Tricky Unknown Feelings

226 12 4
                                    

Ito muna ang pagtiyagaan niyong basahin guys.. Wait nyo na lang yung update ko sa Dream of You ha? Thanks for reading the story.. Nawa'y masiyahan rin kayo sa one shot story na ito..

Have fun in reading!

***

Pag nagmahal ka...

asahan mo nang masasaktan ka.

Package na yun eh..

Hindi naman kasi lahat ng nagmamahal, mahal rin ng minamahal nila. One sided love kumbaga.. Maswerte ka na lang kung mahal ka nung taong mahal mo..

Meron namang ibang nagmamahalan... hindi lang talaga umayon ang panahon sa kanila kaya kinakailanganin nilang maghiwalay at harapin ang mga bagong pagsubok na haharapin nila nang mag-isa..

Pero hindi naman lahat ng tao ganun ang kinahihinatnan..

Sadyang iba lang talaga yung taong nakatadhana para saiyo.. Kumbaga sila lang yung bumuo ng pagkatao mo.. Para kapag dumating na yung oras para sa kwento niyo ng taong nakatadhana sayo, handang handa ka na para harapin ang kahit anong bagyong hahadlang sa pagmamahalan niyo..

Ang sarap isipin diba?

Sana ako din...

Sana mahal din ako ng taong mahal ko..

Kahit na parang imposible... pero masama bang humiling na sana naiisip niya rin ako sa mga panahong ito? Na sana... pinapangarap niya rin ako?

Hindi naman masamang umasa diba? As long as nasa tama pa din naman.. pero kasi.... ewan. Mahal ko kasi eh..

Kaya heto ako ngayon.. nakaupo sa aking upuan habang palihim na sumusulyap sulyap sa lalaking kinahuhumalingan ko. Si Gian. Nagsimula akong nagkagusto sa kanya nung nagkatext kami nun. Ako kasi yung taong mahilig mang-trip. Trip para sakin ay pagsasabi ng kung ano anong mga pa-tweetums na salita. Sweet kumbaga. Kaya ayun, simula ng magkatext kami dun na din nagsimula na pinagtitripan ko sya gamit ang mga matatamis kong mga banat at salita. Wala ko magawa eh..

Hanggang sa di naglaon ay nagkunwakunwarian kami na 'kami' pero sa text lang naman. Trip eh. Tapos dun ko na napagtanto na nagsisimula na akong magka-crush sa kanya. Well, wala namang masama diba? Crush lang naman eh..

Pag nasa school naman kami, nag-aasaran lang kami. Gaya nito...

"GUYS ALAM NIYO BA???" sigaw nitong si Gian. I wonder kung ano na naman pakulo neto at may pasigaw sigaw effect pa syang nalalaman dyan ah..

"Hindi namin alam." sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Buti nga sayo! Hahahaha! Binelatan ko siya nung nahagip ako ng mga mata niya. At aba!! Nginisihan lang ako?!

"Alam niyo bang..." nag-pause siya ng konti at ngumiti sakin ng may kasamang pang-aasar.. "CRUSH AKO NI KYLA??" namula naman ako ng konti dun pero nakabawi naman ako agad.

"Nako guys. Alam niyo namang PATAY NA PATAY SAKIN yan no!" tapos kinindatan ko siya. Ngumiti na naman siya. Aba?! Ayaw talaga patalo nitong unggoy na 'to ah.

"Wag mo ngang ipasa sakin yang pagka-INLOVE mo SAKIN Kyla. Hindi naman kita iiwasan eh. Alam ko na kasi yan matagal na." sabay kindat rin niya sakin. Argh! Unggoy talaga kahit kelan! Uhhhhh? Wala akong maisip na ipangtapat!

"Natahimik ka dyan? Sinasabi ko na nga ba mahal mo na ako eh." pagkasabi niya nun ay ginulo niya yung buhok ko making my heart beat faster than before. What's this? Di ko pala napansin na tumabi na pala siya sa inuupuan ko..

"FEELINGERO! Wag ka ngang nagfi-feeling masyado diyan. Di naman totoo eh. Ikaw lang nag-aassume nun." pag-dedeny ko.. Ayaw ko nang ganito. Sasabog na ata puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. AAAARRRRGGGGGHHHHH!!!!

Tricky Unknown FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon