gusto mo. Makipagbreak ka na kay Gia ng maayos at kausapin mo rin si Nea na makipagkalas na rin kay Austin." Suadela glanced at Castor for the first time. Her eyes were steady and her voice was calm.

"W-what do you mean?"

"Don't approach me anymore, Castor."

"No." Castor bit his lower lip and ran his fingers on his hair. "I finally ended everything with Gia. Kahit hindi siya pumayag, ayoko na. Hindi na ko babalik sakanya. Kaya pwede na tayo."

Suadela shook her head, "Si Gia at Nea. Sila nalang. Wag mo na ko isali— "

"Hindi sila ang gusto ko," Castor interjected in a firm voice and held her arms. "Ikaw," he said without blinking.

S U A D E L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon