Prologue

8.9K 385 166
                                    

Prologue


"Welcome to the Winter Olympic Games 2022!"

Lahat ay nagsisigawan nang matapos ang mga palabas ng opening program ng palarong international. Lahat ay naghihiyawan at nagpalakpakan. Everyone is excited for the biggest event this year. I am excited too but not the same as before.

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may maliit na delegates o atleta na sasabak sa mga laro. Some countries send less than five athletes, but the Philippines has 27 athletes competing in 9 sports. And the most number of delegates goes to the USA, China, Japan, and many more which is about 400 to 600 plus athletes. Though it may vary from time to time, most Olympic games have 33 sports and 339 events to compete with. Hindi lahat ay sinasalihan ng Pilipinas dahil sa limitadong kakayahan.

"Excited ako manood sa Swimming." tili ng kasamahan ko.

"Ay, ako sa Field Hockey talaga. Naku! Ang ga-gwapo ng mga Australians."

"Truly! Shet!"

Sinindot ako ng co-athlete ko, kabilang siya sa Gymnastics. "Ikaw, ano'ng bansa ang bet mo ngayong season?"

"Wala iyan si Raya." tawa ni Loren. "Taga-USA at Russia ay nagseselos sa kanya."

"Taluhin mo talaga sila. Mga gaga 'yan, sobrang yabang."

"Pst, tayo na ang next..."

Umayos kaming lahat ng tayo kasabay ng pagkaudlot ng usapan. Lahat kami ay parehong nakasuot ng damit na may watawat ng Pilipinas sa kaliwang bahagi at may dalang maliliit na watawat mula pa noong parade kanina.

"A total of 27 strong delegates from the Philippines!"

Iwinagayway namin ang watawat habang umakyat sa entablado. Bumaling sa amin ang malaking spotlight habang wi-ne-welcome kami. Lahat ng sigaw ng mga tao ay naging isa at umalingawngaw ito sa buong stadium. Pagkatapos namin ay ang ibang bansa naman ang tinatawag, naka-alphabetical order ang acknowledgement.

Being an athlete is both an honor and a privilege. I have been a surfing athlete for 3 years now but I have been the most petite athlete in the seas of surfing. Wala naman talagang standard ng katawan ang isang tao o isang atleta pero kadalasan ng mga babaeng atleta ay may malinaw na kalamnan, compact ang pangangatawan, at may malapad na balikat.

I have been criticized for being small and not masculine enough but I don't want to build obvious muscles because I am not really into sports... I play to earn money. I needed money and being an athlete pays well. At hindi ako nahihiya sa rason na iyon.

"Warm up muna tayo, Raya!"

Tumango ako. "Magpalit muna ako."

"Uy, sige buksan mo ang box mo. Maganda ang uniform." sambit ng kasama ko, si Fidel.

I am the only girl delegate from the Philippines competing in surfing shortboards. Tatlong taon ko ng iniinda ang mga negatibong komento tungkol sa akin bilang surfer. Maliban sa wala akong pake dahil mga kalaban ko sila mula sa ibang bansa, isa lang naman ang hinahangad ko sa larong ito kundi manalo at kumita.

Back in my hometown, everyone is free to surf regardless of who you are and what you are. Pero bilang isang atleta, hindi maiiwasan ang siraan, inis, inggit, at pambubully. Oo nga at childish na kung isipin pero ganoon talaga palagi. Hindi positibo lahat ng nangyayari. Afterall, it is a competition.

A pink shirt and a black shorts with a logo of the Philippines on the lower right. Maganda ang uniform kasi hindi shortsleeves katulad noong unang Summer Event. May dalawang lalaki sa men's surfing shortboard at isa sa babae. Pareho kaming tatlo ng disenyo ng uniporme. May malawak na events ang surf shortboards pero konti lang ang sumasali mula sa bansang Pilipinas. Limitado lang talaga ang mga atleta.

A Wildest Run (Isla de Vista Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon