I am currently commuting, on my way papunta ng school para unti-unting isagawa ang mission ko sa taong ito. While I am looking at the surrounding, seizing the surrounding that I missed in this year, 2024. Isang bagay ang umagaw sa atenyon ko.
Isang batang lalaking kalong-kalong ng kaniyang ina kasama ang tatay ang tuwang-tuwa dahil bibilhan pala siya ng magulang niya ng laruan. Kahit mainit at mabanas sa jeep ngayong hapon, nararamdaman ko ang bawat excitement na nararamdaman ng batang na sa harapan ko.
A long-forgotten memory then flashed back to my mind. Alaala ng nakaraan na kahit sa time machine ay hindi ko babalikan.
Bumukas ang pinto nang madaling araw at ang haplos ng magagaspang na kamay ang gumising sa diwa ko. "Look, para to sa'yo. Happy Birthday, Nene." Nakilala ko ang boses ni mommy at kasabay niyon ang paglapit ng barbie doll sa'kin.
"Thank you, mommy. Pero asan po si Daddy? Sabi niyo po sa birthday ko magkakabati na kayo at magiging happy family na tayo. Sabi niyo, uuwi na siya rito sa Pilipinas." tanong ko kay mommy. Yun ang mga lagi ko sa kaniyang itinatanong taon-taon, ngunit taon-taon din akong walang natatanggap na sagot.
Tumingin lang sa akin ang dalawang matang kulay itim at nagbuga ng malalim na paghinga. "Nene, alam mo naman na busy sa trabaho si Daddy Henry mo e. Tsaka kailangan siya ng company niya sa New York. Baka nga di na makauwi Daddy mo kasi nagkaroon din ng problema sa ibang company niya sa Spain. Kaya ngayon, tayo na muna ang magcecelebrate ng birthday mo, ha?" mga salitang paulit ulit na lang. Sa sobrang dalas ko marinig ay parang nakakabisado ko na ito.
Sa mura kong edad, hindi mga barbie o lutu-lutuan ang gusto kong mahawakan sa aking kaarawan. It was Daddy. Tanging picture frame lang namin noong magkasama pa kami ang napanghahawakan ko sa oras na namimiss ko ang daddy ko. Kahit ngayong matanda na ako, naiinggit pa rin ako sa mga batang mayroong masayang pamilya at hindi nabuhay sa biyak na pamilya.
MALAMIG NA HANGIN mula sa aircon ang nararamdaman ko sa loob ng faculty. Pero kahit gayon, hindi ako giniginaw mula rito. Magkatapat kami ng table ni Darius at kanina ko pa siya nakikitang pasulyap-sulyap sa;kin. The stolen stares that made my hands so wet and cheeks so red. Ewan ko kung bakit ba siya tumitingin sakin, parang may gusto atang sabihin pero hindi niya magawa.
I opened my laptop and tried to type something there. No words seem to come out, they are also too shy. Hindi ako nagpatinag. Pinagpipindot ko randomly ang mga letters, and even numbers sa keyboard ko. Hindi ko alam kung OA ba ako o tama ang hinala kong nakatingin sa'kin si Darius ngayon.
To check if my delusion is certain, I stopped typing nonsense. Binuksan ko ang rear camera ng laptop just to be surprised that I saw no Darius there. Ramdam ko ang pagbagal ng mundo and the electric current thing that I felt in my whole body. Nasan si Darius? Bakit wala sa table niya?
Then suddenly, there is a white envelope on my table. Sino namang maglalagay non doon? Isang tikhim ang narinig ko sa tabi at iniangat ko ang tingin sa kung sino iyon.
"D-Darius? Kanina ka pa ba riyan?" kabadong tanong ko. Kasi kung oo ang sagot niya ay malamang nakita niya kung paano ako magkunwaring may tinatype at kung paano ko binuksan ang camera ko para makita kung naandon ba siya sa table niya.
Tumikhim muna ang brown-eyed man with glasses and thick eyebrows man bago magsalita. "Ah yes. I am waiting for you to finish what you're doing, that's why I chose not to interrupt." Saad ng lalaking mababa ang boses, " By the way, you called me by my name? parang wala pa naman akong naaalalang nagpakilala na ako sayo?" tanong sa akin ng matangkad na lalaking naka unipormeng pang teacher.
BINABASA MO ANG
Who's Ms. Adeline?
Ciencia FicciónPaano kung nabigyan ka ng pagkakataong baguhin ang nakaraan, ano ang gagawin mo? ************** Adeline Moore, a teacher haunted by the tragic past of her high school friends, gets a second chance using her father's newly invented time machine. Thro...