Lumanghap ako ng malinis na simoy ng hangin, pinagmasdan ang bughaw na kalangitan. Tag-init na pala, noong nakaraang araw madalas dumadaan ang bagyo, mabilis talaga magbago ang klima sa pilipinas, gaya ng buhay ng tao. Ang tanging magagawa mo lang ay ang magsaya sa anong meron ka ngayon bago pa ito lumisan at hindi na babalik."Angelo pasok kana sabayan mo na ako sa pagkain." Bigla akong napalingon sa pintuan ng bahay, hindi ko namalayan na nakapasok na pala si mang Fernand sa gate. Nawili ako sa pag-pikit at pag-dama sa kagandahan ng kapaligiran.
"Sige po." Nakita ko ang motor nyang naka-parada sa labas ng gate.
"Yung motor nyo po, hindi nyo ba papasukin?'
"Huwag na, hayaan mo na dyan wala namang magnanakaw nyan eh at saka ilalabas ko rin naman yan." Tugon nya.
Sumunod ako sa kanya papasok, agad kong hinanda ang pagkain at naglagay ng mainom na juice sa baso. Naupo din si mang Fernand sa upuan. Halatang pagod ito sa trabaho, sa init pa naman ng panahon at napaka-stress magbantay sa mga estudyante sinong hindi papagod.
"Inom po muna kayo ng juice." Inabutan ko sya ng isang basong juice.
"Salamat, ikaw kumain kana. Paborito ko pa niluto mo, ang sweet naman haha..."
"Ayan po kasi ang binilin ng asawa nyo."
Kumuha sya ng adobo at saka diniretso sa kanyang bunganga, nginuya nya iyon at nilantakam ang lasa. "Huwag mo tng sabihin sa asawa ko pero mas masarap ang adobo mo. Mas malasa at sobrang malambot, galing mong magluto sana nakapagaral ka. Diba ito ang gusto mong kurso ang maging isang culinary student."
"Opo kaso imposible na po iyon, ang importante sa akin ay ang mga kapatid ko ngayon, mas mahalaga sila kaysa sa pangarap ko, sila po ang uunahain ko."
"Bilib din ako sayo Angelo, ang bata mo pa noong nawala ang mga magulang mo pero naging magulang kana agad sa kanila, sana pag palain ka ng panginoon, alam kong hindi ka nya pababayaan."
"Naku mang Fernand kain na po, lalamigin yang pagkain at saka masaya na po ako sa katayuan ko ngayon, basta kasama ko ang mga kapatid ko masayang-masaya na ako."
Hindi na kami umimik pa, nagkain nalang kami at ag kuwentuhan ng kung ano-anong pwedeng pampalipas oras gaya ng nangyayari sa trabaho nya at mga hilig nya sa basketball. Ako ay tagahanga din ng larong basketball kaya nga nasasabayan ko sya sa kahit anong usapan tungkol sa laro.
"Grabe busog na busog ako, ang sarap mo talagang magluto. Gawin kaya kitang katulong dito."
Bigla naman akong ngumiti, kung magiging totoo man ito tiyak na hindi ko iisipin araw-araw ang mga gagastusin ko sa bahay. Hindi ko narin kailangan maghanap o maglipat-lipat ng trabaho. Yun ay kung papayag si aleng Sonya.
Matapos kung hugasan ang pinag-kainan dumiretso na ako sa paglalaba ng mga damit. Umalis narin si mang Fernand. Hindi naman ganon ka dami ang mga nilabhan ko, mga dalawang salang lang sa washing machine. Sinampay ko ang mga damit sa likod ng bahay, at nang matapos napag-desiyunan kung magduyan muna. May duyan kasi sa bakuran nila sa pagitan ng dalawang puno ng rambutan. Umidlip ako ng kaunti at pinagiisipan ang mga gagawin ko bukas.
Tiyak na mamaya ay hawak ko na ang apat na daang peso. Iipunin ko ito hanggang sa makabili ako ng mga kailanganin ni Cion at Princess sa paaralan. Kailangan ko talaga ng mas malaking pera, dahil sapatos palang ni Cion kulang pa tong sweldo ko ngayon. Saan kaya ako makakahanap ng mabilisang pera?
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na hangin, namalayan kong hapon na pala. Mabilis kong tiningnan ang mga sinampay ko, tuyo na ang karamihan. Naabutan ko si mang Fernand sa loob ng bahay, sa may sala kasama ang mga kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Prey (On-hold)
FantasyIsang bangungot na humubog ng kanyang bagong pagkatao. Kaya parin ba nyang maging matatag sa minamahal?