SEP 8, 2024
BUSINA ng mga sasakyan ang naririnig ko at sigawan ng mga tao. Nasisilaw ako sa matinding beam light na nakatapat sa mukha ko. I don't know what's happening and that's when I started to open my eyes.
Gulat na gulat ako nang mapansing na sa gitna pala ako ng highway at nakaka abala na sa traffic.
"HOYY UMALIS KA JAN!!"
"Baliw na ata siya"
"GUSTO MO NA BA MAMATAY?"
"ATE MAGPADAAN KA NAMAN"
"Wala bang traffic enforcer dito??"Mga sigawan ng mga tao ang nagpa-ingay sa payapang gabi. Kahit ganoon, hindi ako makaramdam ng takot sa kanila dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong makabalik sa 2024. May mga jeep, ilang mga puno, at puro Pilipino ang kaharap ko ngayon. Galit nga lang sila.
Pinaulanan ako ng mga busina at natauhan akong bigla na sobrang tagal ko na palang nakatayo sa gitna ng kalsada. Napansin ko ang kamay kong may hawak na mga papeles at ilang dokumento, kapansin pansin din ang kwintas na relo na naka sabit sa leeg ko.
Dahil sa hiyawan ng mga tao, nagtatakbo ako papalayo sa kalsada para magpatuloy na ang mga kotse sa pag-andar. I am still processing the things that had happened at huminga muna ako nang maluwag.
At least naandito na ako ngayon.
Meron akong hawak na mga documents at naaalala kong binigay sa'kin to ni Dad kani-kanina lang. These are fake documents na pinagawa niya for my application as an English teacher. Sabi niya naman sakin ay gagana tong mga documents na to dahil sa sobrang advanced ng technology sa 2044, easy-easy na lang kay Dad ang pamemeke ng documents needed for my mission.
Nakasukbit sa balikat ko ang small bag na pinaglalagyan ng cellphone at wallet ko. Kinuha ko mula rito ang cellphone ko at binuksan ito.
SEP 8, 2024 | Sunday
Napangiti ako sa sarili ko nang makita ko ang date na Sep 8, ibig sabihin ay mayroon pa akong isang buwan para ituloy ang mission ko dahil Oct 11 at Friday pa naman ang araw ng graduation.
The night is too late and I need a shelter to stay. Chineck ko ang wallet ko kung may laman at nakita kong napaka raming pera ron. I know that my Daddy did this for me. Thank you talaga Daddy Henry Pogiii! Luv u so much.
Nagtanong-tanong ako sa mga nagbebenta ng balot kung merong malapit na condominium dito and thankfully, meron naman. It's been 20 years na wala ako sa Pilipinas and it gives me nostalgia just by being here.
The jeepneys, street vendors, hospitable people. Hindi ko lang alam if this is how Philippines will still look like in 2044.
Sabi sakin ng mga tindero ay sumakay na lang daw ako ng jeep at bumaba sa may puregold dahil doon daw mayroong condominium where I can stay.
Tumingin ako sa paligid and I am amused by the jeepneys. Sa sobrang ngiti ko ay kung may makakakita saking ibang tao, they might think I'm crazy.
Pumara ako ng jeep para sumakay, "Kuya, puregold lang po." Sabi ko rito. Buti na lang talaga, meron pang jeepney na pumapasada ngayon kahit gabi na. Tinignan ko ang wallet ko at napaisip.
Magkano nga ulit yung pamasahe?
Napatingin ako sa katabi kong ale ngayon na nagpapaypay at mukha namang approachable at mabait. So I asked her.
"Hello po, manang. I just want to ask lang po, magkano po ba ang pamasahe?" Tanong ko rito, tumingin siya sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago siya magsalita.
"Bakit?" Saad nito sa'kin na para bang takang taka siya.
"po?" Tanong ko sa kaniya, ako ang mas dapat magtaka sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Who's Ms. Adeline?
Science FictionPaano kung nabigyan ka ng pagkakataong baguhin ang nakaraan, ano ang gagawin mo? ************** Adeline Moore, a teacher haunted by the tragic past of her high school friends, gets a second chance using her father's newly invented time machine. Thro...