Chapter 6

37 4 0
                                    

"Legit! Nababaliw ka na nga!" Sabi ko saka tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito habang pinupunasan ang nabasang mukha, mula sa juice na naibuga ko.

"Uuwi na ako at please lang wag mo na akong ihatid!"

"Pero hindi mo pa sinasagot ang Proposal ko!"

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na ako sa pag-alis ko.

.​
.

Pagbaba ko ng tricycle ay sinalubong ako ni Ison.

"Hi, Lucky." Parang nahihiyang bati nito sa akin.

Nagtataka ko lang naman itong tinangnan saka naglakad ako papasok sa looban. Sumunod ito sa akin pero hindi ko pinapansin.

"Lucky, pwede ba kitang dalawin sa inyo?"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko ito. Mukha naman itong hindi lasing dahil wala akong naaamoy na alak dito. Para pa nga itong naligo sa pabango e.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Oo naman, bakit?"

"Naririnig mo ba ang tinatanong mo sa akin? Aware ka ba sa sinasabi mo?"

"Oo! Nagpapaalam ako sayo na manliligaw ako."

Bigla akong napatawa sa sinabi nito.

"Ison, magparehab ka na! Parang luto na sa alak iyang utak mo!"

"Pero Lucky, seryoso talaga ako."

"Nakikita mo ba ang itsura ko? Ang itsura ko na lagi ninyong nilalait at pinagtatawanan na magbabarkada!"

"Lucky, pasensya ka na sa amin, sa akin. Pero kaya din lang naman kita laging niloloko ay para mapansin mo ako."

"Ison, prank ba to? O baka naman pinagpupustahan ninyo lang ako! Ano bang premyo ang makukuha mo kung sakali at dodoblehin ko na lang. Tantanan mo lang ako!" Seryoso at may pagkamasungit kong sabi atsaka tuluyan ko na itong tinalikuran.

Mabuti at hindi naman na nito ako sinundan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mundo dahil ngayong araw na ito dalawa sa mga masugid kong manlalait ang nagtapat sa akin. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko akalain na hindi lang pala ang magaganda ang may karapatan na mamublema, pati mga pangit din pala.

Pagkakain namin ng hapunan ay matutulog na sana ako pero muli akong tinawag nina Mama dahil may bisita daw ako. Nagtataka man ay lumabas na nga ako.

Lalong sumama ang mukha ko ng makita ko na nakaupo at sabay pang tumayo si Arci at Ison pagkakita sa akin. Parehong may hawak na bulaklak ang mga ito atsaka may dala ding iba pang mga regalo.

"Good evening to you, Lucky! This is for you!"  - Arci.

"Magandang gabi sayo, Lucky! Para sayo nga pala ito!" - Ison.

Sabay na sabi at abot sa akin ng mga dala nila. Wala naman akong kinuha sa mga iyon.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Sa halip ay tanong ko.

"Nanliligaw!" Sabay na naman na sagot ng mga ito. Nagtinginan pa ang mga ito. Parehong masama ang tingin sa isa't isa.

"Mabuti pa ay umuwi na kayong pareho! Dahil hindi naman ako nagpapaligaw! Atsaka kilala ko kayong dalawa. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na wala kayong maaasahan sa akin."

"Anak ano ba naman iyan!" Saway sakin ni Tatay. Palapit ito sa dalawa at may dalang juice para sa mga ito. "Magpalamig muna kayong dalawa at wag ninyong pakadamdamin ang sinabi nitong anak ko. Nabigla lang iyan dahil ngayon lamang may umakyat ng ligaw dito sa amin." Ngiting-ngiti ito sa dalawa nina Arci at Ison.

"Tatay!" Saway ko sa pagbibigay ng TMI nito.

"Totoo naman iyon, Anak! Pakiharapan mo sila ng ayos, ha! Kung ayaw mong makurot ka namin sa singit!" Mahinang sabi sa akin ni Tatay ng dumaan ito sa gilid ko. Itininulak pa ako nito at iniupo sa gitna nina Arci at Ison.

"Maiwan ko na muna kayo Iho at Iha, ha. Ikaw na ang bahala sa kanila Lucky!" At umalis na nga ito at iniwan kami, pero alam ko na nakasilip lang at nakikinig pa rin ito kasama ang iba ko pang mga magulang.

Tahimik lang kaming tatlo at nagpapakiramdaman pero mayat maya ko namang nahuhuli ang dalawang ito na sumusulyap sa akin.

"Ano ba talaga ang trip ninyong dalawa? Bakit ninyo ba ginagawa sa akin ito?" Na iistress ko ng tanong.

"Mahal na kita, Lucky!" Sagot sa akin ni Ison.

"I already told you why!" Sagot naman ni Arci.

"Okay fine! Yung reason mo Arci naiintindihan ko, pero I'm sorry, hindi kita matutulungan! At ikaw naman Ison. Kung sa palagay mo ay maniniwala at mahuhulog ako dyan sa sinasabi mo. Pasensya na din pero hindi naman ako kahapon lang pinanganak. Kaya makakaalis na kayong dalawa at pakidala na lang ulit niyang mga bitbit ninyo dahil hindi ko matatanggap iyan." Wala na ngang nagawa ang mga ito kundi ang tumayo na. Inihatid ko pa ang mga ito sa pinto. " Salamat na lang at goodnight sa inyo!" Panghuling sabi ko, bago ko isinara ang pinto.

Napasandal pa ako doon sa sinarado kong pinto dahil para akong naubusan ng enerhiya sa pagharap sa dalawang iyon.

"Bakit naman pinaalis mo na sila?" Tanong sa akin ni Mama. Kasabay nitong lumabas ng kwarto ang iba ko pang mga magulang.

"Anak, dalaga ka ng talaga!" - Tatay.

"It's not what you think po!"

"Pero kahit naman sino ang piliin mo sa kanila ay makakaasa ka na wala kang magiging problema sa amin." - Papa.

"Goodnight na po!" Sabi ko na lang saka isa isa kong hinalikan sa pisngi ang mga ito bago ako tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

Pagkahiga ko sa kama ko ay naisip ko si Arci. Hindi ko akalain na magagawa ko itong tanggihan. Akala ko dati pansinin lang ako nito ay aapaw na talaga ang kaligayahan ko. Pero bakit ngayon na nag o offer pa nga ito na jojowain ako, bakit hindi ako makaramdam ng saya. Nakatulog ako na si Arci pa din ang laman ng isipan ko.

.
.
.​

"Adrianne,​ bumalik ka lang ulit sa akin. Ipinapangako ko na hindi na ako mag-aaksaya ng panahon. Aaminin ko ng mahal din kita. Hindi na kita babalewalain. Pakiusap bumalik ka na sa akin, Adrianne... Adrianne!"

Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip lang pala iyon, pero ng kapain ko ang pisngi ko ay basa iyon. Hindi ng laway, kundi ng luha.

"Buti naman at gising ka na. Maligo ka na at tanghali na!" Sabi sa akin ni Tatay na kapapasok lang ng kwarto ko. Marahil ay para gisingin ako.

"Anong nangyari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin ng mapatingin ito sa mukha.

"Hindi po. Sige po, Tatay maliligo na po ako."

.
.
.

Pagpasok ko sa school ay iniisip ko pa din iyong napanaginipan ko, kaya naman hindi ko napansin ang taong nakatayo sa daraanan ko. Bumangga tuloy ako sa katawan nito at sa lakas ng impact niyon ay nawalan ako ng balanse. Buti at nasalo ako ng nabangga ko. Napatingin ako dito at ang una kong napansin ay ang malaking eye bags nito.

"Dapat mo na talaga akong sagutin para laging may magliligtas sayo."

Umayos na ako ng tayo ko.

"Tigilan mo nga ako, Arci. Kung hindi ko sana alam ang makasarili mong rason, baka maniwala pa ako sayo na nagmamalasakit ka talaga sa akin."

"Hindi ka ba natutuwa na honest ako sayo?"

"Thankful naman ako sa pagiging honest mo, pero hindi ko lang talaga kaya na basta na lang makipagrelasyon na hindi naman pag ibig ang dahilan." Iniwan ko na ito at pumasok na ako sa room namin.

ugly and the bitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon