Pangalawa

14 1 0
                                    

Malaki ang ngisi ni Aleng Petra ng maiabot ko sa kanya ang pera. Ang mata nito ay parang nagni ningning sa pera na nakasobre. She even sang her favorite song. At mind you wala yun sa tuno. Ngumisi lang ako at umakyat sa taas.

Walang pakundangan na inihiga ko ang katawan sa kama at binahagi ang kamay. Nakakahiya na tong ginagawa ko. I should find a part time job. Kailangan kong magbanat ng buto. Tumawag si Papa at krisis daw kaya hindi siya makakapdala sa akin. Tapos si Lola ay nagkakasakit pa. Nahihiya namang humingi ng tulong si Mama kay Tito kasi alam niyang nanghihiram ako sa kambal. Pinikit ko ang aking mga mata. Baka sakaling mawala na parang bula ang aking mga problema.

Hindi ko alam kong ilang oras akong nalatulog basta nagising na lamang ako dahil sa isang katok. Kinusot ko ang mata ko at binuksan ang pinto.

"O kakain na Faye tinatawag ka na ni Aleng Petra."

Nagising ako ng tuluyan dahil doon. Himala. Hindi siya nang gigising para lang tawagin sa pagkain. Para kasi kaming pamilya dito. Sabay sabay kumain. Ang pagkain sa araw araw ay may budget na kasama din sa upa. Si Aleng Petra ang nagbubudget. Siya din ang nagluluto at may kasamang tagahugas ng pinggan. Kahit may kasamaan ang ugali nito ay hindi ito madamot. Kapag nagkap pera ito dahil sa sugal o padala ng anak sa ibang bansa ay nagpapahanda ito. Tuwing may birthday ang mga ka boardmate ko ay siya ang naghahanda. Kaya marami din ang nagtagal dito kasi ganoon si Aleng Petra. May kasamaan man sa katawan may kabutihan din. Minsan nagsusungit lang yan pero alam naming nag-aalala din yan.

"Wag ka ng magtaka. Madami ang pera niya ngayon. Salamat sayo." ngisi ni Katkat at hinila ako.

Nagpahila naman ako ng nakangisi din. Halos lahat sila ay nasa hapag na. Isang malaki at mahabang mesa ang nasa gitna at puno ng pagkain. Ang mga kalalakihan ay nakapwesto na ang iba ay nasa sala na at doon kumakain.

"Faye kain na!" tawag nilang lahat. Ngumiti lang ako at humila ng upuan.

May kumuha ng pinggan ko at maging ang kanin at ulam ay may naglagay din. Pangisi ngisi sila sa akin.

"Kayo ha! Sabihin niyo na. Pangisi ngisi kayo diyan."

Lumapit silang lima sa akin at niyakap ako. "God Faye! Biyaya ka talaga nf langit. Dahil sayo nakalimutan ni Mommy P ang kulang ko. Thanks bakla!"

Tumawa lang ako at simulang kumain. Napasarap kami sa kain ng pumasok si Aleng Petra kasama ang asawa.

"Kumain kayo ng marami dahil sa susunod wala na yan. Kayong mga kalalakihan kayo, inaabuso niyo talaga ang kabaitan ko. Tayo! Bumalik kayo sa hapag."sigaw nito at para namang siniliban ang mga pwet nila at bumalik sa mesa.

"Eto naman. Nanunuod lang ang mga bata." sabat ni Mang Raul.

"Saan ba gumaya ang mga bilog na yan ay sayo din naman. Tumigil ka Raul."

Tumawa kaming lahat sa kanilang dalawa. Napakamot lang ng ulo si Mang Raul.

Sumawsaw naman ang mga kalalakihan. Si Kuya Arthur ang pinakamatanda sa lahat ang nanguna. Tawa kami ng tawa sa hirit nilang mga kalalakihan.

"Isagad na ang kasayahan." si Kuya Arthur.

"Bakit Kuya?"

"Uuwi ako sa probinsya. Nakaipon na naman ako. Mag aapply nalang ako sa munisipyo sa bayan. Nakabili din naman ako ng singsing."

Napa Oww kaming lahat at tinitigan siya.

"Kuya may naiwan ka pala sa probinsya?"

"Kaya pala di si Analine maka iskor may nag mamay ari na pala ng puso mo."

"Hoy! Anong iskor may nobyo ako sa Switzerland at sa susunod na buwan ay lilipad ako patungo doon."

Si Ate Analine ay nakangisi pero malungkot ganoon din si Kuya Arthur.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy I Used To Know (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon