Kabanata 03

537 14 0
                                    

Maaga akong nagising, gaya ng hiling ng aking kapatid nagluto ako ng uulain nila buong araw, mabilisan akong bumili ng mnok sa kalapit na tindahan at agad itong niluto. Adobong manok at pritong manok ang niluto ko. Walang pasok ang mga bata kaya siguradong ubos agad ito bago pa ang hapunan kaya niramihan ko na.

Nang magising ang aking mga kapatid agad ko silang pinakain ng almusal, tuwang-tuwa sila dahil madami ang niluto ko.

"Huwag kayong pasaway kay aleng Sonya habang wala pa ako, huwag nyo syag bigyan ng sait sa ulo."

"Opo kuya." Sabay na tugon ng dalawa.

"Pagkatapos kumain ihahatid ko kayo doon, ibalot ko nalang ang niluto ko para makain nyo doon, pati narin ang mga damit na susuotin nyo. Sa lunes yayain nyo si aleng Sonya na kunin ang mga uniform nyo nalabhan ko na yan noong huwebes." Mabuti na lang at P.E. day nila kahapon.

Alas-syete na ng kami ay tumungo sa bahay nila aleng Sonya, parang sirang-plaka akong paulit-ulit na sinasabihan sila na huwag lumabas, huwag pasaway at Laging magingat. dala ko narin ang nagiisang bag ko na may lamang damit sasakto sa limang araw na pananatili namin sa gubat, dalawang pares lang ang kailangan dahil lalabhan agad kapag naihubad pero ang dinala ko at tatlong pares para kapag basa ang lahat may papalit parin ako.

Kanina pa pala silanagtitipon-tipon sa bahay nila mang Fernand, sumama din pala sa grupo ang tricycle driver nasi mang Arnell, ang kapatid nya ang magpapalit sa kanya sa pamamaneho para may maghatid sa mga batang suki nya. Bali anim kaming mangangaso, ako ay baguhan kaya wala pa akong alam sa pwedeng mangyari sa gubat. Nagtiwala na lang ako sa kanila, alam kong hindi nila ako pababayaan.

"O sya aalis na kami." Paalam ni mang Fernand sa asawa. Ganon din ang aking ginawa sa aking mga kapatid at dumiretso na kami sa daang aming lalagbayin ng dalawang oras.

Habang tumatagal lalong napapa-suong kami sa kailaliman ng gubat, medyo mahirap lakarin ang daan at nakakapagod sa tulad kong baguhan pero wala sa pagiisip ko ang sumuko dahil alam kong mabuti ang kahihinatnan nito.

Hindi tulad ko lahat sila ay may dala-dalang malalaing bag, ang lamn ay syang magbubuhay sa amin sa gubat sa loob ng limang araw. Hindi nila ako pinaagang mag-buhat ng mabigat gaya ng sa kanila dahil daw baka hindi pa kami nangangalahati sa pag lakad ay malumpo na ang mga pandak kong binti. May dala din silang mahahabang baril, lubid at kung ano pang gamit sa paghuli ng baboy ramo.

Nakasunod lang ako sa naunang apat at sa likod ko naman si mang Vincent. Nakikinig  lang ako sa usapan nila tungkol sa baboy-ramo, kung gaano ito kailap at kabangis ong lumaban pabalik kaya todo paalala sila sa akin na magingat at hindi lalayo sa tabi ng isa.

"Kung nabubuhay lang yung papa mo sya ang pinaka-malakas manghuki ng baboy ramo kaysa sa aming lima, sobrang galing nya at kapag kasama namin sya parang ang swerte dahil hindi bababasa lima ang huli namin. Kaya nga sobrang pasasalamat namin sa kanya dahil kung hindi sa kanya malamang wala kaming bahay na masisilungan, itong trabaho na lang ang mangaangat ng buhay natin kaya kahit anong bawal ay ginawa padin." Pag ku-kuwento ni mang Arnell, nasa unahan ko sya.

"Mabuti naman po hindi po kayo nahuhuli." Wika ko.

"Tamang ingat lang, at saka hindi naman kami mahuhuli dahil ang isang masuking taga-bili ng karne ay mismong chief police nitong bayan. Malakas tayo sa kanya kaya habang nandyan sya wala tayong ipag-alala." Tugon naman ng kapatid nasi mang Arnold.

Nagpatuloy ang kuwento ng magkakaibigan, madami akong natutunan sa mga kuwento nila tulad ng kung paano sila nagkakilala, noong panahon pa ng kanilang pagka-binata at kalukohan na kanilang pinag-gagawa. Hind din nakawala ang mga kuwentong kalibugan nila, tulad ng minsang may binili silang babae at pinagsaluhan nila. Hindi ko maiwasan na hindi makinig dahil ang lalakas nilang magsalita at parang biro lang sa kanila ang ganitong mga usapin kahit na nandito ako kasama nila.

Prey (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon