Chapter 2

5K 216 76
                                    

Chapter 2: Kaibigan


Kasabay ko sa pagpasok sa paaralan ang mga kaibigan. Pareho rin naman ang silid aralan namin kaya sabay-sabay na kami. Maraming estudyante ang Isla de Vista State University dahil de-kalidad ang edukasyon dito.

Kahit mga estudyante sa malayong bayan ay nag-boarding o nag-do-dorm para rito mag-aaral. At isang malaking karangalan ang matanggap sa paaralan na ito dahil libre ang tuition fee. Maliban sa sikat o kilala ang IVSU, maraming oportunidad ang naghihintay kapag nakapag-graduate.

"Sa backrow tayo," agap ni Lourdes.

"Ayoko sa likod." kontra ni Carlos. "Dapat sa center tayo or sa middle lang."

Napakunot din ang aking noo dahil doon. Sunod sunod ang aming komento sa sinabi ng kaibigan namin. Hindi kami makapaniwala sa sinabi ni Carlos.

"Luh?"

"Wow, ah. Mula pa talaga sa'yo ang suggestion na iyan,"

Binatukan ni Carlos si Althea. "Tanga. Hindi ka naman nakikinig kapag nasa likod. Kaya dapat hindi tayo roon uupo."

"Pabor nga iyon sa'yo, mahilig ka pa naman mag cutting class."

Hinaklit ni Lourdes ang aking braso habang napailing ako sa dalawa. Nauna na kaming pumasok sa nakatakdang silid dahil nag-aaway pa ang dalawa.

Mas maingay pa sa inaasahan ko ang paligid namin. Parang dating magkakaklase ang lahat dahil sobrang ingay talaga. Kaklase-klaseng grupo ang naroon, nagtatawanan at nagkekwentuhan.

"First day of school goal ko is makahanap ng pogi." hagikhik ni Lourdes. "Dapat ganoon ang pananaw natin sa buhay, Raya. Gwapo para ganado."

Tumawa ako ng mahina. "Sige, laban lang."

"Ito naman, alam ko gwapo rin hanap mo, e!"

"Nakakapagod maghanap, Lourdes. Saka na 'yan."

"Hoy! Dapat may goal tayo. Gwapo na chinito sa akin. Ano'ng sa'yo?" daldal niya. "Sige na! Ikaw naman, parang hindi mo maging crush si Mo—"

Nanlalaki ang aking mata at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig bago pa niya maibahagi iyon sa buong klase. Wala namang paki ang mga tao sa loob ng classroom, maliban sa hindi namin kilala ang karamihan, ayaw ko pa rin na banggitin niya iyon.

"Lourdes!" mariin kong pigil.

She tapped my hand twice while laughing. Bumitaw ako at mas lalong natawa siya at tinuro pa ang aking mukha. Alam ko na namumula ako.

"Y—Yung mukha mo..." tawa pa rin siya ng tawa. "Epic! Alam mo... sobrang natutuwa ako sa reaksyon mo, Raya!"

Umirap ako sa kawalan bago siya sinamaan ng tingin. Alam niya na may crush ako noon. Matagal na. Hindi ko naman crush ang taong iyon hanggang ngayon pero ayaw ko pa rin na malaman iyon ng ibang tao.

"Sige, tawa ka pa, mukhang kailangan mo, e." mataman kong tugon. "Lakasan mo pa, Lourdes."

Tumawa talaga siya at naluluha pa. Kung hindi ko ito kaibigan, iniwan ko na ito.

"Uy, anong chismis iyan?" usisa ni Althea.

Dahan dahan na tumigil sa pagtawa si Lourdes at umiiling sa tuwa. Pinupunasan niya ang luha habang sinamaan ko siya ng tingin.

I admired one boy before, it is not a crush, I just found him cute, one time only. Maliit na bagay lang naman iyon pero biglang naging big deal buong taon.

Biglang nagkatitigan kami noon dahil kaklase kami at nakita ng kaibigan niya, eksaktong ngumiti siya sa akin kaya biglang tinutukso kami. Pinapalabas nila na crush na crush ko raw iyon at kahit anong gawin kong pagtanggi, tinutukso pa rin kami hanggang sa nalaman ng mga guro. At pati sila, nakikisali na rin sa tuksuhan. Talagang nakakahiya iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wildest Run (Isla de Vista Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon