23

129 1 0
                                    

"Architect!" Kumaway ako sa lalaking kabababa lang ng sasakyan.

Agad na nabuo ang ngiti sa labi niya at nakipagbeso sa akin. "Congrats, Doc. Ang layo na ng narating mo, 'no? Tapos kasama pa talaga kami ni Kian ngayon."

"Doc, good morning po." Pagbati ni Kian na kararating lang din.

"Good morning, Engineer. Kumain na ba kayo? Mag breakfast muna tayo sa lugawan malapit dito." Pag-aya ko.

Sabay-sabay kaming tatlo na nag-almusal ng lugaw. Nung una ay ayaw pa nga nila, medyo nahihiya pa. Sakto naman at hindi pa ako kumakain, sinabay ko na lang sila para rin may kasama ako.

"Patapos na lahat, Doc. Excited na kami sa opening." Panimula ni Finn. "Sa'yo ko na lang ipapagamot 'yung aso ko. Lagi kasing kumakaldag sa binti ko."

Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya. "Walang sakit aso mo. In heat lang 'yon."

"Parang siya lang, Doc. In heat aso, in heat din si Finn." Pang-aasar ni Kian sa kaibigan niya. "Excited na nga rin ako, Doc. Baka ako pa magbukas niyang clinic mo."

They both finished a college degree sa ibang school. Last year lang kami nagkita-kita uli sa company na pinapasukan nila. Wala na akong pagdadalawang isip, sila agad ang kinuha ko.

I didn't regret anything, talagang magaling sila. Mabuti na lang ay naisipan nilang magtapos ng pag-aaral. Mahalaga talaga 'yon dahil mas maraming opportunities ang makukuha.

Sa loob ng tatlong taon, I explored almost everything I wanted to know. May mga unexpected experiences pa ako. Lahat ng 'yon, I did it alone. Minsan, napapaisip din ako na siguro iba pa rin ang pakiramdam kung may kasama.

Nevermind, I already did it. Ngayon, naka focus na ako sa improvements. I'm also exploring new things gradually. Masaya rin palang unahin ang sarili kahit minsan. Minsan lang kasi gusto ko rin naman ng kasama.

Ilang taon na rin akong walang lambing. Para akong lalagnatin nang maalala ko 'yon.

"Doc, nasaan nga po pala si Doc Kairo?" Lumapit sa akin nang bahagya si Kian. "Break na kayo?"

"A-Ano bang sinasabi mo?" Gulat kong reaksyon at sinenyasan siyang hinaan ang boses. Baka kasi ma-issue pa kami. "Naka leave lang si Doc. Babalik din 'yon this week."

Doctor Kairo is my closest friend from college. Siya rin ang nakakasama ko noong graduate na kami. He even offered my the land na pinapatayuan ko ng clinic. And after matayo ng pet clinic, I'll be working with him.

Kairo is a nice guy. Pinakopya niya kasi ako noong nag quiz kami at 'di ako nakapag review. Isang beses lang naman. Doon kami nagkakilala kung kailan 5th year na kami.

"Sav, this is a bad idea. Marami pa 'kong gagawin!" Pinilit kong hilahin ang braso ko mula kay Sav habang hila-hila niya ako papasok sa isang club.

Kasama namin si Chloe na nag l-lipstick pa sa daan, at si Nadia na nakakunot-noo dahil mukhang nahila na naman.

"I told you, ayaw ko!" Sigaw ko dahil hindi ata nila ako maririnig sa sobrang ingay pagpasok namin.

Puro lalaki na may kahalikan na mga babae. First time kong pumasok dito, sobrang laki at ang luxurious tignan. Wala naman akong binayaran dahil nilibre ako pero ayaw ko pa rin talaga. This place isn't for me. Nasusunog ang mga mata ko sa mga nakikita ko.

Ngayong gabi ako naka witness ng matinding halikan. Kung dati ay wala akong alam dito, ngayon parang dumami na. Nakakatakot pala.

"There! Doon tayo sa couch so we'll feel comfortable." Tinuro ni Sav ang hindi kalayuan.

Anchor Soul Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon