Chapter 5

25 3 0
                                    

Napasali ako sa mga studyante na nakikiusyoso sa dumating na naka bigbike. Maporma nga naman iyong rider at nang tanggalin na niyon ang suot na helmet ay mayroon talagang mga napasinghap at kinikilig na nagtilian. Paano nga naman ay si Arci Yu lang naman na crush ng marami iyon. At hindi ko naman itinatanggi na isa ako sa maraming may crush dito kaso lang mula ng nakawin nito ang first kiss ko ay parang nawalan na ako ng gana dito. Nakataas ang kilay na umalis na ako sa umpukan ng mga panatiko ni Arci. Pumasok na ako sa room at tahimik na naupo na ako sa upuan ko.

"Himala! Anong gamot ang nainom mo at naging immune ka na yata sa charm ng sabi mo ay ang love of my life mo?" Takang tanong sa akin ni Jelai. Ito kasi ang buhay na saksi kung gaano ako kahibang talaga kay Arci.

Hindi ko na pinansin ang patutsada nito bagkus ay nanghiram nalang ako ng assignment dito para icheck iyong gawa ko.

.
.

Natapos ang maghapon ko sa school na wala namang espesyal na nangyari. Nasa labas na ako ng gate at nag aabang ng masasakyan pauwi sa amin ng huminto sa harap ko ang big bike na kaninang umaga lang ay tinitingnan ko. Hinubad ni Arci ang helmet niya in a model way pati nga pag aayos nito ng buhok ay akala mo laging nasa shoot ng shampoo commercial. Pinatong nito sa isang binti ang helmet atsaka bumaling at ngumiti sa akin.

"Sakay ka na, Lucky. Ihahatid kita sa inyo para mapag usapan din natin ang favor na hihingin ko sayo."

Madaming studyante sa paligid ang nagulat sa ginawa at sinabi ni Arci. Sari-sari ang reaksyon at bulungan na naririnig ko. May nandidiri, may naiinis, may nagtataka, pero mas marami ang naiinggit. Imaginin nyo nga naman na ang isang pangit na tulad ko ay pinagtutuunan ng atensyon ng isang Arci Yu. Aba ibang level iyon mga, Atcheng!

"Halika ka na! Don't worry I'll be careful!" Hinawakan pa nito ang kamay ko at saka hinila ng marahan.

At para hindi na kami maging center of attraction dito sa labas ng school ay sumakay na nga ako sa motor nito ni Arci. Inabutan din ako nito ng helmet at ng maisuot ko na iyon ay nagulat pa ako ng kunin nito ang dalawang kamay ko at iniyakap nito sa bewang nito.

"Kumapit ka at baka lalo kang mahulog...... sa akin!" Banat pa nito at nakangiting nilingon pa ako. Naitarak ko na lang ang mata ko sa kahanginang taglay talaga nito.

Isinuot na ulit nito ang helmet atsaka pinaandar na nga ang motor.

"Okay lang ba na kumain muna tayo? Nagugutom na kasi ako." Tanong nito ng maipark na nito sa tapat ng isang fast food chain ang motor nito.

"Saka ka talaga nagtanong kung kailan nandito na tayo." Di ko alam pero lately ay nagagawa ko ng sungitan itong si Arci. Kung hindi ko lang kilala ang sarili ko ay iisipin ko na baka buntis ako at pinaglilinhan ko na ito 😅🤭

"Para hindi ka na makatanggi."

Hayan na naman ang mga ngiti niya na bumihag sa puso ko.

"Lika na."

Hahawakan pa sana nito ang kamay ko pero pasimple kong iniiwas iyon. Pinauna ko din itong maglakad dahil pinagtitinginan kami ng maraming tao. Hindi nga naman kasi pangkaraniwan na makakakita ng beauty and a lady beast na nagdedate.

'Pero teka date na nga bang matatawag ito? Tumigil ka Lucky, kaya kayo narito ay dahil gutom lang ang kasama mo at hindi ito date! Hindi talaga!'

Sa pakikipag usap niya sa kanyang sarili ay hindi niya napansin na sarado na pala ulit ang pinto na pinasukan ni Arci. Kaya naman. 'toinks!' Madami ang nakakita at nagtawa sa kanya. Si Arci naman ay agad na binalikan siya.

"Okay ka lang ba?" Tanong nito habang tinitingnan ang noo niya.

Napatitig siya kay Arci, dahil kataka-taka na hindi siya tinatawanan nito, bagkus ay mukhang nag aalala talaga ito sa kanya.

"Okay ka lang ba? Nakikilala mo pa ba ako?"

"He he. Funny!"

Unexpectedly ay kinuha nito ang kamay ko at iniangkla sa braso nito.

"Stay by my side para hindi ka naaaksidente."

Ang sabi atsaka ngumiti na naman po siya sa akin. Binuksan na din nito ang pinto at tinanganan pa nito iyon para sigurado na hindi basta sasara. Naghanap na din ito ng bakanteng table at hinatid ako doon bago ako tinanong kung ano ang gusto kong kainin.

"Bahala ka na. Hindi pa naman ako masyadong gutom."

"Sige. Wait for me here."

Bago ito tumalikod ay kumindat at nag flying kiss pa ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga pakulo nito ni Arci pero ako ang nahihiya sa mga pinaggagagawa nito. Napasubsob nalang tuloy ako sa braso ko na nakapatong sa lamesa dahil sa mga hindi kanais-nais na tingin na ipinupukol sa akin ng mga nakakita sa ginawa ni Arci.

Pagbalik ni Arci sa table ay napakadami nitong dala at ng maihain na nito iyon ay nagsimula na itong kumain. Nagulat pa ako ng tumapat sa mukha ko ang 2 piraso ng fries.

"Ahh!" Sabi sa akin ni Arci at mas inilapit pa nito sa bibig ko ang hawak nito.

"Ano bang ginagawa mo, Arci?" Mahina pero pagigil na tanong ko. Para na kasi akong sinisilaban dito sa upuan ko dahil sa mga titig sa akin ng mga tao dito sa loob ng kainan.

"Sinusubuan kita, kaya ngumanga ka na, please." At nagpacute pa talaga ito.

"Magjowa ba sila?"

"Ang pangit naman ng syota nya! Paano niyang naaatim na titigan ang ganyang pagmumukha? Kahit gising ako para iyang bangungot, eh!"

"Gandang pogi niya para lang mapunta sa ganan kapangit na babae!"

"Baka ginayuma!"

Hindi naman ako palapatol sa mga nanlalait sa akin dati pero ewan ko kung bakit inis na inis ako ngayon sa mga naririnig kong mga kumento ng mga ususero at mga ususera!

"Bilisan mo ng kumain ng makaalis na tayo!"

"Tanggapin mo muna ito."

Pangungulit pa rin sa akin ni Arci pero sinamaan ko ito ng tingin atsaka kinuha ko sa kamay nito iyong fries na hawak nito at pabagsak ko iyong ibinalik sa lamesa.

Lumungkot ang mukha nito saglit bago kumain na nga ng sarili.

"Magkalinawan nga tayo! Ano ba itong mga pinaggagagawa mo?" Hindi ko na natiis na magtanong.

Tumingin sa akin si Arci habang sige pa din sa pagkain ng spaghetti at burger. May bahid pa nga ng sauce at mayo ang gilid ng labi nito pero nag aalangan naman akong pahidin iyon. Kaya inabutan ko na lang ito ng tissue pero may sapak na yata talaga ito sa ulo, dahil sa halip na kunin na lang nito sa akin ang tissue ay lumapit lang ito at iniaro sa akin ang amos niya. Padaskol ko na lang na pinunasan iyon para wala ng madaming arte.

"Aray ko naman! Can you be a little more gentle, baby!"

Nakakapanggigil na talaga ang kalandiang taglay nito!

"Tumigil ka na, Arci at hindi na talaga ako natutuwa dyan sa pantitrip mo!"

"Sino ba kasi ang may sabi na nantitrip lang ako? Ginagawan ko lang ng favor ang sarili ko kaya ginagawa ko ito, dahil malapit na akong mabaliw!"

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Alam mo ang tungkol sa mga panaginip ko diba!? They are becoming worst and I'm losing sleep every night. Kaya naman lumapit na ako sa mga Albularyo, Psychic, at Psychiatrist at ang resulta, I need to finish the unfinished business of Adrianne! At naniniwala akong ikaw si Louzia, dahil mula ng halikan kita ay nagkaroon ako ng kaunting peace of mind. At para magtuloy-tuloy na ito ay gusto ko sanang pumayag ka na maging girlfriend ko!"

Dahil sa panghuling sinabi nito ay naibuga ko sa mukha nito ang karamihan sa pineapple juice na iniinom ko at ang iba naman ay sumamid sa akin at tumulo pa sa ilong ko.

ugly and the bitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon