Kabanata 04

791 27 4
                                    

Parang babae akong nagaasikaso sa kanila huli na ng malaman nilng hindi ako sumasabay sa kanilang pagkain. Agad akong niyaya ni mang Arnell na sumabay, ngumiti ako at pumuwesto sa pinaka-dulo at doon ko sila sinabayan sa tanghalian. Para sa akin isang simpleng tinolang manok lang ang niluto ko, pero kung sa kanila todo puri nila sa isang simpleng tinola. Habang nag tatanghalian panay parin kuwento nila sa kung anong gagawin pagkatapos nitong tanghalian.

"Doon muna tayo sa kuweba, siguradong nakain na ng patibong ang dumadaan doon."

"Mainam yang sinasabi mo, meron tayong kinabit doon na limang patibong baka may huli na doon."

Napag alaman ko na ang patibong na inilagay nila doon ay matagal nang naroroon, nasa dalawang linggo na iyon at saktong oras lang ang pagbalik nila upang kamustahin kung may nahuli ba o wala. Kadalasan daw may huli ang mga ito at sa pagkakataong ito natitiyak nilang may huli nga.

"Ikaw Angelo sasama ka ba sa amin?" Tanong ni mang Fernand.

Nagisip ako pero naalala kong ako pala ang magluluto ng hapunan mamaya. "Baka gabihn po kayo, diba po magluluto pa ako ng hapunan."

"Ay oo nga pala, hindi bale ayos lang. Ipagluluto mo nalang kami ng adobo at damihan mo na may dala kasi kaming alak advance birthday celeration nitong kapatid ko."

"Sige po, dadamihan ko po. May iba pa po ba kayong nais kong lutuin?"

Biglang sumabat si mang Arnold. "Dahil pa-advance birthday ko ito pwede bang mag lechon ka ng isang manok?"

"Sige po, kumpleto naman ang nadala nyong rekados eh. Kaya ko po iyong lutuin. Anong oras ba kayo makakabalik?"

"Mga alas-kuwatro, madali lang naman kami doon at ayaw ka naming iwan dito baka kung anong hayop ang umatake sayo, may mga ligaw na hayop pa naman dito." Panakot ni mang Vincent.

"Hindi ako natatakot sa mga halimaw mang Vincent mas nakakatakot kung totoong tao ang aatake sa akin." Nagsitawanan na lang kaming lahat at tinapos ang aming tanghalian.

Agad akong naglinis ng kusina, naghanda ng uling upang simulan ang pag-lechon ng manok. Mabuti at malinis na ang mga ito bago pa nila dinala dito. Marami silang dinalang manok, mga walong peraso at nasabi din nila na maraming ligaw na manok sa paligid at iyon ang isusunod kong lulutuin pag naubos na tong dala naming mga manok. Inihanda ko narin ang ipang-marinate sa iniihaw na manok ganon din ang suace na pagsawsawan mamaya. Sa adobo naman ay walang kahirap-hirap. Nagpaalam silang lahat na lalakad na sa kanilang pupuntahan, ako naman ay inubos ang apat na oras sa pagluluto ng masarap na purtahe. Dumating ang alas-kuwatro pero wala padin sila, nasa hapag kainan na ang mga ini-luto ko, sila na lang ang kulang. Isinama ko narin pala ang alak na naka-tago sa bag na dali ni mang Bernard.

Ibang-iba ang oras diito sa bukid, alas-kuwatro palang parang alas-singko na ng hapon. Kulay kahel na ang sika ng araw na tinatabunan ng nagtataasang bukid. May mga naririnig na akong ingay na nagmumula sa mga hindi ko kilalang hayop sa loob ng gubat. Aaminin ko nakakatakot ang tunog na nililikha nito. Umihip din ang malamig na hangin sa katawan ko dahilan upang pumasok ako sa loob ng bahay at doon naghintay sa kanila.

Isang oras pa ang lumipas, wala parin akong naririnig na paparating na sila. Sumilip-silip ako sa labas, nag-sindi ako ng lampara para mailawan ang loob ng kubo naglagay din ako ng isa sa labas para kung may ilaw na nagliliwanag sa daan. Habang ako ay naglalagay ng lampara sa labas ng kubo, may isang anino ng kung nong malaking tao ang nakita ko sa di-kalayuan. Nagulat man pero hindi ako naniniwalang isang halimaw ito na sinasabi nila. Pumasok ako ng kubo at kinuha ang dalang flashlight na naisama ko sa bag saka muling binalikan ang aninong iyon, ngunit ng mailawan ko sa kung saan ko sya nakita wala na doon. Naka-tatak sa isipan ko ang maliwang na mata nito, na parang nanlilisik na naka-tingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prey (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon