"Magpagaling ka," bilin sa 'kin ni August na kasama si Alania bago sila umalis dahil mayroon pa raw silang aasikasuhin.August only came to apologize. He told me about how he took advantage of my father's manipulation.
Naiwan ako sa loob ng kwarto kasama si Xyra.
"I'm so glad you're finally awake," sabi ni Xyra. Napangiti na lamang ako.
Hindi ako makapaniwala nang sabihin nila sa 'kin kanina na mag-iisang buwan na 'kong walang malay. Naniwala lang ako nang makita ang mga sugat ko na natutuyo na dahil sa katagalan.
Nasa hindi pamilyar na kwarto kami. Ayaw nilang sabihin sa 'kin kung saan ito eksakto. Ang palaging sinasabi nila ay 'wag na raw ako puro tanong.
"Where's Kiersan, by the way?" Tanong ko sa kanila. Bigla niyang nag-iwas ng tingin sa akin. Hindi siya kumibo kaya kinabahan ako.
"Where's Kiersan?" Pag-uulit ko sa katanungan ko.
"Z-Zinnia..." napakagat siya sa kaniyang ibabang labi, "Si Kiersan... H-He died from the war."
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. "A-Ano?"
Hinawakan niya ang kamay ko, "I'm so sorry, Zinnia."
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko, "W-Why? Anong nangyari?" Hindi makapaniwala kong tanong. Sobrang nanikip ang dibdib ko sa narinig.
I can't lose him...
"He saved you," Xyra said. Ang mga mata niya ay puno ng awa na nakatingin sa akin. Nagsimulang kumawala ang hikbi at hagulgol sa aking bibig.
My eyes blurred with tears.
"It's okay, Zinnia... Ang maha—" Xyra was cut off nang biglang tumunog ang pinto dahil may pumasok dito. Agad akong napatingin sa pumasok. Pinunasan ko ang aking luha ang mabawasan ang panlalabo ng aking mga mata.
"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Kiersan. I cried even harder when I saw him.
Nagsimulang humalakhak nang malakas si Xyra. Hindi ko mapigilan ang sarili na hampasin siya ng unan nang malakas habang lumuluha pa rin.
Lumapit papalapit sa akin si Kiersan na may hawak na bulaklak. Nang malapit na siya sa 'kin, agad ko siyang niyakap at patuloy na umiyak na parang bata.
Nilapag ni Kiersan ang boquet sa tabi ko at niyakap ako pabalik.
"W-Why? What happened?" Nag-aalala pa rin niyang tanong.
"X-Xyra told me you were dead," hirap na hirap akong magsalita dahil sa paghagulgol.
Bumalik siya ng tingin kay Xyra at sinamaan ito ng tingin. Dala ng takot kay Kiersan, tumigil si Xyra sa pagtawa at awkward na ngumiti bago lumabas ng kwarto.
Umupo si Kiersan sa tabi ko. Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at hinayaan ang sarili na lumuha nang lumuha.
"I'm here, Zinnia... Ako nga 'tong dapat mag-alala sa 'yo," he said calmly. He started caressing my head which made me calm a little.
"Sobrang saya ko na maayos na ang lagay mo."
He planted a soft kiss on my lips. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.
"'Wag ka na umiyak. Nandito lang ako, okay?" He said and kissed my forehead.
He told me about everything that happened. Mula sa malawakang sunog na nagpatigil sa mga Shaillus sa pag-atake, sa sagutan nila ng mga magulang ko, hanggang sa kagustuhan ng mga magulang niya na pagkatiwalaan ako kahit kaunti. Lahat 'yon ay lubusang nagpagulat sa akin.
BINABASA MO ANG
The Flower's Wilted Past | Completed
FantasyWith her memories twisted by an enemy, Hilaria lived a great life as a florist in her adoptive mother's flower shop. However, one night, a stranger approached her and told her that her life from birth up to 3 years ago was different from the ordinar...