Chapter 1

18 0 0
                                    


~~~

Spectrum Butterfly

"Eli! Can you stop at the convenience store later and get us 2 fresh milks!" Pahabol ni mommy sa akin. Habang tinatahak ko ang hagdan pababa, Kamuntikan pa nga ako matalisod sa pagmamadali ko upang makalabas ng bahay.

Malapit ko pa makalimutan yung bag ko sa kusina. Kinukuha kasi ni mommy yung bag ko para lahat ng prinipare niyang pagkain ay malagay niya agad sa bag ko. 

Hindi kasi ako minsan kumakain ng breakfast kasi kulang ako sa tulog at hinahabol ko pero lagi talaga ako ginigising ni mommy kasi daw 'Breakfast is the most important meal of the day' couldn't argue with her. Mom knows better.

Kinuha ko na yung bag ko sa kusina and place a quick kiss on my moms cheeks. Just a goodbye kiss. Kung hindi lang ako nagmamadali pina ulanan na ako ni mommy ng kisses ngayon.

Kaso napahaba kasi tulog ko, nakalimutan ko sabihan sila Mommy at Daddy may klase ako sa hapon. Kaya 'di nila ako nagising, 'buti nalang may ilang minutes pa ako para makaprepare, at least 'di ako masyadong late. Hope so!

"Fresh milk, Baby boy!" ulit pa nito sa'kin. 

The baby boy, again. Hayaan na nga lang.

"Copy mom, Bye!" Kumaripas na ako ng takbo palabas ng pinto ng bahay namin. Dumaan ako may garage nakaopen kasi yung gate kita dito. Kakadating lang din siguro ni Daddy kasi andito kotse niya. Natulog na siguro agad yun or nasa garden nagpapahangin.

Don't ask me why I would rather commute when we have a car.

Yes, we do have a car but I don't like driving myself to school, hassle at malapit lang. Also, I want my father to drive me to school but he sleeps late because he loves to read and write things on his 'PrivBook' it stands for private notebook. We're not allowed to touch nor read what's written on them. I don't know what's inside of it but I did try opening it, when I was a child but there's nothing in there or I just opened the wrong notebook, maybe.

"Take care, Eli!" Narinig kung pahabol ni mama sa'kin ng tuluyan na akong nakalabas sa gate ng bahay namin. 'di ko na naclose si Daddy na dun.

Tang ina lang kasi! Malalate pa tuloy ako lalo niyan. Bwisit kasing panaginip, daming ganap muntik pa akong mamatay.

"Opo!" Kahit 'di naman na ako rinig. Medyo malapit lapit lang din naman ang kanto sa bahay namin kaya 'di na ako nahihirapan humanap ng masasakayan na jeep kasi may torno din ang mga jeep dito.

Nang dumating na yung jeep ay sumakay na ako, nagbayad na ako agad baka kasi makalimutan ko at magmadali nalang akong bumaba kasi late na ako, mukha tuloy ako niyan nag 1-2-3. May ibang jeep driver dito sa'min naaalala mga mukha ng sumasakay. Tapos sisingilin ka sa harap ng mga tao, kahiya!

Hindi ko na nga sinuot yung bag ko kanina, binitbit ko na lang. Nagmamadali na kasi yung tao;

Wala pa naman masyadong tao sa loob ng jeep mga lima pa kami kaya tumagilid muna ako at nag focus nalang tumingin sa labas ng jeep.

One ride lang naman papuntang school namin, medyo malapit if sasakay ka, pwede naman lakarin kaso sa sobrang init baka mahimatay ako.

Hindi siya OA kasi totoo yan. I've tried it before to lessen my spending but due to the heat, ayoko na umulit pa. Bago akong ligo nun ha tas 'di man lang ako nakakalahati ng lakad, tumutulo na ang pawis ko. Mukha tuloy akong lumakad ng pagkalayo-layo. Imbis na fresh ka pupuntang school naging haggard pa.

Serendipity's Kiss (Porderios Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon