DAVE POV.Nagising ako ng 7:15 na ng umaga natapos na akong mag hilamos at mag mumog ay lumabas na ako at nasa hagdanan pa lang ako ay naaamoy ko na ang mabangong niluluto.
Flashback
Kahit puyat ako dahil kagabi ay hindi ko inaasahan na may marinig na iyak na may kasamang hikbi.
Tinungo ko kung saan nang gagaling ang iyak na iyon at hindi ko inaasahan na napatapat sa isang silid na alam ko'ng kung kanin yon... At kwarto ni Kate.
Nakita kong bukas pa ang pinto pero maliit lang ang uwang nito tinignan ko sya at nakita ko ang pag tayo nya at kinuha ang cellphone at may pinatugtog.
Habang tumutugtog ay sumasayaw ito at habang yakap yakap ang isang picture frame. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Kate ang pag kawala ni tito.
Gusto ko mang damayan sya ng mga araw na yon nung nalaman ko na nawala na si tito ay hindi ako pwedeng umuwi sa pilipinas, gusto ko mang sabihin sakanya nandito lang ako at nandito kami nila tita at mga kapatid nya.
Ilang minuto rin ang itinagal ko sa labas ng silid nya at umalis na rin ako ng ma tapos na syang umiyak at humiga na ito sa kama nya.
Isinarado ko and pinto ng kwarto nya at bumaba na ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.
And of flashback.
___
KATE POV.
Tatlong araw na ang nakalipas pero hangang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyayari nung na lasing si Dave. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya makalimutan sa aking isipan.
Nandito ako ngayon sa sementeryo at may binibisita ako na sobrang importante sa akin noon na iniwan na ako ngayon.
Bakit sa tuwing may araw na lilitaw ang katumbas nito ang gabi na wala nang makita na liwanag. Katulad nang araw ay ligaya o saya na nang bibigay ng pinaka magandang araw mo pero may katumbas ito ang gabi sabi nila ang gabi ay ang pahinga pero paano? Kung gayung ang gabi para sakin ay lungkot ang naidadala sa tuwing naaalala ko ang gabing madilim na parang wala nang araw na lilitaw.
"I miss you... Kelan ka ba babalik? Miss na miss na kita." nakaupo ako sa damuhan habang sinindihan ko ang dalawang kandila at may dinala akong bulaklak para sakanya.
"Did you miss me? I know you miss me, anak mommy miss you so much." Hindi ko napigilan ang pag patak ng aking mga luha na ngayon ay dumadaloy na saking pisngi.
Ngayon ang araw na nawala ang anak ko dahil sakanila gusto ko'ng pag higantihan sila dahil sa pag papahirap nila samin ng anak ko.
"Huwag kang mag alala anak, alam kong malapit na kitang paghigantihan, pero sa ngayon ay hindi muna ako kikilos dahil gusto ko pang mag imbistiga para kapag oras na nila akong galawin ay doon ko na sila pag hihingantihan." Sabi ko sa lapida ng anak ko at napa ngiti ako ng malawak habang ini-imagine ko na ang mangyayari sa kanila.
'Ako ang kinalaban ninyo, pasensyahan tayo dahil sisiguraduhin ko mabibigyan ko ng hustisya ang ginawa ninyo sa anak ko na walang kamuwang muwang.'
Alam ko'ng hindi na babalik pa ang anak ko dahil sakanila pinahirapan lang nila kami kaya gusto kong bigyan ng hustisya ang pag kawala nya o pag kawala ng anak ko.
"Anak, aalis na ng pala si mommy sa susunod na araw kaya ako pumunta sayo para makapag paalam na dahil aalis na ulit ako, sana kapag umalis na ang mommy ay gabayan mo ko ah, mahal na mahal kita anak." Pinunasan ko ang lapida dahil umaambon na.
Wala pa naman akong dalang payong...
"Aalis na ako ang mommy anak ah, bago ako umalis sa susunod na araw ay pupunta muna ako dito para dalawin ka muli. I love you, anak." Pag katapos kong mag salita ay tumayo na ako dahil dumidilim na at lumalakas na ang pag patak ng ulan.
YOU ARE READING
My engineer, is back
RomanceSa loob ng anim na taon na hindi pa rin makalimutan ni Kate love Del Valle ang panlolokong ginawa sakanya ni Dave Reyes Connor, grade 11 student at ang boyfriend nya ay 3th year college student na, isang engineering student ang course ng boyfriend n...