Una

17 1 0
                                    

"Aba Faye! Hindi kapa nakabayad ng upa mo! Dalawang buwan na ang lagpas mo! Kelan ka magbabayad? Kung hindi kapa magbabayad bukas, umalis kana!"

malakas na sigaw ni Aleng Petra. Parang nabingi ako sigaw ng matanda. Umagang umga yung agad ang bungad niya sa akin.

Dahil sa kakaisip sa lalakeng iyon ay nakalimutan ko ang importanteng mga bagay. Dalawang linggo ko na siyang iniiwasan. Sa awa ng Diyos ay di rin naman kami pinagtagpo. Tinitigan ko ang matanda na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata sa akin.

"Opo. Mamaya po ay magbabayad na ako."

"Siguraduhin mo lang bata ka." pahayag nito at tinitigan ang mga kasamahan ko. "Ikaw Katkat! May kulang ka pa sa akin, isang libo. Ikaw namang bakla ka may pambili ka naman ng kolorete sa mukha mo tapos yung kulang mo sa upa wala kang maibigay? Aba naman---"

Pumasok na ako sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Kung hindi lang ako nagandahan sa bahay na ito ay matagal na akong umalis. Ang bawat nangungupahan kasi dito ay may kanyang kanyang kwarto. Sa kwarto ay kasya na ang kama, aparador, maliit na silya at lamesa. May sarili ding teresa. Ang bahay kasi na ito ay sa kapatid ni Aleng Petra na nasa ibang bansa. Inayos ito at ginawang paupahan. Eto lang kasi ang boarding house na may sarili kang kwarto at malinis pa.

Buti nalang at sabado na. Kay Tita nalang ako mangungutang ng pera. Hindi pa kasi nagpapadala si Papa ng pera, samantalang sa Mama ay naka leave sa trabaho dahil umuwi sa kanila ni Lola may inasikaso daw. Na miss ko na talaga si Lola.

Tumayo ako at lumabas papuntang teresa. Di-na-yal ko ang numero ni Zach. Isang ring lang at sumagot ito.

"Hello Zelle pangit!"

"Zach...hmm..pautang naman oh. Dalawang buwan na kasi akong di nakakabayad kay Aleng Petra." mabilis na pahayag ko.

"Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo sabing dito kana sa bahay."

"Zach naman eh."

"Sige. Kita nalang tayo sa Annie's."

"Thank you talaga."

"Oo na Zelle pangit. I love you."

"I love you too Zach bakulaw." narinig ko pa ang tawa nito bago nito binaba ang tawag.

Dali dali naman akong naligo at nagbihis. Isang simpleng palda na itim at off shoulder na blouse ang suot ko pinares ko doon ang kulay gatas na flat shoes.

Pagkababa ko ng hagdan ay sumipol ang mga kalalakihan na ngaungupahan din.

"Saan lakad natin Faye?" tanong ni Kuya Arthur na walang damit pang-itaas.

"May pupuntahan lang Kuya. Naniningil na kasi si Aleng Petra."

"Sige ingat ka."

Tumango lang ako at nagabang ng jeep o taxi. Nag ring ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot ng makitang si Anton iyon.

"Hello A."

"Hello Faye. Saan ka? Labas naman tayo o."

"Sorry A, may pupuntahan kasi ako ngayon. Next time nalang."

"Ok. Ingat ka." sagot nito at pinatay ang tawag.

Malapit ko na sanang sagutin si Anton kaso nga lang ganyan siya. Parang hindi siya pursigido. Yung tipong magyaya siyang lumabas pero kapag umayaw ako suko agad. Gusto ko kasi yung pursigido yung pipilitin ako hanggang umuo ako. Madali siyang sumuko. Yung panliligaw niy parang wala na. Dati kasi araw araw kung tumawag ngayon kalimitan nalang. Napagod din siguro siya sa kakaantay. Nabalik ako sa huwisyo ng may dumaang sasakyan. Mabilis ang takbo nito, sumunod doon ang isang motorsiklo. Napailing nalang ako at pumara ng jeep.

The Guy I Used To Know (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon