Nagising ako na umiiyak dahil may napanaginipan ako na babae na namatayan ng pinakamamahal niya. At sa panaginip kong iyon ay parang ako iyong babae na namatayan pero nagtataka lang ako kasi magandang babae iyong nasa panaginip ko at iyong namatay. Hindi ako pwedeng magkamali kamukha-kamukha iyon ni Arci.
Pumasok ako sa school na nasa isip ko pa din iyong napanaginipan ko. Iniisip ko kung ano ang kinalaman noon sa amin ni Arci. Posible kaya na reincarnation kami nina Louzia at Adrianne? Si Adrianne na walang duda na kamukha-kamukha talaga ni Arci pero iyong si Louzia parang napakalayo naman yata ng mukha niya sa akin.
Lunch break. Nakasunod ako kay Arci. Nagtataka ako kung bakit sa rooftop ito papunta at hindi sa canteen.
"Lumabas ka na dyan! Alam ko na sinusundan mo ako!"
Nakatalikod ito ng sabihin nito iyon. Lumabas na nga ako mula sa pinagtataguan ko at lumapit ako dito.
"Bakit hindi ka nakain?" Tanong ko.
"Hindi ako nagugutom at may iniisip pati ako."
Nakatingin lang ito sa kawalan. Ako naman ay nakatitig sa magandang side view nito. Napakakinis ng mukha nito ni Arci parang hindi kilala ang mga tagyawat at mga blackheads.
"Sa tingin mo ba posible or totoo ang reincarnation?"
Maya-maya ay tanong nito sa akin. Sa kawalan pa din ito nakatingin. Sabagay ako man siguro ito ay hindi ko magagawang tumitig sa mukha ko dahil hindi naman talaga kaaya-aya ang view, e.
"Siguro. Maniniwala ka ba na iyan din ang laman ng isip ko mula pa kaninang pag gising ko. May napanaginipan kasi akong dalawang tao, e. Actually ilang beses ko na silang napanaginipan."
Bigla ang harap nito sa akin atsaka tumitig sa mukha ko, partikular sa mga mata ko. Na conscious naman ako kaya inayos ko ang salamin ko dahil bigla iyong bumaba dahil sa paglalangis ng ilong ko.
"Don't tell na ang dalawang tao sa panaginip mo ay sina Adrianne at Louzia?"
"Ha? Paano mo nalaman?" Takang tanong ko dahil hindi ko naman pa nasasabi sa kanya ang pangalan ng mga tao sa panaginip ko.
"Dahil sila din ang nasa panaginip ko. Ilang beses na... I don't think masasabi ko na love story ang kwento nila. Pero naniniwala ako na mayroon talagang naudlot sa pagitan nila sa pagkamatay niyong si Adrianne."
"Sa panaginip mo ba kamukha mo si Adrianne?" Paninigurado ko.
Tumango ito.
"At iniisip mo na baka ikaw ang reincarnation niya?"
"Parang... Ewan... Siguro."
"Paano kung ikaw nga pala talaga siya. Balak mo bang hanapin si Louzia para ituloy ang naudlot na "love story nila".
"I don't know!"
Magsasalita pa sana ako ng marinig ko na ang tunog ng bell para sa high school department na nagiging signal ko din na mag iistart na ang next class ko.
Tumalikod na ako kay Arci at nauna na akong umalis. Nasa may hagdan na ako ng may mga studyante na humahangos paakyat. Nasagi ako ng mga ito pero bago pa ako matumba ay may humawak na sa balikat at bewang ko kaya sa katawan nito ako napasandal.
Nang wala na ang mga nagtatakbuhan ay marahan ko ng nilingon ang nasa likod ko. Bale leeg at ulo ko lang ang ipinaling ko dito. Ang seryoso at magandang mukha ni Arci ang nalingunan ko. Napangiti tuloy ako pero agad ding nawala ang ngiti ko ng itulak na ako nito palayo sa katawan nito.
"Ang pangit mo!" Sabi pa nito bago tuluyan ng umalis at iniwan ako na nakakapit sa pader.
Napasapo ako sa dibdib ko dahil kahurt naman talaga ang sinabi nito. Pero maya-maya din naman ay humulma na ulit ang malapad na ngiti sa labi ko sa pagkaalala ko sa pagsalo nito sa akin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa bewang at balikat ko na kanina ay ito ang may hawak at biglang nangisay ang katawan ko sa kilig.
Natigil lang ako ng makarinig ako ng tawa mula sa itaas. Nang silipin ko iyon ay may mga studyante na nakatingin sa akin.
"Pisti, Miss! Ang pangit mo na nga! Ang pangit mo pa ding kiligin! Para kang may epilepsy na may sapi na hindi ko maintindihan!" Ang sabi ng isang lalaki at saka nakipaghagalpakan ito ng tawa sa dalawa pang kasama.
"Tse! Inggit ka lang. Wala ka kasing love life!" Sabi ko dito saka nag mamartsa na akong umalis.
Narinig ko pa ang sinabi nito na 'di bale ng walang love life, gwapo naman ako, di gaya mong pangit!'
Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na ako sa pagpunta sa next class ko. Na late ako kaya napagsabihan pa tuloy ako ng Prof. ko dahil na interrupt ko ang discussions niya. Pinagtawanan din ako ng mga kaklase ko at pati si Arci ay nagtatawa din. Naupo na lang ako sa upuan ko ng tamihik.
"Saan ka ba kasi galing? Hinahanap kita kanina pa pero di kita makita." Mahinang tanong at sabi sa akin ni Jelai.
"Dyan lang sa tabi tabi."
"Ewan ko sayo! O iyan kainin mo! Alam ko di ka pa kumakain!" Ipinatong nito sa may binti ko ang isang plastik na may lamang sandwich at saka plus apple.
Malapad ang ngiti na nagpasalamat ako dito sa bestfriend ko.
"Kamalasmalasan, late ka na nga pakikipagdaldalan pa kay Patcheco ang inaatupag mo! Makinig ka ng may maintindihan ka naman sa subject ko!"
"Sorry po, Mam!"
Inirapan lang ako nito saka nagtuloy na ulit sa pag de discuss.
Inirapan ko din ito ng nakatalikod na, dahil last year ay Prof. ko din ito at sadya na mainit ang dugo nito sa akin. Nahiling ko nga na sana ay buntis na lang ito para maging kamukha ko ang anak niya. 😂😂😂
.
.
.Pasimpleng pinagmamasdan ko si Lucky mula sa kinauupuan ko. Hindi kasi talaga mawala sa isip ko iyong napapanaginipan ko. Tapos nalaman ko pa na napapanaginipan din pala nito iyon. Hindi kaya ito nga ang reincarnation ni Louzia?. Iyong Mangkukulam nga lang na version? Or baka naman parusa ito dito dahil sa pambabalewala ni Louzia noon kay Adrianne? Pero hindi ba parang mas parusa iyon sa akin kung sakali na ako nga ang reincarnation ni Adrianne?
Paano ko naman kasi tititigan ang mukha ni Lucky ng hindi ako natatawa o natatakot? Hindi naman po sa pamumula, pero ang PANGIT niya talaga, eh! Naalala ko nga kanina iyong eksena ng alalayan ko ito para hindi matumba. Nang lingunin ako nito ay hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na hindi ko ito itulak. Sa halip kasi na pang romantic scene iyon ay naging horror dahil kinilabutan talaga ako ng lingunin ako nito. Hays!
BINABASA MO ANG
ugly and the bitch
FanfictionIpinangako ni Lucky sa kanyang sarili na hindi siya tutulad sa mga magulang niya. Pero paano kung ang naibigan niya ay isa ding babae tapos allergic naman sa kagaya niyang pangit. Paano na? Lookkaew as Lucky Kamalasmalasan Anda as Arci Yu